Chapter 26: Heartbeat

136 5 0
                                    


  [ DEIRINE AEMETHYS ]

   Pagkatapos kong puntahan si ate Selene sa kwarto nya ay dumiretso ako sa room ni dad para kausapin siya. ayoko naman kasi matuloy ang divorce nila ni kuya! :(

  “Dad wag nyo na ayusin yung mga papel para sa divorce!”

  Ibinaba ni Daddy ang news paper na hawak nya, gabing gabi na pero news paper ang binabasa nya

  “Sino ba nagsabing inaayos ko ang mga papel? ayokong matulad sa kuya mo ang nangyayari samin ng mommy mo!”

  “Daddy what if papuntahin natin sila sa isang place, paradise ganurn para makapag enjoy sila!”

  “No need for that Deirine, may plano ang school nila at pupunta sa isang forest-island papasamahin natin si Deimon at Hail Selene” kalmadong sabi nya.

  “Eh dad pano kung kasama si Heira?“

  “Kilala ko ang kuya mo, alam kong nalilito na siya ngayon kung sino sa dalawa ang mahal nya. hayaan natin siyang magpasya!” sambit ni daddy kaya napatango nalang ako. gawd! ang cool naman ng daddy ko!

   Pagkatapos kong kausapin si daddy ay napansin ko nalang ang isang lalaking nakadukmo sa sofa. Kung di ako nagkakamali si kuya ang isang 'to! Ano naman ang ginagawa niya dito?!

  “Aim Deimon Anderson!” sambit ko

  “I love her, oo na! Pauwiin mo na siya sa bahay namin, please. I love her, i really love her!” sagot nya, mas lalo nanaman tuloy ako natuwa. gawd!!! ano ba namang ang real love story na 'to! _____________________________________________________

  [ Selene ]

  nApabangon ako sa pagkakahiga at nakita si Deimon na nakatingin lang sakin.

  Napakunot ang noo ko, agad nya kong inabutan ng baso na may lamang tubig

  “Ayos na ba pakiramdam mo?” tanong nya, inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin na nandito na ko sa bahay naming dalawa. t-teka! pano ako nakapunta dito.

  “Tulog na tulog ka, inuwi na kita dito para mas gumaling ka” sambit nya.

  Tinignan ko ang side table at nakitang may nakahanda ng pagkain dito, may lugaw din, may tubig at may juice.

  “Kainin mo na yung pagkain bago lumamig, papasok na ko. Itext mo nalang ako pag may kailangan ka.” napatingin ako sa orasan at nakitang 8:45 na pala. gahd! late na siya sa first subject! huhu! bat ngayon lang ako nagising?

  “T-Thank you” sambit ko at nakitang ngumiti si Deimon, parang umawit ang mga anghel sa langit ng makita ko ang ngiting yun! gawddd nananaginip ba 'ko? kelan pa natutong ngumiti si Deimon saakin ng ganun? huhu!

  dugdug dugdug

tanginames! hindi nga sabi pwede!

  “Selene papasok na ko” paalam nya at muling ngumiti, lintek! mA!!!!si Deimon!!

  Tumango ako at iniwas ang tingin ko sakanya, gawd! hindi 'to pwede! bawal marupok! aawayin ka din nyan pag wala ka ng sakit! psh!

     Maghapon akong nahiga sa kama at walang lakas para tumayo, nakita ko din ang ilang message sakin ng mga kaibigan ko na nagsasabing nasan ako o magpagaling ako. kahit ako gusto ko ng gumaling pero di ako inaayawan ng lagnat na'to!huhu! mabuti nalang din at medyo bumababa na siya ngayon.

     5pm na nagulat ako ng makita si Deimon na dumiretso papalapit sakin ngayon. 6pm ang uwian pero andito na siya ngayon.

  Agad nyang inilagay ang kamay nya sa noo ko at pinakiramdaman ito.

  “Buti nalang mababa na. Gusto mo bang kumain?” tanong nya

Gusto ko ng fries, burger at float sa jollibee :( gusto ko ng chicken fillet sa mcdo at mcflurry! gusto ko rin ng chicken, sisig at barbeque sa mang inasal! at gusto ko rin ng sweet and sour pork sa chowking! :( pero hindi! bawal marupok! gosh! galit ako sakanya! >:(

   “h-hindi. Di naman ako gutom” sambit ko at ngumiti nalang ng peke.

“Sayang! Gusto ko pa naman kumain ng fries, burger at float sa jollibee. pwede rin kumain ako sa mcdo, mang inasal din siguro at chowking? nagugutom talaga ko!” sambit ni Deimon kaya pinikit ko ang mata ko at pinigilan ang sarili ko.

  “Edi kumain ka” sambit ko at gumilid nalang ng higa, patalikod sakanya.

  “Mamaya magalit pa sakin si Heira at ako pa ang maging dahilan ng hiwalayan nyo” bulong ko.

  Pinakinggan ko kung sasagot si Deimon pero wala akong narinig na sagot mula sakanya. Odiba! Pag si Heira ang usapan wala siyang masasabi!

    Ilang minuto ata ko nag imagine ng pagkain na iniisip ko mula kanina! ang hirap ng may sakit! ang hirap mag imagine ng pagkain na di mo naman makakain!

  “Ayaw mong sumama sa jollibee, mcdo mang inasal at chowking. edi ako na mismo magdadala ng mga ito sayo!” nanlaki ang mata ko ng makita si Deimon na hawak ang napakaraming plastics sa kamay nya, iba't iba ang nakikita ko. jollibee, mcdo, mang inasal, chowking, bonchon at yellow cab! huhu! :(((

   Napaupo ako sa kama ko at napangiti,

  “Kumain kana!” sambit nya at inilagay ang lahat ng yun sa lamesang malaki at iniharap yun sakin.

  “Hindi ko 'to mauubos lahat, kumain na tayo” sambit ko, ineexpect ko na di siya sasalo sakin pero nagulat ako ng makitang nakangiti nanaman siya habang sumasalo sa kinakain ko ngayon!

  Dugdug dugdug

Paulit ulit kong nadidinig ang tibok ng puso ko, hindi dahil kinakabahan ako at may kasalanan, kundi ... tumitibok ang puso ko sa tuwa at pagmamahal.

Dugdug dugdug.

Puta, paano ba pigilan ang puso na 'to!
Makulit eh! sabing hindi nga pwe--

  “Selene, I'm sorry” sambit nya at kasabay nun ay pinunasan nya ang pisngi ko.

   Dugdug Dugdug

Tama na! Talo na'!
Mahal ko na siya.

Mahal ko na si Aim Deimon Anderson at hindi ko na mapipigilan 'to.

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now