SANDOSENANG ROSAS

6 1 0
                                    

Maaga akong ginising ni Mama para mamili ng handa sa noche buena mamaya para sa pag diriwang ng kapaskuhan. Pag katapos kong mag almusal, agad na akong gumayak. Naligo at inihanda ang susuotin ko. Habang naliligo sa loob ng banyo tumunog ang cellphone ko. Kahit balot pa ng sabon ang aking mukha ay agad akong lumabas ng banyo para tingan ito.

"December 24, 9:00am, Park. Anniversary. Labing-dalawang rosas at chocolates para sa aking irog"

Agad na tiningnan ko ang oras 8:30 na. "Todas na" sambit ko sa sarili ko. Nag tungo na ako muli sa banyo at nag banlaw dali-daling isinuot ang pulang polo at maong na pantaloon--- regalo niya sa akin noong nakaraang buwan, monthsary namin. Hindi ko na rin inayos ang buhok ko gusto niya sana yung mala-style ni Jose Rizal kaso kulang na ngang masyado sa time kaya hinayaan ko nalang. Kinuha ko na ang lista ng mga bibilhin ko na iniwan ni Mama sa mesa at lumabas na ng bahay.

Habang nakasakay sa Jeep, ilang ulit kong inisip ang priority ko.

"Roses, chocolates and teddy bear, Roses chocolates and teddy bear, Roses, chocolates and teddy bear"

Nag decide ako na huwag na munang bumili ng pang Noche Buena mamaya nalang pag katapos ng surprise ko sa aking irog. "Manong sa tabi lang po." Bumaba ako sa isang department store at bumili ng human sized teddy bear, isang dosenang rosas at mga chocolates. "Tiyak matutuwa ang aking irog nito. Todas na talaga, meron nalang akong limang minuto aabot pa kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nakapilia sa counter. "Sir 6,539.00 pesos po lahat" sabi ng kahera. Biglang napaurong yung bulsa ko. "Patay 2000 nga lang pala ang budget ko" nakakahiya naman kung isasauli ko pa ang isang item kaya ang ginawa ko, nag bawas muna ako sa pera ng pampalengke.

Matapos kong mag bayad, dali dali akong pumara ng tricycle at pumunta sa park. Nakita ko na ang irog ko nakasuot rin na pula nakatalikod mula sa akin at may dala-dalang mga lobo. "Swerte ko talaga sa irog ko may pa surprise din para sa akin" Lumakad na ako papalapit sa kanya balak ko sana siyang i-back hug kaso habang papalapit ako sa kanya, yung mga tao sa park biglang nag takbuhan patungo sa may fountain nawala tuloy siya sa paningin ko. "Asan na kaya siya?" tanong ko sa sarili ko lumapit ako sa kumpol kumpol na mga tao nag babakasakaling naroroon rin siya. Ilang minuto ng pag hahanap, sa wakas nakita ko rin ang aking irog sa gitna ng kumpol na mga tao lahat pinag mamasdan siya. "Mahal grabe naman ang plano mo para sa Anniversary natin" sabi ko sa isip isip ko. Hirap akong makasingit sa dami ng tao. "Makikiraan po, excuse me, makikiraan." Para akong nakikipag patentero sa dami ng tao pero sa wakas nakapunta rin ako sa gitna pero hindi ko magawang lapitan ang aking irog sa dami pa ding taong nakaharang. Ngunit nakikita kong nakaluhod siya at may hawak hawak na sing-sing mag prupopose ata. "Irog di mo naman kailangan gawin yan, ako dapat ang gagawa niyan para sa iyo" sigaw ko pero di ata niya ako narinig.

Nasagi pa ng isang lalaki yung labing-dalawang rosas ko na naging dahilan para mahulog ito. Hirap akong pulutin isa-isa binilang ko ang mga napulot ko ngunit labing-isa nalamang. Pilit kong hinanap kung saan napunta yung isang rosas pero biglang tumahimik ang lahat at isang malagom na boses lamang ang narinig ko. "YES" mula sa pag kakadapa, bigla akong napabalikwas ang babaeng iniirog ko ay iniirog na pala ng iba.

Para akong sinampal ng katotohanan na ang isang rosas na pilit kong hinahap ay pahiwatig pala ng isang buwan na naming pagkakawalay sa isa't-isa at kahit kailan hindi na maaaring ipagdiwang pa ang aming anniversary dahil hindi na makokompleto ang sandosenang rosas.

Bawat pirasong rosas ay simbolo ng isang buwan naming pagmamahalan.

Pag uwi ko ng bahay sinalubong ako ni Mama, kinuha niya ang rosas, chocolate at teddy bear sabay bigay ng napakahigpit na yakap. "Salamat sa regalo mo anak. Merry Christmas" hindi na sya nag tanong kung asan yung mga pinamili ko basta ang alam ko tuwang tuwa siya sa dala dala ko.

End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SANDOSENANG ROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon