ANDREW'S POV
I'm at the basketball court right now. Kahit na gabi na I still want to play, alone. Just to let the frustration out!
Bakit ba palaging si Jeo nalang! Si Jeo ang magaling! Si Jeo ang matalino. Si Jeo ang masipag. Si Jeo, si Jeo nalng! Wala na ba silang ibang nakikita bukod kay Jeo? Ginagawa ko naman ang lahat ,ah!? Ano pa bang kulang? Dahil ba di ako si Jeo? Alam ko namang di kami pareho ni Jeo pero wag naman sanang ipamukha nalang palagi sakin na mas lamang sya kesa sakin... Pati na nga yung babaeng gusto ko, si Jeo pa rin ang gusto! F*ck!
"AARRRGGGHHHH!!!!"
sumigaw ako out of frustration. Nabato ko pa nga ng malakas yung bola kaya ayun tumilapon..
Tsk.
"I did my best but I guess my best wasn't good, he he he... Hello to you! wazzup?"
napatingin ako kung san ko narinig yung nagsalita..
Si Dai...
Kinuha nya yung bola ..
"Anong problema, pre? Malaki siguro no?"
Pinasa nya sakin ang bola at nasalo ko naman.
"Wala lang... Hindi ko kasi ma shoot, eh."
"Pano mo mashu shot yan eh distracted ka.? Sige na, sabihin mo na sakin. Makikinig naman ako,eh. Di dapat yan kinikimkim"
Kahit magpinsan kami nyan ngayon pa lang kami naging close. Bagong lipat pa lang kasi kami. Kahit gusto ko man sabihin sa kanya ang problema ko ayoko namang problemahin pa din nya ang problema ko. At isa pa, mas close sila ni Jeo baka masabi niya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, eh sya na nga ang nag kwento sakin na minsan di daw niya mapigilan na magsabi ng sikreto.
"Umuwi ka na alam kong hinahanap ka na ng lola mo. Pagalitan ka na naman nun."
Nag shoot uli ako at di na naman pumasok! Shete!
"Psshhh.... Change topic agad? Tsaka may idadahilan naman ako pag pagilatan nya ako. So gora na with your problem. Tell!"
Umupo na sya sa may bleachers.
Tinignan ko sya at nag up & down lang yung eyebrows nya. May pagka baliw din to eh. Alam nyang sobrang strict ng lola nya, pumunta pa talaga dito.. 10 na kaya..
"Umuwi ka na!" sigaw ko sa kanya
"Not until you tell me what your problem is"
Ang kulit din nito,eh. Epsi lang?
"Sino bang may nagsabi sayong may problema ako?" tanong ko sa kanya.
"Obviously meron kaya. See how you act and what you say. Nagsusuplado ka na, para ka ng si Jeo. Hala ka.."
"Psshh... Jeo na naman."
bulong ko tas nag shoot ulit ako. Hindi na naman pumasok sa ring.. tsk..
"So si Jeo pala problema mo?"
Mag shu shoot na sana ako pero natigilan ako. Lakas ng pandinig nito.
"Wala ka na dun."
(A/N: sorry po lame. 2nd story ko pa po e. Sorry)
BINABASA MO ANG
AKO NA LANG? PLS?
Teen FictionDi nya ako kayang mahalin kasi 'di ako ang kapatid ko. Kahit ano pang gawin ko di na daw yun magbabago. Tsk. Tignan ko lang.