THAT GIRL IS MY PERSONAL MAID

26 1 0
                                    

CHAPTER 1

Zein's P.O.V

(TIKTILAOK)

"Hmmm..."feeling ko di ako makatayo as if my bed was pulling me and saying that i should stay...

(TIKTILAOK)

"Tsk...anong oras na ba?"nakakainis naman tong mga manok eh yan tuloy kahit inaantok ay pinilit ko pa ring bumangon para tinggnan ang orasan...And I was too shock when I saw the time...

8:17 am

\●○●/

'Waaaa!Late na ko sa klase!'

Agad akong naligo at nagbihis di na ko nag-abala pang kumain...

"Pagminamalas ka nga naman bakit kaya hindi tumunog yung alarm?!"nasabi ko na lang habang nagsa-sapatos

'Bwisit...nakakainis talaga feel na feel ko pa naman yung pag-e-english ko kanina tapos mali-late lang ako?!'

Padabog kong sinipa yung pintuan para bumukas...alam mo na diba para mas cool.Ano ba yan nakakapag-joke pa ko kahit late na.

Lalabas na sana ako ng appartment nung maalala kong naiwan ko pala yung phone ko sa may lamesa....Dali-dali ko itong pinuntahan at kinuha ng mapansin ko yung kalendaryo....At ang mga naglalakihang titik lang naman yung nakita ko...

AUGUST 17,2019/SATURDAY

'Guys alam niyo ba parang masisiraan na ko ng bait ngayon!'

Kaya pala hindi tumunog yung alarm dahil sabado now its all make sense!

Napa-upo na lang ako sa sofa...Ano kayang gagawin ko ngayon?Ay oo nga pala di pa ko nakakapag-bayad ng renta!Kailangan ko na yun next Wednesday!

Kailangan ko makahanap ng part time job sa lalong madaling panahon!

Tinawagan ko na lang si Lara yung bestfriend ko,agad niya naman itong sinagot...

"Hi beshie!Buti na lang napatawag ka alam mo ba may good news ako sayo?!Gusto ko magkita agad tayo sa favorite park natin....now na hihintayin kita BYE!"Sa sobrang lakas ng boses niya muntik ko ng mabitawan yung cellphone...

"Low?"bwiset naman yung babaeng yun in-end agad yung call!

Nag palit ako ng maayos na damit bali naka maong ako na short tsaka v-neck na t-shirt tapos naka tsinelas dahil magba-bike lang naman ako...

(PARK)

10 minutes na kong naghihintay dito kaya tinawagan ko ulit siya para alamin kung nasan na siya...

"Hoy Lara sinong may sabi sayo na babaan mo ko ng tawag kanina?Tsaka asan ka na ba?Ang tagal tagal mo!"sigaw ko

"Wait lang beshie tingin ka sa likod mo"sabi niya na agad ko namang sinunod and there she is waving at me while having a big smile on her lips...Pinuntahan ko na sya doon...

'Maganda si Lara her whole name was Lara Emerald anak siya ng mga negosyante in other words mayaman siya pero mabait ang mga magulang niya sakin kaya naging kaibigan ko siya....Pareho lang kami ng edad pero sa ibang school siya nag-aaral...

Binuksan niya yung pinto ng kotse niya bago lumabas(syempre naman alangan lumabas siya ng nakasara yung pinto)Bumungad sakin ang kaibigan ko na naka dress above the knee naka high heels din siya at may dala pang wallet...Haays di na siya nag bago mahilig parin siya sa mga ganyang suot!

"Hey beshie sorry na..."she said after clinging on me"....ang good news ko nga pala eh may welcome party ako mamaya punta ka ha?"sabi niya nakalimutan kong kauuwi niya nga lang pala kahapon...

"Okay basta ako ng bahala sa susuotin ko"sabi ko,kasi naman tong kaibigan ko eh dinadamay pako sa mga suot niya pag may party...

"Ah oo nga pala Lara may alam ka bang pwede kong pasukan?"tanong ko

"Wag mong sabihin na magta-trabaho ka?"kunot-noong tanong niya

"Ah oo eh kasi kailangan baka mapalayas ako dun sa appartment"sagot ko

"What?Sino ba nagbigay sa kanya ng karapatan na palayasin ka!?..."patay eto na naman siya eh"Sinabi na namin sayo ng ilang beses diba Zein dun ka na lang samin tumira baka mas matuwa pa sila mama....wait Im gonna tell this to my mom"this is bad

"Lara please....Ang OA mo naman eh syempre sa kanya yung bahay...Ummm ganito na lang sa inyo ako titira BUT magbabayad ako para sa pagkain at tulugan ko"Alam niyo kasi ayokong makitira ayaw kong maging pabigat...

"Edi parang ganun na din yun"saad niya

"Hindi ah....atleast nga malapit ako sa iyo at kay tita diba?"panguuto ko sana kumagat siya...

"O...kay?"parang nagdadalwang isip na sagot niya

"Pero may alam ka nga bang pwede kong pasukin?"nag change tapik agad ako baka mag bago pa isip niya...

"If my memory serves me right....I have a relative that need a personal maid for his son,I mean my causin"She said while grinning

"H-hoy Lara personal maid nga ba yan?Bat ganyan ka makangiti ang pangit mo nakaka takot ka!"sigaw ko eh totoo naman kasi eh parang ewan lang yung ngiti niya its creeping me out!

"Bakit ayaw mo ba?"nang uurat ba sabi niya...

"Ewan ko depende babae ba yan o lalaki?"tanong ko

"Son nga diba son...alangan namang babae eh pang lalaki yung son!"she said sarcastically

"Then how old is he?"pangalawa kong tanong

"If you promise that you will take this job I will tell you his age and name then the address"ano ba naman to pinag lalaruan pa ata ako

"Okay..okay I promise!Oh ano masaya ka na?"sagot ko pero tinawanan niya lang ako....

"Dadalhin kita dun sa address kasi kailangan na nila ng pm(personal maid)ngayon tapos pag nandun na tayo sasabihin ko na yung pangalang tsaka kung ano-ano pa"sabi niya pero halatang nag pipigil ng tawa...

(After 30 minutes) 

"Beshie...gising andito natayo"

"Hmmm"

"Beshie....."

"Tsk..hmmmm"

"ZEIN ANDITO NA TAYO!"

"Anak ka ng tipaklong!"napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat..

"Ano ba naman yan tulog mantika ka pa rin hanngang ngayon!"natatawang sabi niya

"Edi wow,oh ano dito na lang ba tayo di na ba bababa?"tanong ko

"Ang sungit mo sige na sasabihin ko na sayo yung details tapos ikaw na lang mag doorbell at aalis na ko"

"Di mo ko sasamahan?"kinakabahang tanong ko

"Hindi ....ikaw naman yung mag-a-aply hindi ako"sagot niya bwisit talaga to kahit kailan!

"Sige na sabihin mo na!"sana mga 7-10 para di ako mahirapan tapos dapat cute at mabait!

"Ang pangalan niya ay Dark Hines,kasing edad lang natin siya magulo siya pasaway at higit sa lahat gangster pero marami ang nabibihag sa ka gwapuhan niya"Wut!

"T-teka nga b-bakit di mo agad sinabi ayoko uuwi na ko!"sigaw ko pero nginisian niya lang ako...

"Okay..okay I promise!Oh ano masaya ka na?"

"Teka bakit may record ka niyan?"tanong ko

"Syempre pag nalaman mo na aayaw ka kaya kailangan ko ng evidence na pumayag ka diba?"sabi niya sabay kindat...

Wala na kong ibang nagawa kundi bumaba at mag doorbell....

(TO BE CONTINUE)

Hello guyzz🤗!Ayos lang ba yung kwento?Pasensya na di ko na nilagyan ng prologue...Ano kaya ang mangyayari sa next chapter?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THAT GIRL IS MY PERSONAL MAIDWhere stories live. Discover now