Noong unang panahon sa kabundukan ng Sierra Madre may naninirahang babae na pinangalanang Maria. Sa isang kubo, siya ay nakatira ng payapa. Payak man ang kanyang pamumuhay ay okey na sa kanya basta walang gagambala sa kanya. Ang tanging hanap ni Maria ay “happily ever after”. Pero dahil siya ay medyo tumatanda na, sa edad na 60 na toang gulang, ay medyo kinulugot na ang tadhana.
“Ay, ate pangit! Pwede mo naman ibahin yang istorya mo tungkol sa ‘The Woman of the Mountain’ habang maikli pa yang ginawa mo” sabay hablot sa papel.
“Ano ba? Pangpalipas oras ko lang ito. At saka wala naming mali sa sinulat ko, kaya akin na yan.” Sabay kuniha ang papel na hinahawakan ni bunso at pumunta sa kwarto.
Siya nga pala si Floghrieze Perkins, Riez for short. Isang half-british at half-filipino na babaeng nasa 5’7 ang taas. Matalino si Riez. Kahit mga mahihirap na math equations ay nasasagot niya. Tandaan mo, nakakasagot siya. Note: nakakasagot siya. Ulit, nakakasagot siya.
“What is the value of M in M+X+100=X+2M-200?” tanong ng guro. “Raise your left hand please. Oh! Miss Perkins. What is your answer?”
“According to the Roman Numerals, M is equivalent to 1000, Madam.”
“Saan naman yan galing yang Roman Numerals mo. Nasa variables tayo ngayon.” Sagot ng guro.
“Ay! Maam. Roman nga po, edi sa Rome atsaka nasa eskwelahan tayo hindi sa variables. Eh! Ikaw maam! Saan galing yang variables mo?”
“Shut up small headed fish.” Galit na sagot ng guro.
Anyway. Ang sabi ko nakakasagot siya o di ba? Sumagot siya? Matalino talaga siya. Bago kop ala makalimutan na siya ay nag-aaral sa University of Saint Pablo Academy sa gilid ng St. Thomas Church sa St. Agustin Street ng Barrangay St. Mark sa isang lugar sa Mindanao. Ipinanganak noong February 29, 1996. Iniluwal ng hindi niya kilalang ina at kinupkop ng ama. Ama? Ama. Ah, yung doktor na naging ama-amahan niya. Ang tanging nalalaman niya ay may nunal na kruz sa likod ng tainga ang kanyang ina. NBSB (No Boyfriend Since Birth) si Riez kahit na may bilugang mukha, mahabang buhok na medyo curly ang end, nakakaakit na mata na sinabayan pa ng pormadong kilay at mapupulang labi, maputi at makinis ang balat ni Riez, for short maganda siya.
Kahit na nakakaangat sa iba si Riez Ay hindi marunong umapak o manakit ng kapwa tao.
"Recently, i met a beggar in the street and he make hingi-hingi of my food. i was so shock that i slap my pagkain to the face of the pulubi." Salaysay ni Riez sa mga kaibigan.
Ah. Okey. No excuses, mali ako. But still this is her story. Might she fall in love or fall in a something. Let us see.