"You're fired!" kasunog ng malakas at nakakakilabot na boses na 'yon ay nagsulputan ang folder at papel papunta sa mukha ko.Grabe ang manang na 'to! She's being so inconsiderate!
"M-ma'am, mawalang galang na ho kahit manyak ang asawa niyo hindi ko kailanman pinatulan 'yon at mas pinili kong maging propesiyonal sa trabaho ko. Please po, kailangan ko po ang posisyong 'to." pagmamakaawa ko sa umuusok na ilong na babae sa harapan ko.
"H-honey. Pabayaan mo ng magtrabaho si Andrea dito, magaling siya magtrabaho." depensa ng manyak kong amo.
"No! You're fired! Anong magaling ha? At huwag mo akong ma-honey honey diyan! Ikaw babae ka! Bago kita masabunutan umalis ka na sa companya ko! Alis!" napaigtad ako ng agad akong sugudin ni ma'am.
Mabilis pa sa alas kwatrong umalis ko sa harapan nilang dalawa.
Napabuntong hininga ako.
Bwiset naman 'to oh. Dalawang linggo palang ako sa kompanyang 'to mapapalayas na kaagad ako. Letseng matanda kasi 'yon e! He's a freaking maniac!
Nahuli tuloy siya ng asawa niya.
Sinisilipan kasi ako ng matandang hukluban. Mabuti nga sakanya na mag-away sila.
Don't get me wrong, hindi ko gusto ang paninilip ng ex-amo kong 'yon. I don't have a choice, isa lang akong smart probinsiyana girl na nangangailangan ng pera. Jusko naman, iyong kapatid ko na-hospital, nagka-utang utang kami. Nasundan pa ng panganganak ng mama ko.
Oh.
Naalala ko na naman tuloy ang mama ko.
Namatay ang papa ko five years ago. Dahil medyo maarte ang mama ko at palaging nanghihidhid ng pampaganda sa mukha niya e, maganda parin at may asim pa tignan hanggang ngayon. Eh eto na nga ang climax, nabuntis siya ng foreigner niyang boyfriend tapos hindi na nagpakita ng malamang nagdadalang-tao na siya.
Napilitan akong magtrabaho sa malayo dahil sa sitwasyon namin sa probinsiya. Bata pa ang mga kapatid ko at nag-aaral pa. Hindi rin nagpapadala na iyong tumakbong jowa ni mama kaya nagipit kami. Hanggang ngayon binabayaran parin namin ang mahigit 500k naming utang kay Don Omar na kilalang mayaman sa probinsiya namin.
Napapikit at napakamot ako sa noo ko dahil sa inis.
Nagmadaling naglakad ako papalabas ng building na 'yon. Pero hindi pa ako nakakarating sa entrance ng building may biglaang kumuhit saakin.
"Ma'am Celestine, pinapabigay ni Sir Cruz." ibinigay niya saakin ang isang long envelope.
Nagpasalamat ako sa lalaki at nagmadali ng lumabas ng office. Baka madatnan pa ako ni Mrs. Cruz at masabunutan ako ng buhok.
"Manang isang order niyang ginataan at isang rice. Soft drinks nalang din isa, iyong royal ah." tumango si manang nagtitinda.
Habang hinihintay ko ang order ko ay sinilip ko ang laman ng folder na ipinadala ni Mr. Cruz.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang folder, document ito na nirerefer ako ni Sir Cruz, malaking tulong 'to para makapagsimula akong muli. Kahit pala manyak ang lalaking 'yon, may mabuti rin naman palang dala saakin. May maliit na envelope din sa loob kaya tinignan ko ito. Muling nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong pera ito! Sa loob ng envelope ay may maliit na sulat.
It's your Christmas bonus and my kind of sorry. Thanks for being a great sexy secretary. I'll miss you. Mwah!
Napangiwi ako dahil sa nabasa.
Sinilip at binilang ko ang pera. Mukhang fifteen thousand yata ang laman?!
Oh la-la.
Salamat manyak kahit ganyan ka e makakatulog ka rin pala.
Magpapadala ako kina mama mamaya.
"Heto na miss." agad kong itinabi ang pera at pimikit para magdasal.
Matapos kong kumain ay agad kong inabot ang one hundred pesos ko kay manang magtitinda. Isinauli niya naman kaagad ang sukli ko.
"Salamat manang."
Agad akong umalis sa karenderya at pumara ng motor siklo.
"Manong, pwede niyo po ba akong ihatid sa kahit saan na may malalaking company buildings dito?" noong una ay alanganin si manong pero kalaunan ay napapayag ko rin.
Thirty minutes naming biniyahe ang lugar na pinagdalhan ni manong. Dahil mabait naman ako at mapera sa ngayon, binayaran ko ng five hundred si manong driver at keep the change.
"Excuse me miss, may hiring ba ngayon dito?" tanong ko sa babae na nasa front desk.
Tinignan ako ng babae at saka ngumiti.
"Yes miss, Mr. Valistino is looking for a secretary but I doubt that you'll be hired. Good luck, walk this way." itinuro niya ang daanan sa gilid na sinundan ko naman ng tingin.
Kahit medyo masama at hindi kaaya-aya ang sinabing 'yon ng babae nagpasalamat nalang ako at naglakad sa daang itinuro niya.
This is it pansit, Andrea! Kayanin mo 'yan! May binabayaran ka pang utang!
"Hello miss, ako nga pala si Andrea Celestine, mag-apply ako." saad ko sa babaeng naka-uniporme na nakatayo sa labas ng isang pinto habang pinapapasok niya ang mga babaeng aplikante.
"Last one na 'to." saad niya habang nakatingin sa relo niya.
"Akin na ang application letter mo at maupo ka doon." agad naman akong umupo sa bakanteng upuan.
Sana makatulong ang dala ko galing kay sir Cruz, kailangan ko ng trabaho ngayon.
Sana... Sana...
Halos ilang oras akong naghintay sa labas ng office ni Sir Valistino. Sana this time mabait na ang amo ko.
"Last one, miss Celestine." anang baritnong boses mula sa loob.
"Ikaw na miss, good luck." rinig kong saad ng babae.
Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng malapad.
"So you're miss Andrea Celestine? How old are you again?" tanong ni Zim sa babae sa harap.
Her cheeks blushed at para kay Zim ang cute nito tignan.
'Fuck! What is going on?'
"I am twenty-five, sir."
"Are you married?" tanong nito habang sina-scan ang resume at application letter ng babae. She has a letter sent by Mr. Cruz, one of his business partners. Well, he can't say no this girl.
"Not yet sir."
'good'
Tahimik na napatango-tango si Zim.
"What was your position in Mr. Cruz's company?"
"I'm his secretary Sir."
Kumunot ang noo ni Zim. Napalingon siya sa babae at napadpad ang mga mata niya sa katawan ng dalaga.
'Shit. How come I got attracted with her?"
He can't deny, Andrea is really sexy, her hips are thin and curvy, her breast are enough for his palm, her face is angelic and he blushed a lot.
"Okay. You're hired." he smile while saying those words.
"p-po?"
"You are hired miss Celestine. Congratulations. You can start tomorrow."
Andrea said thanks and blushed again.
'God, she's beautiful.'
----- U P D A T E D
Another story! Hope you'll like it:)
BINABASA MO ANG
Giving Up My Virginity: To A Hot Magnate
RomansTrapped between to love or to live. ----- Warning this story contains matured content that is not suitable for young readers. R-18 SPG ahead. Date started: 01/03/2 Date completed: