First year college ako nung makilala ko siya. Nakatunganga lang ako nun sa tapat ng room dahil first day of the school year. Hindi ko alam pero parang hangin siya na dumaan sa harap ko at ang pinaka nakaagaw ng pansin ko eh yung mga mata niya. Napakaganda ng mga ito, sobrang misteryoso. Maamo ang kanyang mukha pero kakaiba ang mga tingin niya. Iba ibang emosyon ang meron dito at ang nakakapagtaka? Punong-puno ito ng galit. Ewan kung totoo ba yung nakita ko pero.. “Hayy ewan!!”- nagulat ako dahil sa sarili kong sigaw.. “Tss”.. papasok ka ba o tutunganga diyan?!!”- sabi nung katabi ko. Bukas nga pala yung room, hindi ko man lang namalayan.. “Hehe” yun nalang nasabi ko. Puno nga ng galit at mukhang para sa akin ang emosyon nay un. Nakakatakot siya. Sobra. Pero may feeling ako na gusto ko siyang maging kaibigan, gusto ko siyang makilala kasama yung mga unang emosyon na nakita ko kanina.
Pumasok nako sa loob, hinanap ko siya at ayon! Sa may tabi ng bintana nakaupo ang future bestfriend ko. Haha. Tumabi ako sakanya. “Hi future bestfriend!” ^_^ nagulat naman siya “Future what??” . “Ay bingi si future near near bestfriend!!” ^_^ “Future your face!!! Wala akong planong balak magkaron ng kaibigan nor a stupid bestfriend in the near near future of yours so stop disturbing me!!” Katakot ang itsura niya mukha siyang bampirang nagwawala pero ok lang. “Ikaw ang magiging bestfriend ko in the super near near future whether you like it or you like it. Right future BFF??” ^_^ “Tss”.. yan lang ang sagot niya at tinalikuran na niya ko. Natapos ang unang klase na hindi man lang nya ko pinapansin at sa tuwing susubukan kong itanong ang pangalan niya tinitingnan niya ko ng napakasama na para bang konti nalang eh mamamatay nako sa tingin at baka mamaya o bukas pinaglalamayan nako. “Hehe” .. yan ang unang nasabi ko. “Future Bff ano nga palang name mo??” ^_^ nakangiti kong tanong at ang sagot niya?? Isang napakalupet na “Tsss” sabay talikod saakin. “Ang ganda naman ng name mo future bff!! ‘Tss’?? Haha” pang-aasar ko sakanya at tiningnan na naman niya ko ng killer eyes niya. Natakot ako kaya nginitian ko nalang siya sabay.. “ Hehe. Joke lang future bff. Sige na continue your business na. Hehe.” At tinalikuran na naman niya ko.
Natapos na ang ilang subjects naming at lunch break na. Tiningnan ko ang katabi ko par asana ayain pero andun na siya sa may pintuan at palabas na.. Hinabol ko siya hanggang sa cafeteria. “Haisst future bff ang bilis mo naming maglakad! Napagod ako dun ah!” hinihingal kong sabi pero reaction niya?? Wala as in wala. Ni hindi man lang ako tiningnan at umorder na siya ng makakain kaya sumunod nalang ako. “Mmm. Future Bff patabi ha??.” “Kapag ba hindi ako pumayag aalis ka??” tanong niya habang kumakain at hindi man lang ako tinitingnan. “Mmm. Hind. Hehe.” Sagot ko. “Tss” yan lang sabi niya at hindi nako pinapansin. Umupo narin ako para masabayan siya. Ganon lang natapos ang unang araw ko sa college. Wala akong ginawa buong araw kundi ang kulitin si future bff.