Part1

777 4 0
                                    

 Isang malaking langaw na lilipad-lipad, kadalasan sa mga bulok at sa mababaho… pag dinapuan ka ngayon ng bangaw alam mo na ang dahilan… pero hindi naman bangaw ang gusto kong isulat, wala lang talaga akong maisip na pamagat sa isusulat ko.

 Hindi ko mawari ang mga nasa isip ng tao, bakit ba lagi na lang silang nagrereklamo… anak ng teteng eh bata pa ako yan na ang naririnig ko sa sangkatauhan ah, yun ngang P27 per kilo ng galungong noon na nirereklamo nila noon dahil napakamahal daw eh aabot na ng P120-150 per kilo ngayon, may nagyari bas a mga reklamo nila? ilang pangulo na ba ang nagdaan, ika-13 si erap… so ika 15 na si Pnoy. (si Gloria ay ika-13 and half kasi daw half lang ang height nya) Ano pa kaya ang aasahan ng Pilipinas?

Last term, lahat ng mga hindi maayos na bagay sinabi nating kasalanan ni Gloria, si Gloria na kahit anong gawin ay di mapataas ang height nya, si Gloria na akala ko eh ekonomista kaya sabi ko sa taga amin si Gloria na lang ang iboto… hindi pala lahat ng hinog masarap, lalo na kung yung hinog, pigsa pala.
 Ito na naman tayo at nilalait si Pnoy, gumawa pa tayo ng salita sa bago nating diksyonaryo na Noynoying, ibig sabihin walang ginagawa, nakatingin sa kalawakan at nangangarap ng gising, sabi naman nila eh pakikipagdate daw yun sa isang koreana o pagpapatahimik sa kapatid nyang madaldal... ang dali nating magsabi ng kahit na ano, may mailabas lang sa bibig natin, sana naalis ng pagtotoothbrush ang lansa ng mga salitang nangagaling sa ating mga bibig.

Tingnan mo nga sarili mo… oo, ikaw… ikaw nga na bumabasa nito… natanong mo na ba kung ano ang nagawa mo sa bayan? Baka naman wala pa eh kung makareklamo ka eh hanggang doon na lang. Di ka makuntento sa mga bagay na nasa iyo at lagi kang humihiling na sana gawin ng gobyerno na paginhawahin ang buhay mo.
 
SI OSANG
 Si Osang yung isang taga probinsya na ang dating pangalan eh Luzviminda, hayop sa pangalan, nirepresent na ang tatlong panig ng Pilipinas, iisipin mo siguro mapagmahal ito sa bayan kaya Luzviminda ang pangalan nya. Narinig ko nakikipagrally daw si Osang, tatlong lingo na daw na nakikibaka si Osang kasama ang mga taong tinatawag na maralitang pinoy, humihingi ng katarungan… weh di nga? Si Osang nagrarally? Di naman yata kapanipaniwala eh wala naman yang pakiaalam sa paligid nya eh, ang alam lang nya eh tumambay sa kanto sa probinsya, makipag inom ng alak at pag may dumaan na lalaki na sa palagay nya ay makakapagbigay ng ligaya sa kanya eh sasama na. Syet na malagkit, sana noong nasa probinsya ako eh nadaanan ko din si Osang para naman maranasan ko rin ang langit kahit laging tuyo ang ulam na nasa hapag kainan araw-araw. Kasikatan noon ni Rosana Roces at ng mapanood nya ang sine na Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin eh snabi nyang sya na daw si Osang, bagong pangalan, bagong mamahalin ng kalalakihan.
 Nagbago na daw si Osang tatlong taon na ang nakakaraan, hindi na daw ito mapagbigay. Wala na daw libre kay Osang, kailangan na daw magbayad ka kung kakailanganin mo ang serbisyo nya, uy may pangarap na si Osang, pangarap nyang makaahon sa kahirapan gamit ang kanyang katawan. Tama at hindi lang basta level-up, lumuwas pa ito ng Maynila, nakitira sa kaibigan nya na nakikitira rin sa Pinsan ng pinsan nya sa squatters area. Nagpatahi ng uniform ng mga kilalang school, pero sa halip na sa umaga sya pumasok eh sa gabi sya umaalis ng bahay… wala lang, naglalakad-lakad, may dalang bag, may dalang libro. Mayroon din silang pinagawang ID ng kaibigan nya, kailangan daw para sa gimik. Haha alam mo na ang ginagawa nila ano? Ikaw talaga at nakangiti ka na pagbabasa, siguro isa ka sa umiikot sa mga lugar na tambayan ni Osang ano… tigasin ka pare… oo, level-up na si Osang, nagpapangap na estudyante, pag tinigilan ng kotse at nagka ayos sila sa presyo eh biglang liko na ang patutunguhan, sabi nga ng iba may left turn at right turn pala ang papunta sa langit. Best actress na din ang drama ni Osang, wala lang daw syang pang tuition kaya nya nagawa yun, sosyal na din ang reason, di na yung may sakit ang nanay o tatay o kahit sinong member ng family… si Osang gusto daw nyang makatapos para naman makatulong sa bayan kaya kahit labag sa kalooban nya ay gagawin nya, pagnakatapos na daw sya ng pag-aaral ay hinding-hindi na daw nya gagawin yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BANGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon