maaari po ba.

3.2K 4 0
                                    

Celes' POV

Ika-7 ng gabi— sa aming bahay sa kabukiran

humahangos na pumapasok si Celyn.

"ate ate. May mga dayo ata sa labas.  Yung isa nakabalot ng itim ang buong ulo. Ang isa naman ay wala. Hinahanap sina inay at itay." Ani celyn

"May narinig akong sagot ng kapit bahay na hindi na rito naninirahan ang inay at itay." Dagdag nya pa.

Kinakabahan akong sumilip sa munti naming bintana na nasa aking kaliwa.

"Naku sese baka may misyon lamang silang nais na gawin. Mga mukha naman silang desente." Sagot ko sa aking kapatid.

Ngunit sa aking loob ay nagtataka kung bakit nila hinahanap ang aming mga magulang na matagal na kaming inabando na.

Si inay nag karoon ng ibang pamilya. Si itay ay wala kaming balita.

Nagpapadala naman ang aming inay tuwing ikalawang linggo ng buwan.

"Magsaing ka na sese pagkatapos kong mag sampay tayo ay maghahapunan na" wika ko habang palabas ako ng aming bahay.

"Sige ate les"

Lumabas akong handa mag sampay ng aning mga damit. Nang lumapit ang isang lalaking matipuno. Naalala ko ay wala nga pala akong bra na panloob sa king daster na suot.

Humalukipkip nalang ko.

"Ano ho ang maipaglilingkod ko?" Tanong ko sa kuyang lumapit sakin.

"May hinahanap lang kami. Sina Aling Chesa at Mang Cerio Matias"

"Ay kuya sila ang aming mga magulang. Ngunit hindi na sila rito tumutuloy. Ang aming ina ay sumakabilang pamilya na at ang aming ama ay hindi mawari kung saan napadpad simula nung sya ay lumisan noong musmos pa lamang kami ng aking kapatid"

Blangko ang ekpresyon ni kuyang matipuno.

"Bakit nga ba ninyo naitatanong kung nasaan ang aming mga magulang" nagulat na lamang ako sa pag sabat nang kapatid kong kakalabas lamang.

Tila ba napatulala ng bahagya ang kuyang matipuno sa aking kapatid.

"May nais lamang kaming malamang sa bagay bagay na aming iniimbestigahan. Nasa listahan namin ang inyong mga magulang para sa mga kasagutan" paliwanag naman ni kuya.

"Ngunit nawawalan na kami ng pag asa. Gabi na rin at hindi na namin kaya pang suoing ang masukal na gubat na aming dinaanan patungo rito sa kabukiran" dagdag pa ni kuya.

"Maaari ba muna kaming makituloy kahit hanggang bukas ng umaga?" Sabat pa nung isang kuya.

"Aba'y sige ho. Tumuloy po kayo sa aminh tahanan" walang pag aalinlangan tugon ko sa pakiusap niya.

"Ate sigurado ka ba diyan sa mga taong iyan?" Bulong sakin ng aking kapatid.

"Ako bahala sese" bulong ko rin naman dito.

"Umupo muna kayo dito sa aming sala. Maghahanda lang kami ng hapunan nating lahat" sabi ko sa dalawang kuya.

"Ay nako maraming salamat" sagot ni kuyang matipuno.

Makalipas ang kinse minutos ay nakapag hain na kami.

"Mga kuya naka hain na po ang hapunan maaari na ho kayong tumungo dito" narinig ko namang utas ni sese.

Nakaupo na kaming lahat sa hapagkainan.
Pinamunuan naman nung isang kuya ang panalangin bago kumain.

"Huwag kayong mag alala hindi kaming masamang tao. Sadyang may iniimbestigahan lang kami. Wala naman kaso ang nanay at tatay nyo." Sabi ni kuyang matipuno.

SPG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon