The stars are the witness
Malamig na hangin ang sumasalubong sa bawat hakbang ko. Hindi ko masyadong maaninag ang aking nilalakadan dahil dumidilim na. Hindi ko na namalayan ang oras andidito ako sa parke malapit sa tinutuluyan kong maliit na bahay. Ako lang muna magisa sa bahay ko, meron naman akong mga kaibigan sa pinapasukan ko. Ramdam ko na ang pagod kaya umupo muna ako sa isang upuan na may ilaw at sabay tingin sa kalangitang puno ng butuin.
May nakita akong mga tao sa di kalayuan. Hindi ko alam kung sino sila dahil malayo sila sa may ilaw. Hindi ko rin alam kung taga rito sila kaya tumayo nalang ako dahil mahirap na. Sa aking pagtayo ay papalapit ng papalapit ang ingay na aking naririnig. Naglakad na lamang ako ng may kabilisan. Malapit na rin naman ako sa aking tinutuluyan ng biglang may humawak sa balikat ko na kamay. Nagmadali akong tanggalin ito at nilingon ang kung sino man iyon. Isa itong lalaki. Matangkad siya kaysa saakin na katamtaman lang. Nakita ko ang maamo nitong mukha dahil sa liwanag ng ilaw malapit saamin. Bigla siyang ngumiti saakin. Litaw ang magaganda nitong ngipin. Guwapo ito, halatang mayaman sa mukha palang, matangos na ilong at ang mata niyang nakakabighani. Ang kilay nitong parang sinuklay at ang buhok niyang maayos.
"May itatanong lang sana ako sayo, wag kang matakot" sabay ngiti ulit nang matamis. Hindi naman ako nakaramdam ng takot o kaba. Sino ba namn ang matatakot sa lalaking guwapong katulad nito.
"Ano ba iyon?" Sagot ko sabay hakbang ng patalikod ng onti dahil ang lapit niya saakin masyado.
"May kilala kabang Adelaide dito?" Adelaide? Ito yata ang pinaka magandang babae sa village na ito, sila ang nasa bandang dulo kung saan mga mansyon ang bahay. Mga mayayaman ang mga nanduon.
"Oo nasa bandang dulo pa ang kanila, hindi naman ito sobrang layo, magtanong nalang kayo sa mga madadaanan niyo." Habang turo turo ang sa mga bahayan malapit duon.
"Thank you Miss..?"
"Ares." At binigyan siya ng tipid na ngiti
"Sige mauna na ako sayo." At pagkasabi ko nito ay tumalikod na ako sakanya.
"Ares! I'm Apollo." Sigaw niya saakin kaya himinto ako saglit at nilingon siya sabay ngiti. Hanggang dito ay rinig ko ang ingay nila ng mga kasama niya. Kaano ano kaya nila ang mga Astley?
Sa pagpasok ko sa aking bahay ay dumiretso na ako sa banyo naglinis saglit at nahiga na sa kama. Sa aking pagpikit ay naalala ko ang matatamis na ngiting iginawad saakin ni Apollo, ang guwapo ng kanyang pangalan parang siya lang. Maskulado din ang katawan niya. Halata talaga ang pagiging mayaman sa kanyang pananamit. Halata ring siya ay malahi. Sa kakaisip sa guwapong nilalang na iyon ay unti unti na akong nilamon ng antok.
The stars are brightly shining...they are the witness of the begining
YOU ARE READING
Touch Of Tragic
RomanceThe stars above are the witness of the begining A great begining, lovely moments, both in love In every story there is an antagonist not just one or two.. Will they stay strong or just let go? "It hurts when you have someone in heart, but you can't...