Mr. Popular and Ms. No One: A Jeric Fortuna FanFic (One Shot Story)

1.3K 25 14
  • Dedicated kay Jeric Marco Fortuna
                                    

MR. POPULAR AND MS. NO ONE

~

Ako nga pala si Charlie Cruz, Tourism student, 19 years old, babae, at hindi popular. Sa palagay ko rin ay hindi ako napapansin ng ibang tao. Ordinaryong tao lang ako na walang ginawa kung hindi mag-aral at magtingin tingin sa mga crush kong Athletes. Pinakamaraming gwapo sa Tigers kaya halos lahat ng crush ko ay dun nagmumula. Ano yung Tigers? Yun yung tawag sa mga Varsity Basketball Players ng UST. Yup, sa University of Santo Tomas ako nag-aaral at tulad nga nang sinabi ko kanina, pinaka nakakakuha ng atensyon ko ang mga Tigers. Lahat halos sila ay cute at magagaling maglaro pero isa lang talaga sa kanila yung kulang nalang ay i-stalk ko na! Who's that guy? Siya si Jeric Marco Fortuna. Well.. I call him Fort though kasi di ba dalawa silang Jeric sa Tigers? Si Jeric Teng at siya. <3

Si Jeric ay gwapo, matangkad, Commerce student, 21 years old, at popular. Ano pa bang ineexpect niyo eh star player siya ng University namin eh. Siya ang captain ng team at tuwing UAAP, siya ang pinagtitiliian ng mga babae dahil nga sa ang galing na niya, ang gwapo pa niya. Sa tingin ko ay mabait rin siya kasi whenever may nagpapapicture sa kanya, kahit na nagmamadali pa siya ay humihinto talaga siya at nagpapapicture. Nakakalungkot na nga lang kasi, never akong nakapagpapicture sa kanya although nandoon ako lagi sa events nila. Hanggang tingin nalang ang kaya kong gawin kasi naman, hindi naman ako kagandahan, hindi pa ako sikat. Eh si Jeric? Madaming nagkakagusto dun! Halos lahat ng magaganda at sexy sa school ay hinahabol siya. Ano ba namang laban ko sa kanila di ba? Di hamak na nobody lang ako. :(

*ONE SUNNY MONDAY MORNING*

"Hay late na ako sa first subject ko!!" Nandito ako ngayon sa LRT Monumento Station habang nakikipagsiksikan sa mga tao. Monday pa naman ngayon kaya sobrang daming tao at puro skip train ang dumadaan na tren. Badtrip!

Sa pambabae talaga ako sumasakay pero this time, sa panlalaki na ako napunta dahil hindi na ako makadaan hanggang sa female area sa dami ng tao. "Jusko, wag lang sana ako manakawan o mamanyak dito." Alam niyo naman, madami ng masasamang loob ngayon.

Habang nakikipagsiksikan ako, parang may bumubulong sa akin na lumingon ako sa may kaliwa ko. Hindi po ako naghahallucinate ha! Sadyang parang yun lang bigla ang naramdaman ko. Eh ako naman, unti-unting lumingon nga at guess kung sino ang nakita ko?????

OH MY GOD. Is that Jeric Fortuna?? Bigla kong tinanggal ang pagkakatingin ko sa kanya kasi medyo napalingon siya sa pwesto ko. Nako okay lang, hindi naman ako kilala nito eh! Binalik ko ang tingin ko sa kanya pero this time, hindi na siya nakatingin sa akin. Oh gosh, siya nga ito! Nag-e-LRT pala siya noh? How cute. Buti nalang at hindi siya masyadong pinagkakaguluhan dito sa male area. Hihi! Hindi pa ako tapos titigan siya nang biglang dumating naman ang train. Eh di ano pa nga ba? THIS IS SPARTAAAAA!! Parang mauubusan na ako ng lakas kakatulak sa mga lalaking ito. Walang gentleman gentleman sa kanila makapasok lang sa LRT. Natatamaan na yung ulo, boobs and all ko pero sige pa rin ako. Awa ng diyos, nakapasok naman ako ng matiwasay. Ay hindi pala matiwasay. Para na akong nabugbog!! Tumingin ulit ako sa left side ko, pero hindi ko na matanaw si Fort. Nakasakay kaya siya? Ang daming tao. Haaay!

After 15 minutes..

"Tayuman Station. Tayuman."

Whoo. Nakarating din sa destination! Pati pagbaba ang hirap takte! Pero since tinulak ko silang lahat gamit ang lahat ng powers ko, nakalabas din naman agad ako. Naglalakad na ako palabas ng station nang may nakabunggo sa bag ko.

"Ay miss sorry." Then he smiled.

SH*T! SI FORT!! SI FORT NAKABUNGGO SA AKIN!

"Miss, sorry talaga ah. Nagmamadali kasi ako." Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa kanya habang siya naman ay nakatayo lang din sa harapan ko habang nakangiti.

Mr. Popular and Ms. No One: A Jeric Fortuna FanFic (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon