Our Jansport Lovestory (one shot)

173 6 8
                                    

( Nicole's POV )

Class, Reminder lang next next week na ang pasahan ng diary nyo. Ok, Goodbye! Proceed na kayo sa auditorium magsisimula na ang show within 30 minutes.

" Goodbye Ma'am! " sabay sabay naming sabi.

Haay! Next, next week na pala ang pasahan ng diary namin. At kung itatanong nyo kung anong subject namin... ARTS! Sabi nga namin kay ma'am wala namang connection ang diary sa arts pero sabi nya ang pagdedesign daw namin sa notebook/diary namin ang arts at yun daw gregradean nya.

On the way kami ngayon sa audi (auditorium) meron kasing magpeperform...

*Labas ng audi*

Naghahabilin kami ngayon ng bag kay Manong guard. Hindi kasi pwedeng magdala ng bag sa loob ng auditorium. Pero hindi naman yung habilin na may number pa, pagkukunin na namin yung mga bag sasabihin na lang namin kung alin yung amin.

Okay... nahabilin ko na ang bag ko papasok na ko sa loob ng auditorium syempre kasama ko mga friends ko.

= sayaw, sayaw =

Wow! Ang gagaling sumayaw ng mga nagpeperform. ^_^

( Kevin's POV )

Ang gagaling ng mga nagsasayaw, pero mas magaling pa ako jan...

Baka sabihin nyo ang yabang ko pero hindi naman ako mayabang nagsasabi lang ako ng totoo...

( Nicole's POV )

Grabe! Galing talaga ng mga sumasayaw, pero para sakin mas magaling pa din ang aking ultimate crush na si Kevin Villanueva <3

Haay! Naisip ko na naman si Kevin... ang kanyang gwapong mukha... magandang buhok... matangos na ilong...

Okay, tama na pagpapantasya ko kay Kevin. Naglalabasan na kami, tapos na kasi ang show, mamaya ko na itutuloy pagpapantasya ko sa'yo Kevin...Haha!

Waah! Haba ng pila sa pagkuha ng bag...

...

...

...

" Ahm, yung kulay blue po, Jansport " (kuha ng bag)

Atlast! Nakuha ko din ang bag ko...

On the way na ko sa bahay ^_^

Mahaba-haba ding bakasyon:)) One week kasi kaming walang pasok...

----

Yay! Nasa bahay na ako, nasa kwarto to be exact. Magsusulat muna ako sa diary ko:)) Tapos ko na naman yun designan pero sinusulatan ko pa din... ang sabi naman ni ma'am hindi nya babasahin, titingnan lang daw nya kung nagsulat kami...

Pagbukas ko ng bag ko... 0_0

( Kevin's POV )

Nasa kwarto ako ngayon... At mag-aayos ng bag, magsusulat na din ako sa diary, hay ang baduy talaga ng project na yun. pero dun ako linalagay mga secret ko... Hindi naman daw babasahin ni ma'am.

Pagbukas ko ng bag... 0_0

Anak ng.!!! Hindi ko bag to ah! Pero ito naman ang itsura ng bag ko, pero wala dito ang gamit ko! Ibang gamit ang nandito!

Pagtingin ko sa name ng notebook nung may ari ng bag

...

Nicole Perez

Nicole, pakikilman ko ang gamit mo ha? Oh, nagpaalam na ako sa may ari kaya pede ko na to tingnan haha!!!

( Nicole's POV )

Our Jansport Lovestory (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon