Lahat Na

6 0 0
                                    

Memories. 😔
Tinitingnan laang dati pag dadaan. Di naman ganon kapogi. Kapayat nga. Lagi pa naka-mask 😂😂😂 Hanggang sa di ko namamalayan na pag dadaan, napapahabol ang tingin ko. Tapos di buo araw ko ng di ko nakikita. Ay halos araw araw, nakikita pamula 3rd Year ata o 4th Year College. Tapos bigla akong nacurious sa kanya. Sinearch ko account niya nung 2017 ata dahil bago pa binyag nung inaanak ko nung Jan. 2018, alam ko na pangalan niya 😂😂. Tapos, minsang naaksidente yon, nakita ko ang dressing nung sugat niya sa may baba, kilay ata, at braso nung minsang nagpang-abot kami sa may kanto, Di ko namalayan na napatitig na ako nun sa kanya hanggang sa umalis na sila. Minsan pa, andun ako sa labas ng bahay nung pinsan ko sa kanluran, dumaan siya, and nagkatinginan kami tapos parang nagsmile siya. Syempre, kahit mata lang yung kita, parang nag-eyesmile, ganoooooon. 😍😍 Kilig na kilig ako nun, kahit di alam ng pinsan ko kung bakit ako kinikilig. Netong 2019 ko lang naman na-open sa kanila na crush ko yun eii.

January 24, 2019, nagkkwentuhan kami sa may kanto ng mga pinsan ko, dumaan, pauwi na, napatingin nanaman ako. Pag-uwi ko, biglang may nag-friend request. Tas yun mga 10mins bago in-accept kasi dapat di halata. Nakachat ng kaunti. Puro "HAHAHA".

January 29,2019, pinakamahabang convo namin. Kung ano-ano na napag-usapan. Sa paggawa ng marka, sa trabaho, sa school na tinuturuan ko, sa bespren/kumpare niya. Pero isang topic na di niyq talaga gusto pag-usapan ay ang ex niya. At as a sign of respect, di ko na siya pinilit. Nagtanong kung pwede ako ihatid sa school kasi pabayan na din nga naman yung pinagttrabahuhan nila, tumanggi si Indzai. Dahil sa nahihiya. At isa na yun sa mga pinagsisisihan ko. Alam na alam yun ng kanyang Mama. Ika nga ng Tita, "sa ikaw eii. Nagpabebe pa. Ay ang gusto niyan ay sunggab agad."
Mejo nagkakachat pa ng ilang araw hanggang sa nung February 6, 2019, nag-iinuman dine sa may baba. Umalis ng walang helmet ng dala, so sabi ko, babalik yon, siguro'y bibili lang. And di ako nagkamali, bumalik nga pero hindi alak, sigarilyo, o pulutan ang dala. Kinaon pala si *toooot* na kamag-anak nung kapitbahay namin. Syempre, nahurt si ate ghOrL. Parang last week lang, ayos tayo, tas ngayon makikita kita, may ibang kasama.
Then, Feb. 8, 2019, yan yung araw na sabi ay naging kayo na daw. Imagine, nagkakilala kayo, Feb. 5,2019 tapos kayo na agad ng Feb 8, 2019. Bilesssss. rEaL qUicK 😂😂

Feb. 10,2019. Rinig ko sa kwarto ko na pinagmumura ka nung tiyuhin nung si *toooooot* dahil sa kayo na nga daw. Kung ano-anong sinasabi sa iyo. Kayabang mo daw. Gustong gusto na kitang ichat at buti na lang di ko ginawa. Nabubuksan na pala ni ghOrl yung account mo. Rinig na rinig ko lahat, at nanggigigil ako kasi alam kong di mo deserve yon. Hanggang sa pati mga pinsan kong lalaki, galit na din sa iyo dahil asbagin ka daw. Gusto kang kursunadahan pero pinigil ko. At ipinaliwanag ko na kabaliktaran ka nung mga sinasabi nila. Hanggang sa ayun, napatunayan naman na hindi ka nga tulad ng iniiisip nila.

After nun, nahurt si ate mo gHorL. (Ate mo ako, matanda ako sa iyo ng isang taon 😂😂), my Day na lng ng my Day ng kung anong related sa pagiging broken. 💔💔, ikaw, view naman ng view kaya di ako nawalan ng pag-asa kahit alam kong may gf ka na.

March 3, 2019 - umuwi kami ng bicol. Pina-add kita sa pinsan ko pero di mo naman inaccept. Yun pala ay umuwi ka din nun ng Mindoro. At nitong october ko lang nalaman na naisama mo pala duon si *toooot*.

Bandang patapos na ang March, nausisaan ko na lang, naka-block na ako sa iyo. Luuuuh. 💔💔. Lumbay si Ate GhoRl. Move on na. Pinabayaan na kita. Tapos after a week, chineck ko kung naka-block pa din ako. Aba, ay hindi na. Pero pinabayaan na kita. Hanggang sa may nakilala ako ng April. Naka-chat ko yun ng simula May hanggang June at letter J din yooooon. 😂😂 At sa mga buwan na iyon, bihira ka na din pumunta dito sa may amin. Kaya akala ko, okay na ako. Na di na kita gusto. Hanggang sa nawala si letter J, di ako priority at ayaw ko ipilit sarili ko, may nakilala ulit ako nung July naman thru chat, si V. Ibang religion naman kaya di ko na din pinilit.
August 11, 2019- birthday nung tiyuhin ko na katrabaho mo. Maaga pa lang andine na yung besprend mo na katrabaho din ng tiyuhin ko. Habang kinakanta ko yung BULONG ng December Avenue, saktong dumating ka. "Ako'y Alipin ng pag-ibig mo, Handang ibigin ang isang tulad mo". Hanggang sa nagkakantsawan na nung hapon. Kinanta ko yung "Sa Ngalan Ng Pag-ibig", at sumusulyap sulyap lang ako dun sa may tv kasi kita dun yung relfection mo. At kita ko dun na mejo nagssway ka habang sumasabay sa beat nung kanta. Kilig nanamn. Ginalingan lalo ang pagkanta. 😂😂🤫🤫😊 May inom na kayo at umiwas ako sa biro ninyo dahil meron dun na mag-iisip agad ng kung ano kung nagkataon na pinatulan ko biro niyo. Hanggang sa nung umuwi na kayo, sakto naman tambay ako sa mga lola. At kamuntik na kayo mamura nung isa ko pang tiyuhin dahil sa bilis ng andar ninyo pag-ahon. Lasing na din kayo at yun yung time na nagchat na ako aa iyo para aware ka. Nakakatuwa naman na na-seen mo yun, nga lang di ka nagreply. Pero okay lang. Normal day na ang mga sumunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang Sa Dulo Ng Ating Walang HangganWhere stories live. Discover now