Naalala ko umuulan nung gabing iyon. Nakasilong kami sa iisang payong. Basa na yung mga sapatos, damit at kahit bag namin. Masyado kasing maliit yung payong para sa aming dalawa. Pero okay lang! Mas gusto ko nga ito kasi mas malapit ako sakanya.
Naaalala kong pinagmamasdan ko yung mga mukha nya. Na tila bang kahit hindi titila ang ulan, napakasaya nya! Akala mo wala syang dinadalang problema. Napakaganda.
Tinanong nya ako, "Okay ka lang ba?", hindi ko pa nga naintindihan nung una. Pero tinanong ulit nya, "Hoy! Okay ka lang ba?". Sumagot ako, "May tao bang umaamin na hindi sila okay?". Kumunot yung noo nya nung mga sandaling iyon. "Biro lang! Eto naman!" dugtong ko, kasi nakita kong nag-aalala na sya.
Dumating na nga kami sa puntong kailangan ko syang iwan. Gusto ko pa sana ay ihatid sya sa looban, kasi gabi na, delikado, pero tumanggi sya. "Kaya ko na to! Ako pa ba!" sabi niya. "Sure ka?" tanong ko pa. "Oo!" sabi nya. At naniwala ako. Nagtiwala ako kasi, lugar naman nila doon. Kilala nya naman siguro ang mga tao doon. Kaya hinayaan ko. Nagpaalam ako sakanya at nagsimulang lumakad papalayo.
Gusto kong umikot. Gusto kong ipilit na ihatid sya! Kaso pinangungunahan ako ng kaba at hiya. Gusto kong lumingon at sabihin na gusto ko siya! Pero wala. Mahina talaga. Kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko palayo sakanya.
Hindi ko alam, na yun na pala ang huling gabi na makikita ko sya. Sana pala, nilakasan ko na ang loob ko. Sana pala, hindi ako pumayag na maglakad sya mag isa. Sana pala, hindi ako nagtiwala na kaya nya na. Kaso wala na. Wala na akong magawa kasi wala na sya. Kung naglakas loob lang sana ako, edi sana nandito pa sya.
BINABASA MO ANG
Hustisya
Mystery / Thriller"Kung kailan meron na akong pagkakataong umamin sa nararamdaman ko, tsaka ka naman naglaho. Sino ang gumawa sa iyo nito?! Kailangan niyang managot! Pagbabayaran nya ito!"