Mr.EyeGlass

16 2 2
                                    


Kanina pa ako nakatitig sa kanya pero hindi man lang sya lumingon. Hindi nya ba nararamdaman na may nakatingin sa kanya? Tss.. Ang manhid naman nya kung ganon.

Napangiti nalang ako bigla kasi ewan napangiti nalang ako bigla sakanyang ginagawa?

"Tingnan mo oh, tinatawanan ka na nya." Napatingin ako sa gawi nila.

Napakunot ako nang noo anong pinagsasabi nito? Tss.. dinuro pa ako? Napailing ako saka inalis ko ang paningin ko sa kanila at tumingin ako sa katabi ko.

"Bakit ate?"

"Hmm? Wala." Nginitian ko sya saka binaling ulit ang paningin ko sa lalaking naka eyeglass.

Napangiti ulit ako nang makita ko nagkatuwaan sila nang kanyang barkada niya ata? Kasi puro mga lalaki sila lahat. Hinubad nang kaibigan nya ang kanyang jersey short nya saka pabirong hinampas sa lalaking naka eyeglass.

Bigla nalang tumingin ang kanyang kaibigan sa gawi ko. Tss.. buti pa sya kahit isang sulyap lang ang ginawad ko sa kanya ay lumingon sya sakin hindi kagaya nang kaibigan nya naka eyeglass.

Naka-ngiti parin ako habang tinitigan si kuya eyeglass. Ang saya nila tingnan na nagkakantahan sa pinaka dulo nang cottage.

"Ako na nga lang. Pinagtatawanan ka na naman nya ulit oh. Haha" tss.. ang epal naman nitong dalawa.

Ano ba itong si Ate Girl ang papansin naman nito. Bakit may pa duro-duro pa? Tss... tiningnan i mean tinitigan ko ang lalaki nyang kapatid. Gwapo ang kapatid nyang lalaki pero ang totoy pa nya mga 17 or 18 pa siguro sya. Napailing nalang ako saka ako tumingin sa tabi ko ulit.

Natawa nalang ako dahil kada lingon ko sa katabi ko laging nakakunot ang noo. Binaling ko ulit ang paningin ko sa pwesto nila kuya eyeglass.

Biglang namilog ang mga mata ko nang mawaksi ang tuwalya nya nang hindi nya siguro sinasadya? Nakatabon kasi sa kanyang tiyan ang kanyang tuwalya kaya hindi ko nakita kanina na may abs pala sya.

Hindi naman sa "First Time" kung makakita nang "Abs" pero sakanya kasi pormang porma. Lalo tuloy akung napatitig sa kanya. SHITNESS OVERLOAD!!

Nang medyo nasubrahan na yata ako sa pagtitig ko sa kanyang "abs"-este sa mukha nya pala ipinilig ko ang ulo ko. Hays! Grabe to si kuya sakin ha!

Yung kaibigan nya nga-e kahit di ko tinitingnan lumingon agad sakin. Ilang oras na akung nakatitig sa kanya pero ni Isa hindi nya talaga ako magawang luminggonin.

Binalewala ko ang trip nang magkapatid hindi ko nalang sila pinansin. Tumingin ulit ako sa gawi ni kuya eyeglass.

Kailan ba nya ako mapapansin-- este ang linggonin ako? Kanina pa talaga ako nakatitig sa kanya.

Ginamit ko na yata lahat nang paraan sa pagtitig pero balewala parin. Tsk!

Hanggang sa nag-desisyon na si Kuya Luke na uuwi na kami kasi malayo pa ang uuwian namin.

Kaya tinudo ko na ang pagtitig sa kanya baka kasi this time lumingon na sya sakin. Pero bigo parin ako kasi kahit sulyap hindi nya binigay.

Hanggang sa pag-uwi feeling ko pagod na pagod talaga ako. Kahit ang ginawa ko man lang ay titigan lang sya sa malayo. Kainis si Kuya EyeGlasses.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Titig Nang Isang Babae Na Hindi Tumatalab ( One-Shot)Where stories live. Discover now