FA #87

1K 20 8
                                    

Chasity

Nakatayo ako at hinahanap ang kotse na sinend saakin ni mommy. Saan na kaya nakapwesto yun? Tsaka bakit hindi nalang sila ang sumundo sakin? Dami naman nilang alam, eh! Baka may pa welcome party sila saakin? Tapos wala no? Ay nako, Chase. Dyan tayo magaling!

Ayun! Saktong sakto! Nagstop yung kotse sa harap ko. Tinulak ko yung cart kung nasaan yung gamit ko. I knocked on the window and he rolled his car window down and what. the. actual. fuck? HA? WTF!!!

"I-ikaw?"

"It's me." he said without any emotions on his face. Okay lang naman ako??? Grabe hindi talaga nakakagulat, ano.

Lumabas siya sa kotse niya at kinuha yung cart na hawak hawak ko kung saan nakalagay yung mga maleta ko.

Pumasok na siya sa kotse niya at mukhang hinihintay nalang niya ako pumasok din. Nagmadali nalang ako kasi he looks pissed. Ano? Ako ba may kasalanan kung bakit mukha siya iritado?

Yung byahe pauwi sa bahay namin ay nakakabingi. Ewan ko, ayaw ko nalang din magsalita. Feeling ko magagalit lang ata sakin to pag kinausap ko pa siya eh. He looks irritated as hell! But damn, walang nagbago sakanya bukod sa mukhang tumaba siya ng very light. He still looks good. Siya padin yung lalaking kinababaliwan ko. Mula noon, hanggang ngayon.

Ginamit ko lang yung phone ko tapos nag chat ako kay mommy.

Messenger

Mommy

Chase

mommy
ano ba yan my
sa dami po ng pwedeng sumundo
saakin, bakit si jordi pa?
seryoso ka ba ma
huhuhuhuhu

Mommy

eh ano naman chase?
affected ka ba?
seryoso yan
siya lang available
wala na ibang susundo sayo

ma
ang dami kong pinsan dyan
wala man lang susundo sakin
ni isa?
hay
pero ano pa nga ba
nandito na eh
nakasakay na po ako sa kotse
niya magrereklamo pa ba ako
hay

sige
ingat kayo
kausapin mo kasi
okay ingat

"Fuck!" mura niya. Muntik na kaming mabangga sa kasunod na kotse namin dahil sa biglaang paghinto nung nasa harap.

"Sorry." sabi niya. I just nodded.

"Jordi, I'm sorry." sabi ko. Yumuko ako. Lumingon lang siya sakin. Wala man lang siyang expression nung tumingin yung mga mata niya saakin. Di ko nga din mabasa yung mukha niya e. Kung nabwibwisit na ata siya sakin oh gusto niya na ako sapakin or pababain sa sasakyan niya.

"Sorry for what?" he asked. His voice is low. At di niya man lang ako tinignan. Naka-focus lang siya sa daan, or sa traffic.

"For what I've done, Jordi. I left...without telling you." sabi ko. Gusto ko na magpalamon sa lupa kasi alam ko naman sobrang childish nung ginawa ko. But what could I do?! Nagawa ko na. Ang kailangan ko gawin ay humingi ng pasensya sakanya.

After a long silence, he cleared his throat. "Okay."

"Okay? Final na yan? Wala ng bawian?" sabi ko. Yun na talaga yon? weh??? Totoo ba talaga yan?

He tried to hide a smile. Tapos bumalik sa walang expression. "You don't want?" sabi niya ulit. Ano? Ayaw ko makipag-ayos sakanya? Syempre gusto!

"Gusto!" sabi ko. He just shrugged and continued driving.

Ayun na yon? Wala ng kasunod yung conversation namin? Tapos na? Ano ba, gusto ko pa siya makausap, eh. Nakakainis naman. Di ko kasi alam paano sisimulan usapan namin eh.

Okay. Ako nalang magsisimula ng usapan. "How are you?" sabi ko. Shit, kinakabahan ako sa isasagot niya saakin. Baka sabihin niya, 'Of course, I'm fine without you.' wag naman po sana! Kaya nga atat na atat ako bumalik sa Pilipinas bukod sa pamilya ko ay isa din siya sa dahilan!

"Not fine." AHHHH gusto ko nalang magpalamon talaga sa lupa!

"Why?" hala teh, ang tanga naman ng sagutan ko. Huhu eh kasi gusto ko lang talaga malaman kung bakit. Curiosity kills the cat nga eh. Mamatay na ba ako? hmmm

"Wala ka." NAG TAGALOG SIYA! Pero ano daw? Wala ako? Bakit po ako huhuhu ano ba naman 'to, kinikilig ako eh.

"Bakit ako?" tanong ko sakanya.

"You're really asking me? Are you that..nothing." sabi niya at umiling.

"Ano? I'm that what?" sabi ko. Hinihintay ko ang kasunod na sasabihin niya! Ano? I'm that dumb ba?

"Are you that dense? Really?" sabi niya. Ako? Dense? HUH

Umiling lang ako sakanya at di ko namalayan na papasok na pala kami sa subdivision namin. Wow, it's been a year. Grabe, nakakamiss? Isang taon lang yun ha! Feeling ko naman nag OFW na ako sa sobrang tagal. Felt like hell.

Pagbaba ko ay binaba ko nadin ang mga maleta ko sa likod ng kotse niya. Dapat ay tutulungan niya ako pero kaya ko naman. I'm so independent na, kaya!

"Thanks for picking ne up, Jordi." ewan ko. Kahit sinabi niyang okay na kami, hindi ako naniniwala. Feeling ko...ang laki laki padin ng kasalanan ko sakanya. Kaya eto, awkward at ganun naman din talaga siya.

Tumango lang siya sakin. Oh diba, feeling ko galit padin 'tong isang to eh. Tanggap ko naman din, may kasalanan ako eh. At di naman ganon kadali magpatawad no..alam ko naman at handa naman ako makipagusap na sakanya ngayon. Diko na siya tatakasan, promise.

Unless...ayaw niya na ako kausapin?

Nakasunod lang siya sakin sa likod ko dahil ang dami kong dalang luggage.

Pagpihit ko sa doorknob ng front door namin, ang bumungad sakin ay "Welcome Home, Chasity!"

Napangiti ako dahil wow may pa-welcome party eme pa sila para saakin. Tinignan ko sila at konti lang naman, just my family, my close friends or team mates, and the GDLs.

Bumati muna ako sa mga kapamilya ko and then to my friends and lastly, to the GDLs.

"Hi, Chasity anak! It's been a year!" sabi ni Tita Anna at yinakap ako. Grabe, feeling ko talaga ay welcome na welcome ako sa mga Gómez de Liaños, eh.

"Tita, I miss you po. The whole GDL fam, of course." sabi ko at ngumiti. Tito Bert gave me a smile and patted my head.

"Even Jordi?" nashock ako sa sinabi ni Jaime. Bigla bigla kasi lumalabas kung saan saan! Malapit niya na abutan ang tangkad ko! Kamusta naman?

I just shrugged his question. Ginulo ni Kuya Juan ang buhok ko, even kuya Joe and kuya Javi.

"Parang lalo 'kang gumaganda ah? Ganyan ba hangin sa ibang bansa, Chase?" Pangaasar saakin ni kuya Juan.

"Whatever, Kuya Juan! At least gumaganda lalo!" sabi ko at umiling sakanya.

Mara gaved me a hug. Lapit niya nadin ako maabutan! "I miss you ate Chasity! But I think, mas mayroong nakakamiss sayo samin dito."

Tumawa ako at nagtanong, "Weh? Meron, Mara?" sabi ko.

"Gosh ate, you don't know how hard it is for us..Jordi bugs all of us. To keep himself updated about you. He uses our phones! He. stalks. you. everyday."
Huli na si Jordi para takpan yung bibig ni Mara at tinawanan nilang magkakapatid kasi nabunyag na si Jordi.

Fan Account | Jordi GDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon