Isa.

49 1 0
                                    

"Walang nagmamahal ng di nasasaktan kaylangan mo lang maging matapang sa pagsubok.Hindi ka nagiisa marami kayo kanya-kanyang diskarte lang kung pano ihahandle ang sitwasyon"

Louise.

"What? Wala na kayo? You mean ganun ganun nalang yun?" Napairap nalang ako sa kanya. Hindi ba sya aware na nakatingin samin ang mga kaklse namin.

"Oo ganun na nga" walang ganang sagot ko.

"What a lame explanation louise" at umupo sya tabi ko.

"Eh sa yun ang nagyari e. Masyado syang malayo saka may closure naman kami the feeling is mutual pareho lang kami masasaktan kaya for the better we end up our relationship no hard feelings"

"I can't believe you. Akala ko ba mahal mo? Bat ganun nalang?" Kulit naman o.

"Andie Samantha Hendrix" pagbabanta ko sa kanya.

"Okay fine. Punyeta ka naman Louise buong pangalan talaga? Basag trip ka din talaga" see tumigil din sya kakatanong. Hindi naman sa bitter ako ayuko lang pag usapan sa ngayon alam ko namang maiintindihan nya anupa't mag bestfriend kami kung di naman alam ang ligaw ng bituka naming dalawa.

Maya maya nagsidatingan na ang mga kaklase namin hindi kami typical girls na magkukumpulan para mag chismisan hindi rin kami yung tipong naguusap about sa crushes. Were too plain to be exact. Pero hindi kami man hatter ha. Nagkaron din naman kami ng boyfriend ni Andie. Pero ang pinagkaiba namin sya cheesy at sweet ako naman well ayuko ng ganun yuck ang baduy lang. Magbestfriend kami since elementary haggang sa mag college kami magkasama kami sa hirap at pagdudusa bilang estudyante. Parehong may kaya ang pamilya namin pero hindi kami mayaman.

Sumasakay kami ng jip pag umuuwi. Nakikipagsiksikan sa mga tao. Nakakasalamuha ang iba't ibang tao sa araw-araw.

Nasa kolehiyo na kami. Sa buong kolehiyo halos kaming dalawa lang ni Andie ang magkasama madalang kami makipag kwentuhan lalo na ako. Mas gusto kong magsoundtrip maghapon kesa makipagchismisan.

Marami din naman ang may ayaw sakin. Hindi naman yung ayaw na nabubully ako what I want to say is akala nila matary at suplada ako kaya siguro hindi nila ako maaproach. Pero kahit ganito ako sa klase namen, ako presidente samin kung bakit? Ewan ko sa kanila.

"Estrella Tara na tulala ka nanaman dyan"

"Pedi ba andie wag mo akong simulan"inis Kong sabi sa kanya.

"Okay fine. Kelan ba ako nanalo sayo?" Sabay higit nya sakin.

--

"Alam mo buddie di ko lang maintindihan kung bakit kayo naghiwalay ni King" heto na naman sya. Buddie talaga ang tawagan namin.

"Ewan ko siguro di na talaga nag work ang relayson namin kaya ganito. Maybe he's not really meant for me so bakit ko pa ipagpipilitan sabi ko nga diba? I don't --

"Regret the past cause past will be" pagpapatuloy nya.

"Exactly" kaya kumain nalang kami.

Nasakatan ako paghihiwalay namin ni king sino ba namang tao ang hindi diba? aamininin ko pero ayuko namang magmukmok at umiyak nalang life must go on. Masakit man alam kong mawawala din to. Sanay na ako. Sanay na sanay.

"Pres pinatatawag ka sa dean office may paguusapan ata kayo about dun sa organization natin" tumango naman ako at sinabing susunod nalang ako.

"Una na ako buddie kita nalang tayo mamaya Queen" tiningnan ko sya ng masama.

"Joke lang byeeeee!" At ayun nagtakbo na sya papuntang field.

Pumunta naman ako sa dean office. Agad din namang natapos ang meeting kasi nagisip lang kami ng magiging design ng shirt namin as a president kelangan ng opinyon ko natapos naman ng maayos at nagsettle kami sa kung ano yung napaguspan.

Tinext ko si Andie na uuna na ako. Alam ko kasing may practice yun ng volleyball.

To: Buddie

Una na ako. Bye.

Sent.

Mamaya nag vibrate ang phone ko.

From : Buddie

Wala man lang ba jang ingat? Loveyou? Iba ka talaga.

Di ko nalang syang pinansin kasi nagiinarte lang naman yun.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng mapadaan ako sa favorite kong kainan para akong nag crave kaya pumila ako at umupo sa dulo since gsto kong kumain ng peaceful.

Pagkatapos ko. Umuwi na din ako. Kakatapos ko lang gmawa ng assignment ng maisipan kong magbukas ng Facebook.

May nakita ako sa message ko kaya in open ko.

Jaiden Inigo Mariano

Hi.

Tiningnan ko lang ng ilang minuto ang screen nakita kong ngttype sya kaya inantay ko.

Hi ate.

Wow ha ganun na ba ako katanda? -.-

Nagout na ako at di sya pinanasin letche bata yun kung sino man sya.

---

Next sat nalang ang update ulit.

Ate Bam.

I Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon