Boyfriend
Niyakap niya ako ng mahigpit. Sabik at masaya. Tuluyang tumulo ang luha na hindi ko inaasahan, dinama ang yakap ng kapatid na aking matagal na hinanap-hanap.
Is this really true? Am I not dreaming?
"Kurutin mo nga ako," utos ko na nagputol sa aming yakapan.
Tinitigan ako ni Kael na tila ang wirdo ko habang ako ay manghang-mangha sa kanya.
Inilahad ko ang palad ko. "Kuritin mo,"
Walang pagdadalawang-isip na lumapat ang kamay niya sa magkabila kong pisngi. Agad nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. He giggled when he saw my reaction, now glaring at him.
"I missed you," sambit ko na ikinakunot ng noo niya.
Napahalakhak ako nang tanggalin niya ang kamay sa pisngi ko dahil sa sinabi ko. He doesn't understand why. His confused and annoyed face is my favorite! Pero ang sakit nang kurot niya, kainis!
I stared at him for a long while. I've never felt this happy before. Simula nang mawala siya, lagi akong inuusig ng konsensya ko sa tuwing naaalala kong napabayaan ko siya. I've missed him for so long. I'm longing for my brother for many years. At ang makita siya ngayon sa aking harapan ay tila isang himala at panaginip.
Ngayong nasa harapan ko siya ay hindi ko na hahayaan pang siya ay mawala. Even if it will cost my life. I am willing to sacrifice. This wish is a blessing in disguise. I hope... this will last.
Ngunit napanis ang ngiti ko nang marinig ang sumunod niyang sinabi. Tila namanhid ang buo kong katawan at ayaw makaramdam ng sakit.
"Ate, kanina pa kita hinahanap! I thought I was going to die!"
H-ha?!
Namumutla kong pinagmasdan ang mukha niyang napakaamo. Ang aking palad ay agad nanlamig at namawis. Hindi ako makahinga nang mabuti dahil sa narinig. Natatakot na naman ako. Natatakot ako na baka kunin na naman siya sa akin ng hindi ko namamalayan.
Lumuhod ako para pantayan siya. I caressed his face gently. Namamangha pa rin ako dahil nasa harap ko siya at natatakot sa kung ano mang nangyayari. My little brother melt my heart that I couldn't believe that he is right here, just in front of me.
"Bakit mo naman nasabi, baby?"
"Baby?!" hasik pa niya gamit ang matatalim na mata. "I'm a big boy now, ate! And it's because I almost fell on the railings!"
Para akong aatakihin sa sinambit niya. Paano nangyari...
Kumunot ang noo ko.
"What's the date today, Kael?" I panicked. Nahimigan ko rin ang pangamba sa tinig ko.
Ang aking inosenteng kapatid ay nakatingin lang sa akin. Nagtataka sa aking inasal at itinanong.
"It's March 14, 2010, ate. You forgot?"
Tila halos gumuho ang mundo ko sa narinig. Totoo ba ito?! Just what the hell?! Paanong nangyari ito? It's his death day 10 years ago.
Nalaglag ang panga ko. Nanlalambot rin ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong patatagin. Is this a dream, imagination? Oh please? Nababaliw na ako!
Ngunit naagaw ng aking atensyon ang kanyang sumunod na sinambit.
"Don't worry, ate. Someone grabbed me before I fell," he said to avoid my worries. Marahil ay napansin niya ang pangamba sa aking mukha habang siya ay tila hindi man lang bumabakas ang takot.
Niyakap ko siyang muli. I don't want to lose him again.
"Huwag ka nang pupunta roon at sino naman?" I should thank that person even if it was really all impossible. Ibig lang sabihin nito na buhay siya!
BINABASA MO ANG
Midnight Sky (Time Series #1)
Teen Fiction(THIS IS UNDER REVISION. EXPECT SOME MINOR CHANGES FOR ITS OWN IMPROVEMENT. UPDATE MAY BE SLOW.) Wishing around the Midnight Sky is the worst one. I thought 11:11 is the lucky one. That's why I have the courage to wish upon the Midnight Sky. It brin...