Line 2

2 0 0
                                    

"Bilisan mo, Loraine! Baka di natin maabutan yung game!"

Humahangos na sabi ko habang tumatakbo kami ng kaibigan kong si Loraine papunta sa school gym.

"Atat na atat lang te! Malamang opening speech pa lang ng principal! Nakakawapoise tong ginagawa natin. Tsk"

"Kelangan nandun ako simula palang to show support sa aking love of my life hehe"

"Ang harot pero pag nasa harap tameme rin"

Tinawanan ko na lang ang pasaring ng aking kaibigan. Gusto ko lang kase talagang maging present sa bawat important moment ng mahal ko. Kahit di nya alam. Kahit di importante ang presensya ko para sa kanya. Baliw na ata talaga ako.

Pagkatapos ng ilang minuto na kakatakbo, nakarating na rin kami sa wakas. Ilang beses pa kaming sinaway dahil bawal tumakbo sa hallway. Pero di kami nagpatinag sapagkat ang puso ay tumatawag. Wew ang deep haha.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa gym, hiyawan agad ang sumalubong. Pinapakilala na pala kase sa harap yung team nila Louie, yung crush ko since 1st yr.

Sobrang gwapo talaga nya. Marami ring nagkakacrush sa kanya. Bukod kase sa gwapo, magaling sya magbasketball at matalino rin. Ang perfect lang talaga!

Humanap agad kami ng magandang pwesto ni Loraine para makapanood ng maayos. Mabuti na lang talaga at maaga nagdismiss ang prof namin dahil ang bilis napuno ang bleachers ng gym dahil sa dami ng manonood din.

Buong opening ceremony sa isang tao lang ata ako nakatingin. Para syang bituin sa kalangitan. Nanaisin mo laging tingalain, magkastiff neck ka man.

Di ko namalayang start na pala ng laro. Sila Louie ang pang-opening game kase gusto ata ng principal na nakasupport ang lahat simula pa lang. Sila kase ang may pinakamaraming fans dahil halos lahat sa team nila ay maiitsura at magagaling din sila kaya sila din ang defending champion. O diba ang perfect hahaha.

Sigaw at palakpakan ng pinakilala ang mga starting players. Kalaban pala nila Louie sila Jace, yung kaklase kong may sapak. Kaya pala marami din akong nakitang kaklase na nanonood. Di kase updated sa ibang teams haha. Focus lang tayo sa goal!

Unang nakapuntos ay ang kalaban. Magagaling din sila kaya naman hirap sila Louie. Nakakainis! Kelangan pag igihan ang cheer para mamotivate ang mylabs ko.

"WOOOH! GO LOUIEEEEE!" sigaw ko na di ata marinig kase kasabay ng sigaw ko ang sigaw din ng ibang fangirl nya. Kaya di din ako talaga umaasa na mapapansin nya e. Isa lang naman kase ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Nothing special.

Pagkatapos kong sumigaw, nahagip ng tingin ko ang abnoy na si Jace at nakakunot ang noo nya sakin. Binelatan ko na lang haha. Mang aasar lang yun dahil alam nyang crush ko si Louie at wala akong pag asa. Ang epal lang ng unggoy na yun!

Lumipas ang oras at magkalapit lang ang score ng magkabilang team. Lamang lang ng dalawang puntos sila Louie. Nasa huling quarter na at ilang segundo na lang ang nalalabi. Sana di na mahabol hehe.


Kaya lang mukhang di nahabol ang panalangin ko kase nagshoot ng tres si Jace kasabay ng pagpasok ng bola ang pakaubos ng oras, hudyat na tapos na laro.

Tayuan ang lahat ng magshoot si Jace at ang abnoy ay may huling tingin sa banda ko na para bang nang-aasar dahil natalo sila Louie. Epal.

Kahit natalo, marami pa rin ang lumapit sa banda nila para magcomfort sa kanila. Gusto ko din sana kaya lang di ko alam kung makakalapit ako. Napalibutan na kase sya ng mga kaibigan nya.

Hinintay na lang namin ni Loraine na maubos ang tao sa gym bago kami umalis. Di pa naman kami gutom at nagchat sa gc na freecut kami sa afternoon class.

"Galing din talaga ni Jace magbasketball noh?" Biglang sabi ni Loraine.

"Oo nga e. Nakakainis pero ang galing nya talaga." pagsang-ayon ko. Kahit naman kay Louie lang ako nakatingin, marunong ako mag appreciate ng talent hehe.

"Ohh Jace! Congrats sa inyo!" Sigaw ni Loraine ng makitang nasa malapit si Jace sa amin.

Mukhang nagpaalam sya sa kausap at lalapit pa ata samin. Sinimangutan ko nga. Magyayabang na naman yan e.

Nang lumapit, nagpasalamat sya kay Loraine at bumaling sakin. "O Lunes na Lunes, mukha kang Biyernes Santo! Hahaha"

"Napanood mo laro ko? Galing ko noh? Pulpul yang crush mo, di man lang ako napagpawisan" Dagdag na asar nya na inirapan ko lang.

"Mauna na tayo, Loraine. Wala ng masyadong tao" sabi ko kay Loraine bago ko maupakan tong hambog.

"Kakain ba kayo? Sabay na ko! Akin na ang drinks" sabi ng malakas na hangin.

"Yun! Tara na Sam!" si Loraine sabay haklit sa braso ko.

Basta talaga libre ang bilis netong babaeng to. Pero buti na lang dahil di ko yun tatanggihan kahit bwisit ako. Atleast di naapakan yung pride ko haha.

Dumiretso na nga kaming tatlo sa canteen at naghanap ng mauupuan. Pinauna na kaming mag order ni Jace para mabantayan ang upuan saglit pagkatapos sya naman dala ang libre nyang milk tea para sa aming tatlo.

"Wala ka bang friends?" Sabi ko kay Jace habang kumakain kami ng lunch

"Grabe! Ang sungit mo hahaha! Sa labas kase kakain ang team. Pinapatawag kase ako ng guidance counselor kaya dito na lang ako kakain" sagot ni Abnoy

"Bakit? Di pa ba tapos yung punishment mo? Tagal na nun ah!" si Loraine

"Tapos na. Kaya lang pinapunta nila ako paminsan minsan para kausapin." sabi ni Jace

Last year kase nainvolve si Jace sa malaking gulo. Dahilan para masuspend sya ng ilang linggo. Sakto nung time na yun intrams din kaya naman di sya nakapaglaro.

"Uyy Jace, Pare! Congrats! Ganda ng laban natin!" Literal na frozen ako sa kinauupuan nung marinig ko ang boses na yun. Si Louie. Mamamatay na ata ako.

"Thank you, pare! Galing nyo din kanina. May kasama ka ba?" sagot ni Jace sa kanya.

"Oo pre. Nagcongrats lang ako. Babawe kami next game." sabi ni mylabs sabay ngiti.

Naramdaman ko ang pagkurot ni Loraine sa hita ko na ginantihan ko din. Pagkatapos ay sinipa nya si Jace, pahiwatig na nandito kami at dapat nya kaming ipakilala.

Napatingin samin si Jace at sinamaan sya ng tingin ni Loraine para makuha ang ibig sabihin.

"Di magiging madali yun haha" sagot ni Jace kay Louie "Nga pala, mga kaklase ko sila Loraine at Samantha. Guys, si Louie" sabay lahad samin.

"Hi! Nice to meet you." Sabi nya ng nakangiti.

Pasok Moira! Literal ata na tumigil ang mundo pagkangiti nya pagkatapos lumiwanag ang paligid. Buset na yan! Nasan na ang medic! Naghahyperventilate ata ako!

Focus self! Chance mo na to. Wag kang umasa kay Jace mukhang di ka ilalakad nun.

"Uhmm, Louie!" Napatingin sya sakin.

Omg! Kaya ko ba?

"Ang galing mong magbasketball! Aatakihin ata ako sa puso..." Warm-up pa lang guys

"Bakit? Ayos ka lang?" Di ata nababaliw na ata ako. Sayo.







"Pati kase ikaw nashoot sa puso ko. Feeling ko may heart enlargement ako"


At muling pumasok si Moira. Mukhang natigilan din ang mundo ni Louie haha.

--------

*A/N: Ang corny ng author 🙈






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bolera BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon