Vice <3 Kaloy

5.9K 199 34
                                    

Tanghali na pero hindi padin tumatayo si Karylle sa higaan nya. Nabalot ng makapal na kumot ang buong katawan nito at nanginginig sa lamig.

*tok.tok.tok*

"AnaKarylle, bumangon ka na dyan.. Anong oras na." sambit ni Nanay Zsazsa na nasa labas ng pinto.

"O-opo Nay!" mahinang sagot naman ni Karylle.

Nahalata naman ito ni Nanay Zsazsa kaya pumasok na sya sa kwarto ng anak. Nakita nya si Karylle na namimilipit sa kama.

"Anak, anong nangyari sayo?" alalang tanong ni Nanay Zsazsa nang makalapit ito sa anak.

"N-Nay, pakipatay naman ng aircon.. Ni-nilalamig po ako." utal na sambit ni Karylle.

"Anak, hindi pwede." -Nanay Zsazsa

"Si-sige na Nay... Nilalamig na ko.. Pakipatay ng aircon." -Karylle

"Nak, hindi nga pwede kase wala naman tayong aircon." seryosong sambit naman ni Nanay Zsazsa. Kinapa nya ang leeg ng anak at halos mapaso naman ito sa init.

"Hala anak! You're so hot!" bulalas ni Nanay Zsazsa.

"Yes Nay, I know." napangiting sambit ni Karylle.

"Gaga! Ang ibig kong sabihin, ang init mo.. May lagnat ka." napairap na sabi ni Nanay Zsazsa. "Wag ka na munang pumasok sa trabaho mo.. Magpahinga ka."

"Nay, hindi pwede.. Baka magalit yung boss ko." pag-angal ni Karylle.

"Mas magagalit ako kapag natigok ka... Ako na tatawag sa boss mo para ipaalam ka." -Nanay Zsazsa

Kinuha ni Nanay Zsazsa ang phone ni Karylle at napakunot noo ito.

"Anak, nag-iba ka na ng telepono?.. Bakit walang pindutan?" seryosong sambit nito habang sinisipat ang telepono.

"Nay, binigay yan sakin ni Vice... Touch screen tawag dyan." -Karylle

"Ano? Touching screen?... Aba ang galing ha." tila namamanghang sambit nito.

Kinalikot pa ni Nanay Zsazsa ang phone ng anak at nang may makitang numero sa contact ay pinindot naman nya ang call.

"Hello?" sambit ng nasa kabilang linya.

"Hello?... Hello?.. Hello?" paulit-ulit na sambit ni Nanay Zsazsa.

"Nay baliktad yung telepono." nanghihinang sambit ni Karylle.

"Ay nako anak, alam ko yang joke na yan.. Yung pontele, pontele?" natatawang sambit ni Nanay Zsazsa.

"Hindi Nay, talagang baliktad yung telepono kong nasa tenga mo." -Karylle

Tinignan naman ni Nanay Zsazsa ang telepono at napagtantong baliktad nga ito. "Ay ano ba yan, wala kaseng ganito sa bundok." bulong pa nya.

Muli nyang itinapat ang telepono sa tenga. Natuwa naman sya nang marinig ang nasa kabilang linya.

"Anong sabi Nay?" tanong ni Karylle.

"Sabi nya, toooot toooot tooot... Ay ewan." nayayamot na sambit ni Nanay Zsazsa. Binaba na kase nung nasa kabilang linya ang tawag.

Napatakip naman si Karylle ng kumot sa mukha at nagpigil ng tawa.

"Tawagan mo nalang ulit Nay." -Karylle

"Sige." -Nanay Zsazsa

Muling pinindot ni Nanay Zsazsa ang call.

"Hello?"

"Hello Sir?... Ikaw po ba yung boss ni Ka------"

"Kaloy Nay!" -Karylle

"Ikaw po ba yung boss ni Kaloy?... Ipapaalam ko sanang hindi sya makakapasok ngayon kase may sakit sya... May Ebola yung anak ko... Pero joke lang yun, lagnat talaga yung sakit nya... Salamat.. Ge bye." natatawang sambit ni Nanay Zsazsa. Hindi na nya hinintay ang sagot ng nasa kabilang linya at pinatay na agad ang tawag.

My Pretty BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon