-

3 1 0
                                    


-Her Pov-

"Checkin with rice, sandae, fries large, cheeseburger, coke and spaghetti"

Sunod-sunod kung order sa counter na mabilis naman nitong pinunch at binigyan ako ng receipt at no. Maramirami kasi ang umuorder kaya ganoon. Matapos kung magbayad, dala ang isang tray na may straw, tissue, yung number at receipt eh naghanap ako ng mauupuan buti nalang nakahanap ako ng pangdalawahan sa may gilid kung saan tanaw sa labas.

Umupo ako't naghintay pa ng mga sampung minuto bago dumating ang order ko na agad ko namang nilantakan.  Inilabas ko naman ang cellphone ko at nagbutingting sa gallery habang sumusubo.
Paubos na ang kanin at ulam ko ng may marinig akong boses sa mismong harapan ko, nakita ko pa ang isang pares ng pulang sapatos sa tabi ng upuan sa harapan ko sa di malamang dahilan eh tinignan ko ito mula sa sapatos nito patungo sa rip jeans nito papunta sa damit habang may bibit itong tray ng pagkain patungo sa *gulp* mukha nito.

"Pwedeng makishare ng table?"

Tipid pa itong ngumiti, tss ede siya na indorser ng toothpaste. Wala naman sa sariling tumango ako at binaba ang cellphone ko sa table at patuloy na kumain habang ito naman ay umupo't inayos ang pagkain nito sa table.

"Thanks"

Rinig kung usal nito habang nakayuko parin akong kumakain  gamit ang mata ko tinignan ko pa ang mukha nito na ngayon eh abala na sa kangunguya. Mabilis naman akong bumalik sa pagkain at mabilis na kunagat ang buger, fries na dinidip ko sa sandae ko

"Hahaha ang cute mo kumain"

Rinig kung tawa at komento nito sa paraan ng pagkain ko,

"Huhk!"

muntik pa akong mabilaukan kaya naman dali-dali ko namang tinungga ang coke ko

"Sorry nagulat ata kita"

Paumanhin nito sa pinunasan pa ang gilid ng labi ko gamit ang tissue,  tss.. 'nagulat ata?' engeng ata ito eh, malamang sa malamang oo

"Ehhh... Girl tignan mo ang sweet nila noh? Talagang pinupunasan pa ni boy yung gilid ng mukha ni ate"

Napalingon naman ako sa narinig kung saad ng babae sa table malapit sa amin, tinignan ko naman ng masama tong lalaking napakacaring at nangiti pa itong itinigil ang pagpupunas sa akin at kumain muli

" Yeahhhhh.. at girl tignan mo! Nakacouple shirt sila.. kyahhh ang swerte ni ate noh? Ang pogi ni kuya at mukhang mayaman pa tapos siya? "

Komento pa ng kasama nito at pinasadahan pa ako ng nangiinsultong tingin. Tsaka ano daw? Couple Shirt? Eh hindi ko nga kilala to, mag couple shirt pa kaya ako kasama toh? Tss..  Tinitigan ko naman ang sout nitong damit at nanalaki ang mata ko sa nakita. Magkapareho nga kami ng damit, parehong-pareho mula sa kulay, desenyo at maging sa print ay pareho kung tititigan mo nga naman kami eh masasabi mo nga namang nakacouple shirt kami ang ani moy magjowa. Pakingbet! Anyare? Anong klaseng pagkakataon to?

"Oh? Ba't natigil ka dyan?"

Takang tanong pa nito sa akin nangayon eh nilalantakan ang spaghetti nito at cheeseburger. Pinakatitigan ko pa ang order nito at, nanlaki na naman ang mata ko at napanganga pa ako sa gulat. Pareho din kami ng order maliban sa fries at sandae. Mukhang na nanaginip ata ako ah. Kinurot ko pa ang pisngi ko at agad ko naman itong hinimas-himas pero pagtingin ko sa kinaroroonan nito ay nandoon parin ito.

Couple ShirtWhere stories live. Discover now