Best Wishes

7 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat nang maging kaklase kita noong first year highschool. Ang Dark Blue Janpsort Bag mo ang una kong napansin. Napakamisteryoso mong kaklase, dahil mas tahimik ka pa kesa sa patay. Palagi ka lang nakaupong mag-isa sa upuan. Bihira ka rin kung ngumiti o magsalita. Nabibighani ako sa maamo mong mukha. Hindi ka nakakasawang tignan sa iyong mga mata. At nahuhumaling ako sa medyo mapula mong labi. Medyo wala ka pang masyadong kaibigan nun, hanggang sa dumating yung araw na meron kaguluhan sa loob ng classrom. Palitan ng mga numbers.. na syang ikinatuwa ko ng sobra.

Alam mo naman siguro, na ikaw yung una kong lalapitan. Dahil sa isang malinis na one whole sheet of paper, pangalan mo ang unang nakalagay dun. Habang isinusulat mo yung number mo dun, pinagmamasdan ko ang buo mong mukha na parang gusto kong kabisaduhin lahat ng face features mo, pokerface ka lang pero ako?

Shit ka JP, kinikilig ako.

Pero pagdating ng second year, nasa Star Section ka na. Kung alam mo lang sana kung gaano ako kaproud sayo nung mga oras na yon. Medyo nalungkot nga ako dahil wala na akong magiging inspirasyon sa loob ng classroom. Pero nang malaman ko na palagi kang nasa gilid ng bintana nakaupo, palagi akong lumalabas ng room every third period sa umaga makita ka lang nakikinig sa discussion. Minsan nga, nagtatama pa ang mga mata natin.

JP, nginitian mo ko. Nginitian mo ko.

Third year highschool, sa isang subject na T.L.E magkaklase tayo, maraming naghahanap ng sharpener.. Pero ako yung nilapitan mo sabay sabing "Yan, pwede bang.. pahiram ng pantasa?" ginulat mo ko JP, tinaranta mo ang puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Grabe talaga ang karisma mo sa'kin. Nang-asar pa nga si Jenny noon eh, para sayo wala lang yun pero sa akin parang gusto ko ng sumabog sa harapan mo dahil sa sobrang kilig. At ayun, nanginginig ang kamay ko habang inabot sayo ang pantasa. Nahirapan ako nun makahinga, akala ko.. magkakasakit ako sa puso.

Isa yun sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari. Lahat ng nararamdaman ko, dahil lang sayo.. JP.

Fourth year Highschool, MAPEH Class. At ang saya ko dahil magkaklase na naman ang tatlong sections. Ikaw mula sa Star section, ako sa Section B at yung may nagkagusto sa'kin sa Section C. Nakaupo tayong lahat noon sa classroom, naghihintay ng teacher. Valentines nga pala noon..

JP, kung alam mo lang sana na palagi akong umaasa na bigyan mo ko ng mga pulang rosas na binibenta sa gate ng school natin pero..

"Yan! Pinapabigay nga pala sayo.."

Nilingon ko kung sino yung lalaking nagbigay ng pulang rosas sa'kin.. Si Al. Kinabahan naman ako, akala ko kasi.. IKAW.

Ouch. Ang sakit pala.

Nag-assume kasi ako JP eh, haha natawa tuloy ako.

Nilingon kita sa pinakalikod na kung saan ikaw nakaupo. Nagkwekwentuhan kayo ng katabi mo, nahuli kitang ngumiti habang nagkwekwento.. Ang saya ko.

Graduation Day. Hinanap kita ng mata ko. Nakita kita, katabi ang mama mo na nakaupo na sa harap ng stage. Tahimik ka lang pero nakikinig ka sa mga usapan ng katabi mo. Tsismoso ka rin pala no? haha.

Hanggang sa natapos ang araw ng pagtatapos ko bilang Highschool Student, walang magandang nangyari.. pwera nalang sa iyakan ng mga kaklase at close mong mga kaibigan. Pero ako?

Hating-gabi ng umiyak. Pinagsisihan ang lahat kung bakit hindi kita nalapitan sa huling araw ng pagkikita natin, pinagsisihan ko yung mga araw na hindi ko nasabi sayo yung mga nararamdaman ko. Masyado kasi akong umasa na ako yung una mong papansinin, oo pinansin mo nga ako pero dun lang sa paghiram mo ng pantasa. 

Napakatorpe ko.

Sinayang ko yung apat na taon sa pagbabantay sayong lumabas-pasok sa gate, Hindi ako gumawa ng paraan para makalapit at makipagkaibigan sayo. Nakuntento ako na hanggang tingin nalang ako sa'yo. Nagsayang din ako ng oras at efforts sa paglalakad na handang libutin ang buong campus.. makita ka lang.

JP, Ang sakit sakit sakit.

Kahit picture lang nating dalawa dun sa graduation, WALA. Bakit pa kasi merong tinatawag na HIYA?

College na ako ngayon.. tayo JP. Hinahanap kita sa mga Social-Networking Sites, pero wala akong makita na pangalan mo. Alien ka na ba? Ano na bang nagyari sayo? Asan ka na ngayon? Wala na akong balita sayo. Minsan para akong timang na nagmamakaawa na sana makita kita, kahit anino mo lang. Kahit sa malayo man lang.

Dumating yung ilang taon na meron na tayong iba't ibang career, at patuloy pa rin akong umaasa na makikita kita sa bawat kalsada o jeep na madadaraanan ko. Nagkaroon man ako ng dalawang Boyfriend, pero ikaw pa rin eh. Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. Ikaw pa rin ang iniisip ng utak ko. Ikaw pa rin ang nagbibigay ng pakiramdam na hindi ko nakuha sa iba. JP, mahal na yata kita.. hindi. Mahal pa rin yata kita.

pero..


MASAKIT. ANG SAKIT.


Ang sakit para sa'kin na makita kang nakatayo sa harap ng altar. Ang sakit para sa akin na hintayin mo sya na makarating at hingin ang kamay nya sa harap ng altar. Napakasakit sa akin na ang pinakaclose kong kaibigan noong highschool, sya pala ang bride mo. 

Ginawa nyo pa akong Maid of Honor.

Mga walang hiya kayo kung alam nyo lang sana ang tunay kong nararamdaman.

Pero wala eh. Huli na ang lahat.


NAPAKATORPE KO KASI.


Hanggang sa matapos yung kasal at nagsisikuhaan na ng mga litrato. Habang ako, nakatitig lang sayo. Napakaganda ng mga ngiti mo. Nakakainggit ang bride mo.

Tinawag ako ng Bride mo. Picture daw. Magpicture daw tayong dalawa lang. Kung alam mo lang sana kung gaano ako kasaya na mangyari yun sa buhay ko.

Dahil sa wakas, may picture na tayong dalawa.

Sa kasal mo nga lang, at hindi ako yung bride. Pero okay lang. 


Okay lang ba talaga?


Hindi ko na napigilan pang yakapin ka ng pagkahigpit-higpit. Wala akong pake kung magselos man yang bride mo. Last chance ko na to, kaya susulitin ko na. Pero nagulat naman ako sa ginawa mo dahil niyakap mo din ako ng pagkahigpit-higpit.

Yung mga yakap na matagal ko ng hinahanap-hanap mula sayo. Sa wakas, ay nagyari na din.

Bakit ngayon pa? Sa mismong kasal mo?

Kaya napagpasyahan kong wag nalang umatend ng reception at tahimik na umalis dito sa simbahan.

Pero bago ko gawin yun, nginitian kita.

Nilapit ko ang mga labi ko sa tainga mo.. at bumulong.





"Best Wishes, JP"

BEST WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon