Author's Note: Dedicated to my favorite author. And it's previously, Chimchim Wonderland.
- - - - -
"Miss Kim, pinapatawag kayo ng President" In-end ko yung call at agad na dumiretso sa location. Pagdating ko sa building ang dami agad na bumabati sakin pero inirapan ko lang sila.
Hmm, sayang ang beauty ko sa kanila. Feeling maganda ako no.
Pagpasok ko, isang matandang lakakeng nakatayo patalikod sakin at nakaharap sa bintana niya. Makikita mo ang mga trainees na nag-prapractice sa bintanang yun. Tahimik akong naglakad papunta sa likod niya at pumasan sa kanya. "Daaaaaaaddy!"
"A-Aray. H-Harajusko. Patchot, umayos ka nga." Umalis ako sa pagkakapasan sa kanya at nag-pout. Umupo siya may President's chair at naupo naman ako sa table.
Muntik ko pa nga matabig yung pangalan niya. Buti na lang nahawakan ko yun kaagad. "Kim Young Min" Basa ko sabay balik uli sa pwesto yun.
Hinarap ko si Daddy at nakakunot ang noo niya. "Malamang di mo alam kung bakit ka nandito diba?"
Eh kung batukan ko kaya tong matandang to. Siraulo eh. Ibalik si Sooman! Bwisit. "Malamang hindi"
Bwisit na tandang to, sama-sama ng ugali. Baka mamaya ipatapon niya na lang ako kung saan-saan. Mahirap na. Sayang ang ganda ko. Endangered na.
Tumingin siya sa kanan at binalik uli ang tingin sakin. "Marunong ka bang magluto?"
"Hindi" May yaya naman kasi sa bahay eh. Pero marunong naman ako, lagi nga akong nakaka-three star sa Y8 eh.
"Marunong kang mag-linis?"
"Oo" Ng Accessories ko. Branded eh, kelangan ingatan.
"Mahilig kang mag-alaga?" Ng bata? OMG! Pinaka-gusto kong mang-yari sa balat ng buhay ko! Ang mag-alaga ng bata. Ang cute cute kasi nila eh. Tumango ako
"Good" May inabot siya saking folder at kinuha ko naman ito. Binuksan ko yung folder at binasa ang laman. Isang bondpaper na may nakasulat na address. Address lang talaga. Handwritten pa, parang kinalkal ng manok ang penmanship.
Tinignan ko si Daddy at tinaasan ng kilay. Bago pa ako makasalita naunahan na niya ako.
"Oo. Pinapalayas na kita sa mansyon kong mamahalin. Masyado kasing maganda ang mga kuko mo, try mo kayang padumihin yan? Kaya ayan. Diyan ka na sa Address na yan titira at babantayan mo lahat ng kilos ng kasama mo diyan sa bahay."
Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko. Whuuut. Me? Itinatakwil na ng walangyang namamahala ng SM Entertainment? Ng Daddy ko? Oh dibadibs, maayos pa si Sooman eh.
"Bago ka lumipat ng bahay, dumiretso ka muna sa Mansyon KO at may nag-aabang na make-up artist sayo..." Agad na bumalik ang ngiti ko. Syempre i-mamake over muna ako ni Daddy, sabi na eh, mahal na mahal niya--
"...para maging gurang muka mo." Sumimnagot ako. Tumayo ako nang nanlalaki ang mata.
"ANOOOOOOOOO?!!!!" Halos gumiba tong kwartong to sa tili ko. Napatayo na rin siya sa tili ko. Tangina. Anong klaseng tatay siya?
"PATCHOT!" Napasimangot ako lalo ng marinig ko ang pangalan kong mabantot. Umupo ako at nag-pout yung tipong ingungudngud na yung nguso ko sa sahig.
"Kelangan mong bantayan yung kilos ng BTS. Di ko alam kung ano nakain ng mga yun at instant sikat sila. Baka matambakan ng BigHit ang kumpanya natin! Kelangan mangurakot! Kelangan mang-duga. Kaya, simula bukas. Matandang chimay ka na ng BTS"
"ANOOOOOOO?!!!" This time, hindi na dahil sa inis ko ang sigaw ko. Kundi sa kilig. OMG. Ako? Yaya slash Chimay slash Pogisitter ng BTS?! Teka, kinikilig ako. Sigawan niyo nga ako ng 'ang ganda ganda mo'.
"PATCHOT!"
- - - -
Author's Note: Ni-revise ko po siya and in-edit ang name. Please, support niyo parin po. :)
BINABASA MO ANG
Bangtan Sitter [ON-HOLD]
FanfictionDahil sa sadyang sakim ang kanyang tatay, ginawang chimay si Myka ng Bangtan.