Chapter One
Arnie's POV
"Sige po miss." Sagot ko kay Ms. Santos. Ipinatawag niya kasi ako sa office niya para magbigay ng instruction para sa seatwork na ipapagawa niya kasi hindi siya papasok para sa 3rd period namin. Meaning tamad lang talaga siya na pumasok at magdiscuss kasi nag-away na naman to ng boyfriend nitong seaman. Hindi kasi naniniwala sa kasabihan na pag seaman, SEAMANLOLOKO.
"Okay miss Aguban. Your dismiss." Hindi na ako nagpaligoy pa at lumabas na ako agad ng office niya at baka may iiutos naman ito. Ganyan kasi siya minsan pagnabwibwisit, nandadamay ng iba.
Tumingin ako sa wristwatch ko para malaman kung anong oras na at halos lumuwa na yong mata sa nakita ko. Ang tapa naman oh! Naubos lang naman yung oras ng recess ko nang nasa loob lang ng office ni Ms. Santos. Gutom pa naman ako. Hindi na tuloy ako makakarecess nito. Huhu.
Kaya wala na akong nagawa at nagdiretso na lang sa building namin na napakalayo. Para mas madali akong makarating doon ay tumakbo nalang ako. Hindi ako huminto sa pagtakbo kahit nasa ground floor na ako ng building para sa mga senior, grade 12 na kasi ako kaya nasa third floor ang room namin.
Nagtuloytuloy lang ako sa pagtakbo hanggang second floor. Napahinto lang ako kasi hinihingal na ako. Sa itsura ko ngayon, pinagtitinginan na siguro ako ng mga kapwa estudyante ko pero dahil sa tapos na ang recess eh hindi na mabibilang sa kanang kamay ko ang mga estudyante. Wala naman silang pakialam as far as i know, they know me better than to disrespect. Even if may pakialam sila, ako naman yung wala. Gusto ko lang na makapunta agad sa room.
Matapos siguro ng sampong segundong paghingal ko ay bumalik na naman ako sa pagtakbo. Nasa last step na sana ako ng third floor nang biglang may bumangga sa akin. Hindi man ganun kalakas, pero bangga pa rin, enough para magkalat ang mga da kong libro sa sahig at hagdanan. Pinulot ko agad yung mga librong pinadala ni ms. Santos sa akin para sa seatwork namin ngayon. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino yung nakabangga sa akin kasi halata namang nagmamadali siya to the point na hindi na siya nakapagsorry matapos niya akong makabangga, tiningnan niya lang ako at tumuloy na agad sa pagtakbo pababa. Hindi ko na sana papansinin nang makapunta na agad ako sa room namin ,na nasa last corridor pa, nang bigla kung mahagilap yung mukha ng nakabangga sa akin. Buhok lang yun, pero kilalang kilala ko yung hugis ng ulo niya lalo na yung suot niyang damit ngayon. Si Jerry. Classmate ko.
Tatawagin ko sana pero umalis na siya. Haay.. Siya pa naman ang dahilan kung bakit ako nagmamadaling makapunta sa room namin. Gusto ko sana siyang habulin, pero nagdalawang isip ako sa dahilan ko. Responsibilidad ko na tawagin siya kasi may ipagagawa yung teacher namin at obvious na magkacutting siya. Isa pa, ako ang classroom president kaya mas dapat ko siyang pigilan. Hindi lang kasi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito. Pero ni wala sa dalawa ang tunay na dahilan. Kasi selfish mang aminin, gusto ko siyang nasa room lang at nakikita ko. Pero ang tanong, ano bang karapatan ko para magdemand. Buhay niya yun at hindi na siya bata. Pareho na kaming malapit ng mag 18 at sa pagkakaalam ko at ng lahat, hindi naman siya bobo. Sa katunayan pa nga, pangalawa siya sa With Highest Honor nung grade11 kami, kasunod sa akin.
Nagdiretso na lang ako sa room namin na nakasimangot, this time hindi na ako nagmamadali, para saan pa? Naabutan ko naman si Gloria, isa sa nga classmate ko, sa pintuan. Agad niya naman akong binati at sinuklian ko naman, kahit peke lang yung ngiti na binigay ko sa kanya.
Tinalikuran ko na siya pero hinarap ko ulit siya at nagtanong.
"Nadaanan ko si Jerry sa hagdanan ngayon lang, nagmamadali. Alam mo ba kung saan siya papunta? May seatwork pa naman tayo."
BINABASA MO ANG
Thanks to Dota
Teen FictionSabihin man nila na may forever, na may eternity, destiny at happy ending. Hanggang don lang yon, kasi ang buhay pag-ibig ng isang tao ay hindi perpekto. May forever at eternity nga, pero hindi sa tao. May destiny at happy ending man, pero hindu lah...