CHAPTER ONE

2 0 0
                                    

One,

It was one afternoon when papa ask me to clean the storage room. There in stored different kinds of books that were part of papa's collection. From oldest to newest one. Yun nga lang, ilang buwan nang hindi nalilinis dahil sa sobrang busy sa bookstore. I also had classes back then. At sa kasamaang palad, summer break na namin at ako lang ang tanging available para magkalkal ng magagabok na libro.

Pinakaayokong magabukan. Sino bang gugustuhing maglinis ng ilang tambak ng libro sa kalagitnaan ng summer? Kasabay ng pagkangawit at panlalagkit, all I want is to take a shower and sleep.

I stomped my feet in frustration. Napakadaya naman talaga ng kapatid ko, hindi man lang ako tinulungang maglinis. Dinahilan pa niya na may pupuntahan siyang mahalaga. Buwisit talaga.

Sa pagdadabog ko, nasipa ko ang ilalim na bahagi ng shelves kaya't nagbagsakan ang mga librong nakasalansan doon. Bumalot ang alikabok sa buong silid at wala akong nagawa kung hindi umubo. Shit. Nakakain pa yata ako ng gabok.

Sa kakaubo ko roon, nahagip ng mata ko ang isang libro. Looking back, it was covered with black leather like, surrounding artistic designs painted in gold. For a moment, I was fascinated. It's my first seeing this kind of book.

Hindi ko alam na may ganito pala si papa na libro.

Tungkol saan kaya ang librong ito?

I excitedly open the book but much to my surprise, there was nothing written. It's a book full of blank pages. Naramdaman kong uminit ng bahagya ang libro at nanlaki ang mata ko nang unti-unting nagkaroon ng letra ang unahang pahina.

"K.A?", mahinang basa ko. Nangunot ang noo ko. I guess it was someone's initials. Hindi ko lang sigurado kung sino.

I didn't know that book would bring bad things to my life. It traumatized the little me. I made a decision because I thought it's for the better. But I'm wrong.

Everyone blame me. Things turned twisted up. I thought I have to get rid of it. So I decided to burn that book.



NANGILID ang luha ko habang nakatitig sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin pero ayaw bumuka ng bibig ko. Ang sikip ng dibdib ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa librong akala ko ay wala na.

'I already get rid of it, including you to my life. Why do you need to come back? Bakit kailangang sabay pa kayo bumalik?'

"Ano pong libro ang hinahanap niyo, sir?", ngumiti ako ng pilit.

"A-albie..."

Naaalala mo ako? Naaalala mo na ako?

But...does it matter?

Ngumiti ulit ako.

"Mahilig po ba kayo sa mystery? May bago po kaming labas ngayon."

"N-no. I just..."

Napapiksi ako nang maramdaman ang kamay na pumatong sa kaliwang balikat ko. Ngumiti ang nakababata kong kapatid sa akin, "Ako na ate. Ayusin mo nalang iyong mga libro pa doon.", aniya.

Wala sa sariling tumango ako at tumalikod kahit kanina ko pa nararamdaman ang titig niya.

Dali dali akong umakyat sa taas at pumasok sa kwatro ko. Doon ko naramdaman ang sobrang panglalambot kaya napasandal ako sa pinto. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tahimik na umiyak.

Nakakainis. Iyong tatlong taon kong inipon na lakas ng loob bigla nalang naglahong parang bula. Just because he appeared again.

Napaigtad ako ng maramdaman ulit ang bahagyang init mula sa librong hawak ko.

Pinagmasdan ko ito habang unti-unting nagkakaroon ng letra ang kaninang malinis na pahina. Every letter turned gold until it turned to blank.

'Matitigilan siya sa nakita. Kilala niya ang lalaking nasa harap. Kilala niya ito ngunit pinili niya pa ring gawin ang dati niyang ginagawa, ang iwasan ito. Dahil sa hindi maipaliwanag na rason, masakit pa rin-'

Hindi ko na tinapos basahin iyon at buong lakas na binato ang libro sa kalapit na pader. Patuloy iyon sa pagilaw senyales na may kasunod na sulat. But I can't bear to read it anymore. Ayokong makita kung paanong tumutugma ang nararamdaman ko sa kung anong nakasulat sa pesteng librong iyon.

Napasabunot ako sa buhok at nanghihinang napaupo.


Naiinis ako dahil unti unting kong narerealize na totoo ang nakasulat sa librong iyon.

Kasi ang sakit pa rin.


Ang sakit sakit pa rin.


--xx

Before our story endsWhere stories live. Discover now