Chapter 1

9 0 0
                                    

Krystal's POV

“Tal! Nakapag-inquire ka na ba sa university na papasukan mo?” tanong sakin ni Zai.

“Hindi pa, tinatamad pa 'ko eh” tipid kong sagot. Inirapan niya lang ako, natawa nalang ako sa kanya. “Ikaw ba?” balik kong tanong sa kanya.

“Syempre ako pa ba?” nagmamalaking sagot niya.

“Talaga lang ha. Saan ka ba mag e-enrol?”

“Therese State University” excited niyang tugon.

“Dyan nalang din kaya ako?”

“Aba magandang ideya yan, Krystal!” sabay akbay sakin. Umiling nalang ako at tinanggal ang pagkakaakbay niya.

By the way, I'm Krystal Ren Maruz and itong kasama ko naman ay si Enn Zaijane Javier.

“Krystaaaaal! We're here!” masiglang sabi ni Zai. “Grabe ang ganda ng bahay na binigay sayo nila Tita ha” dagdag pa niya.

“Ganda daw eh, tumigil ka nga dyan! Wag kang OA ha!”

“Aysus! Pwedeng makitira?”

“Aba Zai malapit lang yang bahay niyo dyan ha” sabi ko

“Eto naman di mabiro. Joke yon! Joke yon ha!” aniya at tinulungan akong mag unpack ng gamit ko. “Ang dami mo namang gamit” reklamo niya.

“Edi wag mo kong tulungan, daming reklamo. Sakalin kita dyan eh!” natatawang sabi ko. Inirapan niya lang ako at patuloy na inayos ang gamit ko.

“Pero seryoso, Tal.” tapos tumingin siya sakin, “Buti naisip mong manirahan mag isa”

“Wala lang” maikli kong tugon.

“Wala ka talagang kwentang kausap!” sabay bato sakin ng unan. Napailing nalang ako at itinuloy ang ginagawa ko.

Matapos naming ayusin ang gamit ko at mag ayos sa bahay, humilata sa sofa si Zai. Feel at home amp. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng maluluto.

‘Ay oo nga pala, wala pang stock dito

Napailing nalang ako at pinuntahan si Zai sa sala. Nakatulog na ang bruha. Tinapik ko yung pisngi.

“Tara samahan mo kong mag grocery!” sabi ko habang nag aayos ako ng sarili

“Tara go!” tumayo siya at nag ayos na rin ng sarili niya.

Naglakad lang kami, malapit lang naman yung grocery dito samin. Tapat lang ng subdivision namin.

“May mga kitchen utensils naman sa bahay mo diba?”

“Yup.”

Makalipas ng ilang minuto natapos rin akong pumili ng bibilhin. Hinihintay ko nalang si Zai dahil may hinahanap pa daw siya. Tinignan ko yung mga nasa cart na pinili ko.

“Teka parang may kulang?” takang bulong ko sa sarili ko. Naisip ko nalang na tumingin tingin pa baka sakaling maalala ko yung kulang. Busy ako kakaisip kung ano yung kulang habang tumitingin tingin.

“Oh right, how could I forgot my favorite!?” I murmured. Hinanap ko agad yun.

“There you are!” medyo na-excite ako then napatingin naman sakin yung lalaking nandoon din sa pwesto na kung saan yung hinahanap ko. Nagkatinginan kami tapos ngitian ko lang siya. Kumuha ako ng 6 boxes of choco cookies at nilagay ko sa cart agad.

“Isn't too much for you?”

“Nope” tsaka ko siya nilingon at nginitian.

“Tal! Kanina pa kita hinahanap kung saan saan ka pa nagsusuot ha--ay wait ang dami naman nyan?” biglang sulpot ni Zai sa tabi ko at pinansin ang cookies.

“Konti lang yan, Tara na.” diretso kami sa counter tsaka binayaran na yung mga pinamili namin.

“Krystaaaaal ang bigaaaaat” reklamo niya. Sobrang dami rin kasi ng pinamili ko.

“Okay lang yan Zai, pagluluto nalang kita mamaya.”

“Siguraduhin mo yan!” tsaka niya ko inunahan maglakad.

“Wait lang!” sigaw ko sa kanya. Diretso lang siya, di ako pinansin.

“Miss!”

Huminto ako sa paglalakad at nilingon kung sino yun. Siya yung lalaki kanina sa grocery.

“Hmm?”

“Nahulog mo ito oh!” sabay abot sakin nung wallet ko.

“Hala thank you!”

“Tulungan na kita dyan” offer niya

“Hindi na kaya ko na to” at nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Let me help you, dito lang din naman ako nakatira eh.” sabi niya sabay kuha ng ibang gamit sakin.

Ay close tayo?’

Napailing nalang ako at hinayaan siyang tulungan ako. Tahimik lang kami habang naglalakad. Wala naman kaming pag uusapan eh.

“Dito nalang ako, Salamat!” tapos kinuha ko sakanya yung mga gamit.

“No prob.” aniya.

Nang makapasok ako, bumungad sakin si Zai na nakapa-mewang.

“Sino yon ha?” taas kilay niyang tanong

“Hindi ko kilala, tinulungan lang ako sa pagbitbit ng mga ito” sagot ko.

“Bakit di mo tinanong yung pangalan?” sabay kapit sa braso ko, “Krystal naman kay gwapong tao nun oy!” aniya.

“Manahimik ka nga dyan. Puro ka gwapo!” tinampal ko yung kamay niya at dumetso na ko ng kusina.

“Hoy bruha, halika dito. Magsaing ka. Magluluto ako ng ulam”

“Krystal naman eh” nakabusangot siya habang tinutulungan ako.

Pagkatapos kong magluto, naghain na kami at kumain. Ako na rin yung naghugas, baka kasi mag reklamo nanaman itong bruhang 'to.

“Hoy Krystal! Sa Wednesday na yung entrance exam sa Therese State University, anong balak mo?” tanong niya habang kumakain ng banana chips na binili niya kanina. Wala talaga 'tong kabusugan.

“Hmm, Wala”

“Ay taray, ganyan ba talaga pag matalino? Walang review review gano'n?”

“Ano kayang i-rereview ko no?” sabi ko pa sabay irap.

“Hoy dito nalang muna ko matulog ha!” aniya tsaka tumayo tapos diretso akyat.

“Hala ang pangit mo, umayos ka nga!” tsaka ko siya hinabol.

Tumakbo naman siya papasok ng kwarto ko, nang maabutan ko ay nakahiga na siya sa kama. Dali dali ako tumungo doon at dinaganan ko siya.

“ARAAAAY KO KRYSTAL!” sigaw niya sabay tulak sakin na ikinalaglag ko mula sa kama.

“Walanghiya ka Zaijane!” sigaw ko rin sakanya. Bumalik ako sa higaan at umupo. Nagkatinginan kami at nagtawanan sa kalokohan namin.

“Seriously Krystal?!” then she rolled her eyes

“Seriously Zaijane?” then I also rolled my eyes.

Ganito kami ni Zaijane. Siya yung bestfriend ko. Simula pagkabata magkasama na kami nitong babaeng 'to. Never kaming nagkahiwalay, we treat each other sisters, siya yung number one supporter and also enemy ko. Ganun din naman ako sa kanya. Although wala naman perfect friendship, we also argue and fight a lot pero we overcome that. Kahit naiinis kami sa pag uugali ng isa't isa, we stick together. Para nga daw kaming kambal eh, di kami mapaghiwalay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's YouWhere stories live. Discover now