EXCERPT

82 0 0
                                    


"Your clothe's a mess."

"Yeah, thanks to you!"

"May spare shirt ako sa kotse. Iyon na muna ang gamit mo."

"Huwag na. Konting mantsa lang naman 'to."

"Magpalit ka pa rin. Mangangamoy toyo ka niyan."

"Wala kang pakealam kung mangamoy toyo man ako. O kung maghubad man ako dito ngayon, okay?"

Napaigik nalang si Colleen nang bigla siyang hinawakan nito sa braso at walang pakundangang hinila siya papunta sa isang itim na Ford Everest na nakaparada sa di kalayuan.

"Ano ba, bitawan mo nga ako, Agustus?!"

"Hindi ka pwedeng maghubad dito, Colleen. Public place 'to. 'Dun tayo sa condo ko para may privacy. Kahit maghapon kang walang saplot walang problema! At least ako lang ang makakakita!"

She scoffed. "Haven't you heard of 'sarcasm'?"

"What you said is not 'sarcasm' but a 'threat'—not only to the morality of the people who will see you but to my sanity as well..."

"Your sanity? Nilalait mo na naman ba ako, ha Agustus?"

"On the contrary," nakangising sagot nito. "Ayos lang naman. It's not as if, it'll be my first time seeing a naked woman. Pero ibang usapan na kapag ikaw. I can't risk other people seeing you naked. Unless, bulagin ko sila isa-isa. But that's kinda bloody not to mention, illegal. Kababalik ko lang ng Pilipinas, pero baka sa likod ako ng rehas mapadpad. Kaya 'don nalang tayo sa condo ko..."

NOBODY BUT YOU (Soon to be Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon