Chapter 2

19 1 0
                                    


Champagne

Malalakas na tawanan ang narinig ko pag labas ko ng kwarto. pagtapos ko kasing irefill 'yung bowl ng foods ay pumasok muna ako sa kwarto para mag palit at ligpitin 'yong project na natapos ko kahapon. Mukha rin kasing dumating na si soler. isa sa mga kaibigan namin, at classmate namin nong highschool just like angel. Hanggang ngayon kasing college e mag kakasama parin kaming mag trotropa sa University na pinapasukan namin.

"Oyy!Soler andito ka na pala." bati ko sa kaniya sabay halik sa pisnge. She's wearing sleeveless turtle neck with skirt and black Converse. Nakaupo siya sa tabi ni angel na nasa harap ni carri.

"Yah girl. btw, nakalimutan ko 'yung libro mo sa history bukas ko nalang ibalik."

Tumango nalang ako bilang tugon at tumabi kay carri. Ano naman kaya Ang pinag uusapan na mga 'to

"Oo nga pala anong oras tayo pupunta don sa party na sinasabi niyo?" Kumuwa ako ng chips galing sa bowl at tinignan si angel. Nag palit na pala siya ng damit at ready na mag party.

"Mga 9:30 siguro."

"oo nga pala pupunta raw mga barkada nila Warren." Nakangising sambit naman ni Soler habang nag reretouch. "Wait! Sino namang Warren 'yan"

"Iyong senior, sa engineering department?"

Nakakunot kong tinignan si carri. Ano 'yon? Lumalandi sila ng wala ako. Medyo busy lang naman ako lately huh.

"Oo girl, atyaka varsity din sila sa basketball at ang gwagwapo."

And who's that guys they were talking about. Varsitys? Kailan pa sila na hilig sa varsity player.

"And omyghad ang yuyummy girl."
nag sitilian sa kilig naman ang mga gaga.

Nakakunot kung sinulyapan si soler. Ngumiti lang siya na parang aso. What's with this people. May exam kami bukas pero parang nakalimutan na nila ata iyon. Nag salin ako ng juice sa baso dahilan para mapadapo ang paningin ko kay carri. And she's looking at me with a playful smile on her face then wink.

"Tara na kaya anong oras na o? Gusto ko na mag party!"

Tumayo na si angel at si soler naman ay dumiretso na sa labas para kunin ang kotse niya. Sa kaniya kami sasabay ngayon. siya kasi siguro ang nag aya dito kay carri.

"Ba't hindi ka pa nag papalit?" Tanong sa 'kin ni carri

"Ito na suot ko papunta doon."
Naka jeans at simpleng oversized printed shirt ng Nirvana at naka over cut converse shoes.

"Ano ka papasok sa school? aattend ng meeting sa student council or mag paparticipate sa quiz bee? sobrang boring ng suot mo. tugon niya.

"Okay na 'to carri ano kaba mauna kana doon ako na bahala mag ligpit dito,"

"Nah, whatever."

Tumayo na ako para ligpitin lahat ng kinalat namin ayokong pag uwi namin mamaya ni carri at madumi ang bahay. nag ayos na damit si angel habang nag mamake up naman si carri. anong oras nanaman kaya kami makakauwi nito.

"Tara, let's go" anyaya ni angel. Kaya lumabas na kami at kinandado ang pintuan.

Naglakad na kami papuntang elevator. Patuloy parin sa pagaayos ng sarili sa carri. Ano ba 'tong babaeng to bat ba masyado siya conscious sa sarili niya ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden HeartbeatWhere stories live. Discover now