One shot

80 3 0
                                    

"Ang ganda ng mga bituin. Para silang mga diamante na nagniningning sa kalangitan, ate." nakangiti ang bata sa akin habang pinagmamasdan namin dalawa ang mga tala sa langit.

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aming mga balat. Mula dito sa itaas ng hospital ay kita namin ang naglalakihang gusali na napapaligiran ng makukulay na ilaw. Ang buwan at mga bituin na siyang lalong mas nagpaganda sa manipis at payak na sutla ng dilim sa kalangitan. Ngunit kahit na ganoon kaganda ang paligid ay hindi pa rin nababago nito ang emosyong nangingibabaw sa aming dalawa ng batang katabi ko.

  "Hindi ka pa ba napapagod?" agad niya namang iniwas ang kanyang mga mata ngunit mapapansin pa rin ang nagbabadyang luha sa gilid nito.

  "Sa totoo lang po, napapagod na ako." hindi na niya napigilan pa ang pag-agos ng kanyang mga luha. Akmang yayakapin ko na sana siya nang bigla siyang tumingin ng diretso sa aking mga mata.

"Ngunit ayokong iwanan ang mga pangarap ko. May nakapagsabi sa akin noon na kailanman hindi mo maaring sukuan ang lahat ng ito. Gusto ko pa pong makita kung anong mayroon sa labas ng ating mundo. Gusto ko pang maabot ang dulo ng mga bituin." hindi maiwasang madurog ng puso ko nang narinig ko ang nahihirapan niyang boses. Mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko noong nasilayan ko ang mapait na ngiti sa kanyang payat na mukha.

     Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin na dumadantay sa aking balat. Unti-unting natatakpan ng mga makakapal na ulap ang ilan sa mga bituin. Hindi talaga ako makapaniwala sa batang ito. Punong-puno ng pag-asa sa buhay. Tinalo pa ako.

      Huminga ako ng malalim saka pilit inalala ang unang araw na nakilala ko siya. Ang araw na nakilala ko ang
isang batang puno ng pag-asa at paniniwala sa buhay.

Sa isang malaking hospital pinangarap kong magtrabaho. Mahirap man ang naging buhay pero kinaya ko ang lahat para lamang makapagtapos ako. Pinasukan ko na ang halos lahat ng trabahong kaya ko upang may ipangtustos lamang sa aking pag-aaral. Nawala man ang mga magulang ko ay pinilit ko pa rin kumayod para sa magandang kinabukasan na naghihintay sa akin.

"Good Afternoon Ms-?" natigilan ako sa pag-iisip ng biglang may pumasok at nagsalita. Marahil siya ang pinakanamamahala dito, siya ang pinakanamamahala sa mga kagaya ko na umaasang makakapasok sa hospital na ito.

"Ms. Decarmen." panimula ko dito. "I am Haley Rose Decarmen." pakilala ko habang inaalok ang aking kamay.

"I am Loisa Alvares, the president of this hospital." pakilala naman nito sa akin.

"Ms. Decarmen, I heard about your background and it was nice by the way. And besides, nabasa ko na sanay ka talaga sa trabaho." agad naman akong tumango at napangiti sa mga sinabi ng taong nasa harapan ko.

"Then good! You can start tomorrow." napatigil ako ng bahagyang may inabot siyang uniporme sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ibuhos ang lahat ng saya sa taong nasa harapan ko. Finally, I can now use my license.

Lumabas ako ng kuwartong iyon na hindi maalis ang ngiti sa aking mga mata at labi. Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip ang mga sinabi nito.

Kasalukuyan na akong nasa hagdan at hindi pa rin maalis sa aking labi ang ngiti. Magiging ganap na nurse na ako. Matutupad ko na ang pangarap sa akin ng mga magulang ko. Ang pangarap na kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit sa kahit anong bagay.

"Ate, alam niyo po ba pumunta dito?" napahinto ako ng may isang batang humarang sa akin at pinakita ang isang papel. Agad ko naman itong kinuha at pinagmasdan ang nakasulat dito.

"Outer Space." natigilan ako sa pagbabasa at tinignan ko siya ng diretso. Nakangiti ito sa akin at punong-puno ng pag-asa ang mga mata. Napantig ang puso ko ng matukoy ko ang suot niyang damit. Isa siya sa mga pasyente dito.

Sa Dulo ng mga Bituin (One shot) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon