Alucard POV
Habang NASA byahe patungong mansyon ni Lola at Lolo ay nakatingin lang ako sa larawan ng dalagang iyong. Sayang lang at Hindi ko nalaman ang kanyang pangalan para sana'y ma-i-add ko sa Facebook. Ngunit hahanapin ko parin sya.
"Alucard ano ba kanina pa kita kinakausap Hindi ka man lang nakikinig." Nagtatampong ani ni ate Allison.
"Paumanhin." Baling ko sakanya at muling tinignan ang larawan ng dalaga. Nakakamangha lang kasi ngayon ko lang naranas ang ganitong pakiramdam. Nakakabakla man Kong isipin na ang bilis tumibok ng aking puso ngunit ito'y nakakagalak sa aking pakiramdam.
"Ang lalim ata ng iyong iniisip. Ito ba'y ang dalagang Kay simple Ngunit Kay ganda?" Ani ni kuya Aljon na katabi ni Ate Allison.
"Hmm" sabay tangong sagot ko sakanya. Hindi ko lang lubos akalaing sakanya titibok ang aking puso. Sa taong Hindi ko lubos kilala. Sa taong alam Kong mahirap hanapin.
Sa lamin ng aking iniisip di ko namalayang nandito na pala kami sa mansyon ng aming Grandparents. Nang makababa kaming lahat nakita naming si Lola na nakatayo sa may malaking pintuan na gawa sa marble habang sya'y nakapamaywang dala dala ang kanyang gintong pamaypay. Ang lahat ng aking mga pinsan ay nagagatong ang mga tuhod at Hindi makahakbang. Kaya ako na ang umunang maglakad. Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Lola.
"Aba'y bat tagal nyo maka-uwi ako'y lubos na nag-aalala sa inyong walo." Sabay tingin pa ni Lola sa likod. Ipinaliwanag ko naman Kay Lola kung bakit kami lumampas sa takdang oras ng aming pamamasyal sa plaza.
Nakahinga naman ng maluwag ang aking mga pinsan ng di sila pinagalitan ni Lola. Ako kasi ang paborito ng Lola sapagkat kamukhang kamukha ko raw ang Papa't Lolo. Ngunit Hindi iyon naging hadlang para mainggit ang aking mga pinsan. Subalit sila pa'y nasiyahan sapagkat may taga ligtas na raw sila sakali mang kami'y pagalitan ni Lola.
Nagtataka siguro kayo kung bakit lahat naming magpipinsa'y nakatira sa bahay ng mga grandparents naming yun ay ang mga magulang namin ay busy sa kanikanilang mga trabaho.
Ang Mama ay isang fashion designer habang ang Papa ay CEO ng aming kumpanya.
Ang Tita Rica(Mama ng kambal)busy sa aming Mall at ang kanyang asawa na si Tito Ark ay busy sa resort sa Palawan. Ang Tita Lucy (Mama ni Ate Allison) ay busy sa pagsubaybay sa tagagawa ng mga alahas habang si Tito Ali ay sa mga farmers. Si Tita Rachel (Mama ni kuya Aljon)ay busy sa resort sa Boracay kasama ni Tito Alan. Si Tita Ruth at Tito Axel (magulang ni kuya Aldrich) ay magkasama sa iisang kumpanya sa Buhol. Si Tita Marry At Tito Anton (magulang ni kuya Astrid) ay sa mga Mall sa Baguio. Si Tita Anna at Tito Ank (magulang ni Kuya Ashkiel) busy naman sa mga pagbenta ng sasakyan. Kaya kami nandito lahat kasi sila na ang pumalit sa pamamahal ng aming LoLo at Lola. Sanay na kaming wala ang mga magulang namin dahil mula bata iniean na nila kami dito."Alucard bumaba ka na dito't makakain na tayo. Akala ko ba'y gutom ka na." Sigaw ni Nanay Marzy ang mayor doma at ang nag-alaga sa aming lahat na magpipinsan.
"Opo Nanay Marzy." Sagot ko para Hindi nya ako bulabugin pa kasi nakakairita ang kanyang boses ang singkit ansakit sa tainga. Nagpalit na ako ng damit atsaka bumaba na para maghapunan.
"Ang tagal mo namang bumaba Alucard ako'y lubos na nagugutom"nakabusongot na sabi ni Ate Allison. Hindi ko na sya pinansin para makakain na kami't makatulog na ako.
Nakalipas ang isang oras na piros kain at kwentuhan lang ang ginawa nila ng mapunta sa akin ang topic.
"Alam mo ba Lola ang yong paboritong apo'y na love at first sight kanina sa dalagang ngayon lang namin nakita dito sa aming bayan sapagkat Hindi pamilyar ang kanyang mukha." Mahaba habang saludsod ni Kuya Aldrich Hindi ko alam kung Babae o lalaki itong si kuya Aldrich nakabungangera tsk.
"Oo nga Lola alam mo kanina tawa ng tawa na ngayon lang nya ulit ginawa sa tangan ng buhay nya nakakamangha ng kanyang pagtawa may emosyon." Si Kuya Aljon naman ang sumunod na nagsalita.
"Talaga ba apo aba'y maganda yan nag-iimprove ka na ha."nakangiting pahayag ni lola.
" tsk."sabay irap na saludsod ko sapagkat pinagtutulungan nanaman nila ako.
"Hahaha" tawa nilang lahat kayat umakyat nalang ako sa aking sariling kwarto.
Ang kwarto ko ay napinturahan ng itim puti at abo sapagkat ito ang aking paburitong mga kulay.
Sabihin man nila ng napaka emo ko wala akong pakealam sapagkat Hindi naman sila ang matutulog dito at Hindi naman nila ito kwarto. Pumunta ako sa aking study table upang iprinta ang kanyang larawan.Lahat ng kuha ko ay aking prininta at dinikit sa aking dingding. Matawagan nga si Butler Henry upang alamin ang pangalan ng binibining ito.
~ Calling Butler Henry ~
After ten second ay sinagot na nya ito.
"Ano po iyon Prince Alucard?" Yan agad ang pabungad nya kasi alam na nyang pagtumawag ako'y may kailangan ako sa kanya.
"I'll send you a picture know her name and her life style about tomorrow meron ka nang balita sa akin understood??." Strikto at walang bakas na emosyon kung salaysay.
"Yes Prince Alucard I understand." Saad nya kaya pinatay ko na ang tawag at lumabas muna upang magmuni muni.
Andito ako ngayon sa aking terrace ng aking kwarto. Nakatingin ako sa itaas marami palang bituin ngayon buti't Hindi na masyadong umuulan. Ng ibaba ko ang aking tingin sa aming Hardin ay nakita ko silang lahat na nandon. Ano naman kayang ginagawa nila doon ng ganitong oras. Makababa nga muna upang alamin kung ano ang kanilang pinagkaka abalahan doon.
Nang ako'y makababa nakita ko silang naglalaro ng habulan.
"Alucard halika na at tayo'y maglaro ng habulan. Hahaha. Ito'y nakaka-aliw." Nasisiyahang sambit ni Lola. Ngunit ako ay umiling na lang at nagtuloy tuloy upang maupo at manood sa kanila.
Ngayon lang na naman sila nagkasiyahan. Batid Kong si Kuya Aljon na naman ang pasimuno ng larong ito.
Umakyat na ako ng ako'y mabagot na manood sa kanila.
Bukas ay malalaman ko na ang kanyang pangalan at ng kanyang background. Sana'y malaman ko ka-agad ito upang ma-stalk ko sya at mapuno ko ang kwarto ko ng larawan nya.Ngunit ng ako'y akto ng pipikit nakita ko nanaman ang kanyang mukha..tsk nakakainis na ha maaari bang kahit ngayin lang lubayan nya muna ang aking isipan dahil inaantok na ako at kailangan ko pang magising ng maaga bukas para malaman agad ang resulta ng aking pinapa-imbestigahan...
Makalipas ng ilang Sandaling sya lang lamang ng isip ko'y unti unti ng bumabagsak ang aking mga talukap ng aking mata..batid ko'y makatutulog na ako sa wakas kayat magandang gabi na sa inyo...
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT
Teen Fiction"Alucard sino ba ang yung sinusulyapan" baling sabi sa akin ni Astron pinsan ko. Ngunit Hindi ko ito pinansin at iniba nalang ang aking tinitignan. Ako ata'y nabighani sa ganda ng babaeng iyon sahalip na ako'y makipaglaro ng Mobile Legend ay nabalin...