June 4,1993 unang araw ng pasok sa kolehiyo ng dalagang si Vanessa medyo cultured shocked pa sya kasi halu-halong ilocano, kapampangan,pangasinense ang kanyang mga kaklase sa BS Civil Engineering sa TArlac State University.At eleven lang silang babae sa klase....halos mga lalaki ang kanyang mga kaklase..
"Haist!!!! Ano ba itong napasok ko my gulay"!!!
"Pssst...ano pangalan mo?kalbit ng kanyang katabing babae."
"Ha? Vanessa Marcelo, kaw ngay?"
"Jamelle Aurelio galing ako sa San Jose Nueva Ecija kaw?"
"Taga Tarlac ako buti na lang me makakasama na ako sa lunch at pagpunta sa library, okey lang ba sayo?"
"Oo naman...magkaklase tayo sa lahat ng subjects di ba?"
"Ah tama ka jan"!!!!
"O sige maya sabay tayo ha"?
"No problem" (Siyang pagpasok ng kanilang propesor sa Math-Solid Mensuration)
"Good morning class, I am Engr. Leana Lacsina and I'll be your professor in this subject for the first semester. Kindly fill up your class cards then afterwards pass them to me.So that we'll start our lesson today."
Pagkatapos ng klase, magkasabay na lumabas ng Eng'g. Bldg.ang dalawa.
"San tayo magla-lunch"?tanong ni Vanessa kay Jam
"Sa harap na lang ng university, medyo mahal sa canteen kulang sa badyet ang lola mo"
"OK kung yan ang gusto mo ayos lang".
Pagkatapos mag-lunch napadaan sila sa may likod ng gym at nagtaka sila bakit ang daming mga mag-aaral na nakapila.Pila pala yun ng mga gustong mag-ROTC.
"Gusto kong mag join jan Vanessa"?
"O edi tara na makipila din tayo, yun oh konti lang pila ng mga babae".
BINABASA MO ANG
somewhere....along with a handsome man
Romancekwento ng pag-ibig ng isang babaeng natutong magmahal