Prologue

14 1 3
                                    

Prologue

Hingal na hingal akong tumatakbo sa pagbabakasakaling maligaw ko sila. Hyst. Takte dead end na. May nakita akong basurahan, hyst no choice. Dali dali akong nagtago sa mabaho at malagkit na basurahan na ito. Kung minamalas ka nga naman.

Oh! Before i forgot, i will introduce my self first.

Hi! I'm Nike Adrian Jimenez. 17 years old. Single but ready to giggle. Sa ngayon tumatakas ako sa mga babaeng walang ibang ginawa kundi pagnasaan ang napakagwapong virgin face ko. Ang hirap talaga maging gwapo, buti na lang sobrang gwapo ko. Hyst.


Kasalukuyan parin akong nagtatago ng wala na akong narinig na nagtitilian at tumatakbong mga babae. Tatayo na sana ako ngunit may nakita akong taong di kalayuan saakin. I think he/she's crying.


Lumapit ako sakanya. Babae sya. Damn. Baka mamaya isa sya sa mga funghorl ko. Lagot na.

Iiwan ko sana sya pero lalong lumakas ang paghikbi nya. Umupo ako sa tabi nya at inabutan ko sya ng panyo. Kahit papaano may mabuting side din naman ako.

"Here". Tanggapin mo na bago ko bawiin. Inabot nya naman yung panyo.

"T-Thanks". Humihikbing sabi nya.

Pagkatapos nya punasan ng luha nya yung panyo, hindi pa ata nakuntento at talagang suminga pa sa harap ko.Tss. Walang hiya.

Nagulat na lang ako ng bigla syang tumawa. Hey wait, what's happening to her? May sira ata sa utak ang isang to.

"HAHAHAHAHA i'm sorry. Btw, I'm Ashley. Nice to meet you". Masiglang sabi nya. Napatulala na lang ako. WTF?

Nang bumalik na ako sa katinuan saka ko lang pinakilala ang sarili ko. "I'm Nike, single and ready to giggle".

"HAHAHAHAHAHAHA tinanong ko ba?" aba't mataray ang isang to ah. Sa sobrang gwapo kong to? Tatarayan nya? How there is she? Damn.


Tumingin sya sa relo nya at halatang frustrated. "I need to go HAHAHA". Dali dali syang tumayo at walang pakundangang iniwan ako. Pakshet.


Napatingin na lang ako sa tabi ko. Naiwan nya pala ang wallet nya. Hahabulin ko sana sya pero nakalayo na. Hyst.

Mula sa pagkakahawak ko sa wallet may nalaglag na papel. Hindi ako pakielamero pero baket ba? Nacucurious ako eh. Nang ibuklat ko ang papel nagtaka ako sa mga nakalagay dito.





"Kaya pala ganon ang inasta nya kanina" bulong ko.

The Cheater's BloodWhere stories live. Discover now