Andrew's POV
After nung gabing yun mas naging close na kami ni Dai. Cool pala talaga sya kasama. At mas ayus kalaro ang mga bata kaysa sa mga kaedad ko. Tama nga talaga si Dai. Naging close na rin ulit kami ni Jeo.
Excited na ulit ako na makasama sya ngayun. Mga 10 a.m. siguro yun pupunta dito. Nakaalis na din sila mama para magtrabaho.
"Ya, may naghahanap sayo!" - sigaw ni Jeo.
"Sino ba yan?! Teka lang malapit na ako. Magbibibhis lang!" -sabi ko. Andito pakasi .ako sa kwarto katatapos ko lang maligo.
"Nicole daw!"
Si Nicole? Ba't naman sya pupunta dito?
"Ah, sige. Pakisabi sandali lang!"
Pagkatapos ko magbihis bumaba na ako.
"Oh, Nicole!^_^"- ako.
"Good Morning Jan! ^____^"- bati nya.
BTW, Jan nga pala ang tawag ng mga nakakilala sakin. Jan Andrew kasi talaga pangalan ko. Bihira lang ang tumatawag sakin ng Andrew. Yung mga taong pinapayagan ko lang.
"Good Morning din. Ba't naparito ka?"-tanong ko. Andito kami sa sala ngayon.
"Ya, alis muna ako."-Jeo
"San ka naman pupunta?"-ak0
"Hahanapin ko lang si Joyjoy baka kung saan saan na naman yun nagpupupunta."
"Hahanapin daw si Joyjoy... Galing din mag palusot,ah. Ang sabihin mo pupuntahan mo si Dai! Tsk.!"- singit ni Jacob na pinsan din namin.
May gusto din kaya si Jeo kay Dai? Impossible.... pero posible but di pwede... hindi.....pwede naman magkagusto kaso di nga lang pwede maging kayo.
"May gusto ka pala kay Dai,ah. Kaya pala.." -sabi ko.
"oi, hindi, ah. Tsaka ano ba naman kayo pinsan lang natin yun. Makaalis na nga."- Jeo
"Nagsuplado na naman si brad mo. Sige pre, alis na din ako."-Jacob
"San ka nman pupunta?"- ako.
"Ewan ko.. pero gusto ko lang umalis. Sige,, balik lang ako mamaya."-Jacob. may pag ka sira din to,eh.
"ok, bye."-ako.
"babye."
Umalis na din sina Jeo at Jacob.
Nakalimutan ko nang andito pala si Nicole. Ka-MU ko yan dati pero wala na akong gusto sa kanya ngayon. Masyado kasing choosy yan. De joke lang. Hiniwalayan nga nya yung current boyfriend nya nung nalaman nyang may gusto ako sa kanya pero di ko rin naman sya pinormahan. Ayoko naman pormahan ang isang babae kong di ko pa mahal. Like pa kasi yung nararamdaman ko sa kanya. Di yun sapat para ligawan sya.
"Oh, Nicole, bat ka nga pala naparito?"
"aa...mmmm...*sigh* Jan, napAnsin ko lang kasi na di ka nagpupunta sa tambayan. Di ka na rin nag tetext eh. Kaya naisipan kong dalawin ka."
"Ahh,, ganun ba. Ba't di mo kasama sina Mae?"
"Natutulog pa kasi sila eh. Uhm... Jan... bat ka nga pala di ka na pumupunta sa tambayan? Ang lungkot kasi pag di tayo kompleto. Iba pa rin pag andyan ka. Busy ka ba? Or di ka na ba pinapayagan ng mama mo na umalis?"
"Di naman sa ganun. Gusto ko kasing maka bonding yung mga kapatid ko. Lalo na si Jeo kaya sinusulit ko na ang summer. Alam mo naman na sa ***** University nag-aaral si Jeo."
"ahh,, pero pupunta ka ba ngayon sa tambayan? Miss ka na namin,eh."
"Sorry, pero may gagawin kami ngayon,eh.
Nag promise kasi ako kay Dai na turuan ko syang mangisda. Tas, maraming pang hinabilin sakin si mama, kaya di ako makakapunta ngayon sa tambayan. Sorry talaga."
"Ah, ganun ba? Sige, alis na muna ako. Baka hinahanap na ako samin hindi pa kasi ako nakapagpaalam kay mama na pupunta ako dito."-Nicole
Tumayo na sya.
"Ok. Pakisabi na rin sa barkada na di ako makakasama ngayong Easter Sunday. May family clan kasi."
Umalis na din si Nicole. Bakas sa mukha nya na malungkot sya. Hindi naman siguro ganun ka importante yung presence ko. Pero parang ayoko naman syang makitang ganyan. Pero napangako ko na din kay Dai na pupunta ako sa family reunion.
****
"Yes!! Drew! Tignan mo nakakuha ako!! May nakuha ak0!! In your face Andrew! Mas malaki pa ang nakuha ko kaysa yung sayo!! haha!!"-sigaw ni Dai. Tuwang tuwa talaga sya. Nagtatatalon pa nga sya,eh. At totoong mas malaki yung nakuha nyang isda kaysa sakin. Sige, sya na magaling ako na yung may maliit na isda. Paro ako kaya nagturo sa kanyA kaya mas magaling ako noh! -_-"
"Oo, na. Tumigil ka nga dyan sa kakatalon mo baka mahulog ka. Di ka pa naman marunong lumangoy. At wala akong plano na iligtas ka no. Ang bigat mo kaya."-biro ko.
"Ang sama mo talaga! Inggit ka lang! At nag iingat naman ako sa pagtatalon ko kaya si ako mahuhulog. Tsaka ayoko din naman ng mapaligtas sayo noh. At advice lang, di dapat sinsabihan ang mga babae na mabigat. Kaya ka pala hindi pa nagkaka gf kasi sinasabihan mo ng mabigat. Langya ka talaga.!"
"San mo naman galing yan? Ikaw lang kaya sinasabihan kong mabigat. haha XD"
"Hindi ako mabigat! Sama mo talaga! Langya ka Drew! Hindi na kita ilalakad kay Svit. Ang ganda pa naman nun! Matuturn off lang yun sayo."
"Oi,, tama na nga yan. Dai, andyan na sila Erico, laro muna tayo! Bayaan mo dyan si kuya mag isa."-Jeo
"Hoy Jeo, palagi mo na lang nakakasama si Dai. Atska sya naman ang nag aya sakin na turuan ko sya kaya, umalis ka na."
"Tsk.tsk."-Dai
Lumingon kami kay Dai.
"Ano ba naman kayo! Baka ipa salvage na ako ng mga fangirls nyo. Baka makita nila na pinag aawayan nyo ako. Tsk. Ang haba talaga ng hair ko! Kahit di ako nag rejoice! Ang ganda ko naman masyadew. Nakaka flatter mats !"-pagmamayabang ni Dai sabay galaw ng buhok nya
Nagkatinginan kami ni Jeo.
"pfffttt..... FEELER!!! HAHAHAHA!!"- sabay pa kami ni Jeo.
"Ang sama nyo talagang magkapatid! Magsama kayo!"
Ayun, nag walk out.
Haha :D
"Aray ko po! Ansakeeet! Meghed!"
napalingon kami ni Jeo s kung sino man yun at......
"WAHAHAHAHA!! HAHA! NADAPA!!"- Jeo
"MAG WAWALK OUT NA NGA, PALPAK PA! HAHAHA Ayus yun Dai"- ako
"SABLAY KA TALAGA, DAI! :P HAHA!"- Jeo
Tumayo na sya.
"Sinadya ko yun, eh. Trip ko lang madapa. Hmp! Alis na ako.!"
-_-"<-- yan si Dai
Laptrip talaga tong si Dai!! Haha
Lakas ng trip nya. Buti at kami lang ni Jeo ang nkakita.
BINABASA MO ANG
AKO NA LANG? PLS?
Teen FictionDi nya ako kayang mahalin kasi 'di ako ang kapatid ko. Kahit ano pang gawin ko di na daw yun magbabago. Tsk. Tignan ko lang.