He just looked at me with his cold eyes. He's in his usual stance but I can sense that he's, at least, worried about me.
Hindi ako tumayo. Enebe! Iniintay ko na akayin niya ako tumayo. Alam kong kakasabi ko lang na hindi siya ang tipo ko, pero masama ba ang mag-pabebe kahit minsan lang? Dzuh!
Ilang minuto na ata ako nakaupo dito, iniintay ko na itayo niya ako. Ano? Wala kang balak, kyah? Isa pa, hindi lang naman 'to pure pag-iinarte! Ang sakit talaga ng pwet ko kahit sabi nila wala raw akong pwet! Tapos ang sakit pa ng panga ko kaya hindi ako makatayo (Ang layo nun sa paa, ah?) . Masakit din ang tyan ko na kanina'y tinadyakan nung lalaki.
"Ano? Hindi mo ba ako tutulungan?" Naiinip at iritado kong tanong. Manhid ka ba? He just shook his head, and he did what I least expected. He turned his back on me and started walking away. Grabeeeeeee!
Ano ang karapatan niyang talikuran ang isang diyosa?! Mas maganda pa ata ako kay aphrodite! Charot lang cupid, baka 'di mo pa ako hanapan ng lovelife ih, hehe.
Pahirapan akong tumayo dahil masakit pa rin ang katawan ko, tapos hindi man lang ako tinulungan nung lalaking 'yun!
Ika-ika akong naglakad palayo roon. Nang makarating ako sa tapat ng tindahan ay naroon na naman ang mga babae na kasa-kasama lang ni Alas kanina. Siguro sumunod sila.
Some eyed me. Yung iba lantaran, iba naman ay patago. Humagikgik pa 'yung iba at bumunghalit naman ng tawa si handjob girl. Alam kong mukhang kalunos-lunos at ni-rape ang hitsura ko kahit 'di naman ako ni-rape, pero ang pinagtataka ko, bakit sila nakatingin sa puwet ko? Lumaki na ba dahil nabugbog? Kung ganoon then I'm willing to be beaten up once again!
Dumaan ako lagpas sa kanila habang nakatingin pa rin sila sa puwet ko habang tumatawa. Problema niyo?!
"Shit." Rinig kong usal ng isang lalaki, it was Alas. Pumunta siya palapit sa'kin at binalot ako ng jacket niya. Maluwag sa'kin ang jacket kaya hanggang hita ko 'to. Tangkad ba naman kase.
"Blood stains." He whispered at me at naibalik ako noon sa ulirat! Mayroon pala ako ngayon! Myghaaaaaaaaaaaaad!
Namula ako dahil doon at napatingin sa kaniya. He looks so serious, well, he's always very serious. He's usually cold, his baritone is also cold, also his stance. Baka naman sa antarctica 'to nakatira lalo na't halatang imported 'to!
Napatigil ako sa pag-iisip nang may umirit na naman palabas sa ano ko. Menstruation gahd! Para hindi mahalatang naiilang ako ay tumingin na lamang ako sa paligid ko para lang malaman ang matatalim na tingin sa'kin ng mga babae na nasa tindahan! S'yempre! Nakaakbay lang naman sa'kin at nakasuot sa akin ang kaniyang jacket.
We started walking away. Mukha naman siyang matiwasay samantalang ako ay mukhang constipated! Nakakahiya naman kasi!
"Bakit hindi mo sinabi agad?! Napahiya ako!" I started whining as I clung onto his jacket that's covering my blood stains. Dapat magpasalamat ako pero, ayaw ko!
"Tss. Why don't you just thank me for lending you my jacket and save you from those jerks after doing that idiotic act of yours?" Sabi niya habang nakatingin sa'kin.
Napatulala ako saglit, dahil sa kaniyang kulay berdeng mga mata (kasing berde ng utak nyo, lol). It was agonizing. He looked away and it brought me back to my senses.
Inirapan ko nalang siya, wala naman siyang reaksyon, nanatiling blangko ang kaniyang mga mukha maging ang kaniyang mga mata. Bumusangot ako.
Unti-unti ko nang nakita ang daan papunta sa bahay namin and I became relieved, makakapagpalit na'ko sa wakas!
Nang nakalapit kami sa bahay ay tsaka ako nagkalakas ng loob na mag-thank you sa kanya, after all, if it wasn't for him, I would be raped by those jerks earlier, he also came to me to give his jacket because I have blood stains, I'm not that heartless to not thank him after all those things he made earlier.
"A-Alas, thank you nga pala." I said and I sense a ghost of smile on his lips, he immediately got back to his usual cold stance but his eyes were telling me a different story.
Tumakbo ako papasok sa bahay namin dahil sa hiya na rin at sa kakaiba kong naramdaman nang makita ang kaniyang kulay green na mga mata.
I am still thinking about him when i remembered something.
Shit! Ang jacket niya!
Tumakbo ako sa labas ng bahay namin para ibalik sana sa kaniya but I saw no traces of him at all.
Sayang 'yung jacket, Oxygen pa naman.
YOU ARE READING
Owned By A Prince
RomancePrologó A-Ano ba 'tong napasukan ko?! Gawa sa gintong gate, mahabang daanan muna bago mo makita ang isang kastilyo. Kulay abo at ginto, halong moderno at makaluma. Sa labas ay abo at ginto lamang, may dalawang tore sa gilid, sa gitna ay nakalagay an...