Dahil feel free to write here.. i am obliged to do so.. :) HUH?? SURE NA BA TALAGA AKO??
SAN KO BA NAPULOT ANG MGA SALITANG IYAN AT MAY PA ENGLISH-ENGLISH PA?.. :)
i would like to say thank you in advance sa gustong magbasa, sa ayaw bumasa, sa walang planong bumasa, sa hindi makabasa at walang time bumasa. :)
Hindi natin mapipilit ang isang tao na magustuhan tayo.. Kahit gaano ka pa kabait sa mata niya ikaw ay kunyaring nagbabait-baitan. gaano ka man ka ganda para sa kanya mukha ka pa ring bruha. Kaya wag mo ng ipagpilitan pa dahil ang mahalaga alam mo sa sarili mo kung sino at ano ka talaga.
Pero hindi talaga natin mapigilan ang mahulog sa ..
KANAL, kasama ang tao na iyong kinamumuhian pero unti-unting minamahal.
THE UNGENTLE WOMAN tamed by someone at ito ang tinatawag na kaTAPUSAN NG MUNDO sa dalawang 'to. ECHOS!! :P PATAY KANG LALAKI KA!! :]
[a/N:kilalanin na natin si Ms. Ungentle Woman ]
HER P.O.V
Nakakabanas! Shit lang talaga! Akalin niyong natulak ako ng isang babae dahil nag-away sila ‘nung boylet niya?
SHIT MEMENG!!!
Kung di lang umalis ang dalawang bwisit, I’m sure makakatikim sila sa masarap kong ugali.
Magsyota na walang kwenta! Masyadong PDA at pati pag-aaway ay sa daan pa ginawa. Akala siguro nila na pagmamay-ari nila ang daan, mga walang hiya!
ARRRGGGG!!!! Makita ko lang ulit pagmumukha nila, HAHAMBALUSIN ko talaga mga itsura nila na di pangTAO!“FUCK THEM BULLSHIT!!!”
“Miss Emanzano, DETENTION ROOM NOW!”
Oops! Nasa klase pala ako at ang mukhang asungot kong teacher ay namumula ang mukha sa sobrang tuwa sa sinabi ko. Yeah people, I shouted it.. The whole word in fact.
Sa sobrang tuwa niya ay pinapunta niya ako sa detention room. Bravo Maria Cleofhey Emanzano, a job well done! Ang saya saya ko , makakapagselfie na naman ako at makapagrest pa.
Tumayo ako at nag ngingiti ngiti pa ng may gumulong na ballpen sa paanan ko.
“Pakiabot naman ng precious ballpen ko Cleof. Alam mo naman na mahal ‘yan since it’s from Paris.” Si Lj ‘yan, ang bruhang feelingera. Mabara nga!
“PARIS? CANTON PARES?! BWAHAHA! You must be kidding Lj! Ang alam ko lang kasi na unique ‘yang ballpen mong tingnan sa labas. Ahemm! Beloved teacher and dearest classmates (pumunta ako sa harapan at napatingin sila sa akin) huwag nga kayong uto-uto. HBW ang ink nito.”
Nanlisik ang mata ni Lj at tumatawa naman ang mga kaklase ko.
“Ibigay mo nga sa akin ‘yan. Mahal pa yan sa buhay mo gaga!” -Lj
“Party people ! Gaga here and boba there! Dahil ako gaga, si Laarnie jen A.K.A Lj naman ay boba.!”
“Just give me my pen!”
“Ito?( sabay taas sa pen) ‘ika mo galing Paris to diba?”
“Slow! Should I repeat it again?” si Lj na galit.
“No! Ijust want to clarrify!” me
“Yup Paris! Palibhasa , hanggang Pilipinas lang ang alam mo!”
“Ah,ganun?!” BOGSH!!!” ako ‘yan at alam na..
“MORON! Why did you do that?!” Ang saya-saya ni Lj. Sa sobrang tuwa niya ay tinawag niya akong TORON rather MORON. May patayo-tayo pang nalalaman, tsk!
“Simply because, I’m A moron idiot . At saka gusto ko lang talaga masiguro kung galing Paris nga eh. So ayan classmates ha? Proven and tested na di galing Paris kung di China! Halatang peke kasing peke ng may-ari!”-ako
“YOU IDIOT BITCH! GET MY PEN AND REPLACE IT NOW!!!!” siya na sumisigaw.
“Wow Lj ha? Ako na nga ang nagtapon, ako pa ang kukuha? Ano ‘to multi-tasking ?? Baka nakalimutan mo na it’s your pen , edi ikaw kumuha! Dyan ka na nga! Padaan nga Maam.”“MISS MARIA CLEOFHEY EMANZANO, HINDI MO BA ALAM ANG GMRC?” SI Maam kung makadiin sa pangalan ko parang pinipilayan pati may-ari. Mabiro nga.
“kaano-anu po yan sa MTRCB at SPG? Joke!! Excuse me Maam but I really have to go now." Palabas na ako ng room ng nagsalita si Lj.
"You'll gonna pay for this!" sabi niya na pa english2x pa.
" Sure bruha! Magkano ba? PISO?! Oh yan!" kINuha ko kamay niya sabay bigay sa piso at umalis na ako. Kawawa naman siya no namamalimos ng piso.Palabas na ako ng gate ng sinita ako ni guard
"Miss, bawal lumabas during class hours" si guard.
"guard, hindi ka naman siguro inaabala ng mga paa ko.At saka paki mo ba sa class hours2x na yan? Kung gusto mong pumasok edi pumunta kana 'dun at ikaw na mag-aral!"
"Bastos kang bata ka ha?!" siya na napipikon.
" BASTOS ?! hahaha.. guard naman, paano ako naging bastos eh di naman ako nakahubad at lalong di ako porn pero alam mo guard.. (PATHRILL) Yung muka mo, pang porn!.. " nanlaki mata niya.
" ANONG SABI MO?! HAHAMPASIN NA TALAGA KITA!" At talagang tutuhanin na ni guard dahil akmang hahampasin na ako.
"OPPS! What i mean guard is that mukha kang porn combination ng POP at CORN. oh di ba porn? Putok na putok na kasi mukha mo eh at saka natanong mo na ba nanay mo kung tao ka talaga? JOKE LANG GUARD! ! TAWA DIN PAGMAY CHEESE NA 'YANG FACE-PORN MO.." HAHAMPASIN NA TALAGA KITA!" natawa ako sa face ni guard.
"hahaha.. namamaalam ka ba? Sure ka na ba guard na hahampasin mo ako? Alam mo, pag ginawa mo 'yan ikaw na naman 'yung babantayan." Nagtaka si guard dahil mas lalong pumangit 'yung mukha niya.
"What I mean, pulis na ang babantay sayo tapos nasa rehas kana dahil nakulong ka.
Magagalit ka sa akin at gusto mong maghiganti dahil may bad record ka na after ilang months or years makakalaya ka dahil mabait ka.
Di ba hinampas mo ako? So alam mo na buhay ako kasi masama akong damo at walang kabayo ang magkakamaling kumain sa akin.
Alam mo naman siguro ang kasabihan na: masamang damo, walang kabayo na kakain dahil nakakasama sa tiyan (Nagkunot noo niya). So 'yun nga dahil plano mong maghiganti, iispyin mo ako at babarilin syempre ako alert ako guard kasi i'm genius.
Babarilin din kita pero 'yung akin ay water gun alam mo kung bakit? Ayaw kung pumatay ng tao pero magbabasakali akong atakihin ka sa puso para kung bakasakaling magkita tayo sa kabilang buhay ..
Ikaw dretso imperno tas ako magmamakaawa kay san pedro at mangangako na magpapakabait 'dun. So kuya, ituloy mo na ang paghampas sa akin dahil excited na ako." Natatawa ako sa pagmumukha ni kuya guard akalain niyong nag-iba anyo. Stiff na stiff, robocop ata.
" bakit ka lalabas ?" tanong niya.
"Dahil ayokong pumasok kaya lalabas ako. Mahirap ba intindihin 'yun?! At saka kuya, inutusan ako ni Miss Kamandag na bumili ng kwek-kwek na may toppings na ube." Ako, mahilig sa lokohan.
" Bakit di mo sinabi na inutusan ka pala ni Miss kamandag?" Nagbrighten 'yung face niya. Aba, may gusto ata to kay miss kamandag. Kung sabagay makamandag nga ang kagandahan 'nun parang girl version ni zuma. Joke hindi siya green like zuma! Maganda siya parang avatar,blue kasi eh..
" Haler, satsat ka kaya ng satsat diyan."
" Pero may ganun bang kwek-kwek?"- SIYA.
" Siguro, pero hahagilapin ko pa. Pero kuya, ikaw ba ama ?"
" ama? Anu yun?"- Hay naku.
" AMA KUYA, PAARALAN 'YAN! AALIS NA AKO HA?" nabwibwiset na ako kay kuya.Paglabas ko ng gate, dumiretso ako sa lugar kung saan walang gulo, walang istorbo at higit sa lahat 'yung makapag-isa ako at maibuhos ko ang mga sakit na nasa puso ko. Akala niyo siguro na natutuwa ako sa mga pinaggagawa ko? Kung mamamatay siguro ako ngayon i'm sure, sa Impyerno ang bagsak ko sa sama ng ugali ko.
Namimiss ko na ang dating ako, 'yung masayahin at walang sinasaktan na tao. Malalaman niyo rin kung bakit.pagdating ko sa paborito kong lugar sumalubong sa akin ang sariwang hangin at sinalubong ko rin ang hangin ng sariwa kong mga luha.
Umakyat ako sa pinakadulo ng puno kung saan makikita ko ang bulaklak ni Aling Tina at ang mga punong mangga ni Mang Suelo. Ang ganda ng tanawin, nature lover kasi ako. Kaya madaling mawala ang mga sakit na nararamdaman ko. Sarap tingnan ng mga IBON, ANG SAYA-SAYA nila sa himpapawid.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may narinig akong nag-uusap.
" Alam mo tol, crush na crush ka ni Jeraldine." boy1
" Hahaha.. patawa ka tol, sayo na lang siya."habang nakikinig ako sa kanila na busy sa pagtanggi.. naisip ko lang, ano daw? may nagkagusto na nga at ayaw pa ha? sinilip ko mula sa taas kung sino ang nasa baba. Pero di ko makita pagmumukha nila eh, kayo ba naman sa taas kung makita nyo pagmumukha ng dalawang namumulabog sa kaharian ko. Di man lang nila na feel na nakaupo sa tronooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo..........
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOggggsh!!
[hanggang dito na lang, kayo na bahalang mag-isip kung bakit may boooooggggshh sa huli :)
joke lang po, i'll update it later, next week o baka next year ] hahaha. bad cheetah !!