Chapter 1

9 1 0
                                    

Chapter 1

Anna Lei's POV

"Leeeeeeeeeiiii gumising ka na dyaaaaaaaaaan" ayy. Aga aga nambubulabog. Kinumutan ko ang buong katawan ko at natulog ulit.




"Lei! Sabi ko gumising ka na dyan. First day  of school baka malate ka!". Hala! Oo nga pala! Bwisit na utak to makakalimutin.



"Opooo, to na po", tamad na sabi ko. Dirediretso akong pumunta sa cr at ginawa ang routine ko. Pagkatapos kong maligo at iba pa nagbihis na ako. At pumunta sa dining para kumain.


"Anak sinasabi ko sayo, pag ikaw late na naman lagi ngayong school year, babawasan kong ang allowance mo ng 50%", bungad agad na sabi ni mommy saakin pagdating ko sa dining. And oh, nandito si daddy.



"Mommy pagbubutihin ko na ang pag-aaral ko, because new year is new life!", masiglang sabi ko.


"Siguraduhin mo lang baby Lei" , sabi ni daddy habang humihigop sa kape niya.


"Dad, how many times did i told ya na don't call me baby anymore!", maarteng sagot ko. Nakakainis kase si dad eh hmp.



"But you still my baby Lei", sabay gulo sa buhok ko. Isa pa yan sa kinaiinisan ko kay Dad, lagi nyang ginugulo ang hairstyle ko. Alam naman nyang pinagpaguran ko yon eh.



"I have to go mamsh and papsh, mwuah mwuah chup chup", nagmamadali akong lumabas kahit nagsasalita pa sila. Sa school na lang ako kakain since diet naman ako ngayon.


Sumakay na ako sa kotse at nagdrive papunta sa school.



This is my first day of school, a new challenge para sakin since graduated na ako sa highschool and i am a collage student now.




Isa pa sa pinoproblema ko ay pinapasummer job ako ni Dad sa kumpanya namin sa summer. Maaga niyang sinabi para daw makapag-isip isip ako. Damn. As if naman na pumayag ako sa deal niya. Sa ngayon hindi ko poproblemahin dahil hindi naman talaga ako papayag.



Kasalukuyan akong naghahanap ng paparadahan sa parking lot ng aking baby Yellow Mercedes Benz sa malaki at pangmayamang school na ito.



Nakahanap na ako ng pupwestuhan ng biglang may humarang na isang bulok na kotse sa harap ko. Damn. Binusinahan ko sya ng paulit ulit ng maramdaman manlang niya na mas nauna akong nakahanap  sa pwesto na iyon. First day na first day umiinit ang ulo ko.



Medyo umatras siya at saktong sakto sa laki ng kotse ko ang distansiya saka ako pumwesto at nagconcentrate. And mabilis na naunahan ko ng pwesto ang may ari ng bulok na sasakyan na ito. Walang makakatalo saakin, kala mo ha. *evil laugh



Bumaba na ako ng kotse and as usual their all staring at me. Ano? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda? Well, ang swerte nyo dahil ako agad ang nakita niyo, kase ako ang pinakamaganda sa lahat ng magaganda hehe.




Taas noo akong naglakad, ng biglang may humawak sa braso ko. What the hell?


"Miss hindi ko papalagpasin ang ginawa mo saakin", lumingon ako sa guy na nanggagalaiti sa galit sa  kung ano mang ginawa ko sakanya. Gulat na gulat siya sa kagandahan ko ng humarap ako, charot.



"Ikaw?", sabi niya. Anong ako? Oo ako? Bakit ako? Ayy nababaliw na ako. Anong pinagsasabi ng kutong lupang to?




"What the heck? Anong ako? Oo ako ito? And so? Sino ka ba? Hindi kita kilala kaya pwede ba take off your hand!", baka mamaya ay hindi pala siya naghuhugas ng kamay pagkatapos niyang magcr. Buti na lang at tinanggal naman niya agad.


"Hey, hindi mo ba ako nakikilala? Sa sobrang gwapo kong to? Weh?", aba makulit sabe ngang hindi ko siya kilala eh. I don't care kung sino man siya kaya bago pa niya pa dagdagan ang walang kwenta niyang sinasabi ay nagwalk out agad ako. Nawawalan tuloy ako ng ganang pumasok.


Saka ko lang napansin na marami ng nanonood sa amin kanina. Mga chismoso, chismosa.



Nagpatuloy ako sa paglalakad at buti na lang hindi na siya sumunod. Hinanap ko ang naasign sa aking room para sa first subject ko.



Pagkapasok ko, ay binugaw ko kaagad ang kagandahan ko na agad naman nilang napansin.



'pre ang ganda niya'

'yes! classmate natin'

'liligawan ko yan'

'witwiw sexy'



Humanap na ako ng pwesto bago pa nila ako pag-agawan. Sa dulo ako umupo since ayaw ko sa maiingay.


Prente akong nakaupo ng biglang may sumulpot na stupidyante sa pinto kasunod ng malakas na tilian. Ang ayaw ko sa lahat ang ginugulo ang pagmumunimuni ko. Mga walang galang.


'ang gwapo niya talaga'

'hey babe'

'dinner tayo mamaya, free ako'

'kung ayaw mong manligaw ako na lang manliligaw sayo'

'sweetie pie, i love you'




Aba't ang lalantod ng mga babaeng ito. Kala mo kagandahan. Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa tumahimik na sila.


I forgot to introduce mah self. Btw, i'm Anna Lei Juarez. Maganda, maputi, matalino, mayaman, masipag, in short ideal girlfriend.



Naramdaman kong may tumabi saakin. Nilingon ko siya para pagsabihan na hindi siya pwedeng umupo sa tabi ko. Nagulat ako sa kutong lupang nakaupo na sa tabi ko. Naiinis talaga ako pag nakikita ko siya. Bwisit!



"Hi Ashley", masiglang sabi ng katabi ko. Ha? Sinong Ashley? Lumingon ako sa bintanang katabi ko pero wala namang stupidyante doon. Ano nanaman ang pinagsasabi ng isang to?



"Wag kang gumawa ng ibang pangalan ko kase 9 months pinag-isipan ng mga magulang ko ang Pangalang ANNA!", diniin ko talaga ang pangalan ko para maintindihan niya.



"P-pero sabi mo saakin Ashley ang pangalan mo. Di mo ba naaalala nung nagkita tayo last week?", takang tanong niya.



"Anong nagkita? Ngayon ko nga lang nakita yang pagmumukha mo", inis na sabi ko. Aba gawa gawa ng pangalan ko tas sasabihin niya na nagkita na kami. Parang tanga lang. Ni hindi ko nga siya kilala.









Hindi ko na lang siya pinansin. Parang may nakalimutan ako. Shit! Di pa pala ako umiinom ng gamot! Fuck pano na yan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cheater's BloodWhere stories live. Discover now