Wala pong connection sa reality yung story ko, its all fictional. Pati po yung mga characters,ganun narin po yung mga scenes. TY
KUNG PANO IPRONNOUNCE YUNG COMPANY NAME, KATUNOG LANG PO NG PANGALAN NI HANNAH.
"""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""
Hannah's POV
"Hannah! Gising na! Anak gising"
Nagulat ako nung biglang may nagsisisigaw, akala ko kapatid ko,muntikan ko na tuloy masagot. Late na kasi ako natulog kagabi kaya eto, mala-princesa na 'kong nagising.
"Opo,eto na po"
Nakakatakot talagang sumigaw si Mama, to the point na kahit ang sarap ng tulog mo,mapapagising ka talaga. Naku! feeling ko nga buong Pilipinas nabulabog eh.Bumaba nalang ako at kumain, kahit buong kaluluwa ko ay nakahiga parin sa kama at natutulog.
"San ba ko magsisimula? Lord tulungan mo naman ako please"
Nakaligo at nakabihis na rin ako nun.
"Ang tagal naman ng jeep! slim naman ako ha! ayaw pa kong pasiksikin!"
Ah, hindi ko nga pala nasabi kung anong lakad ko......................maghahanap lang naman ako ng trabaho, tag-hirap pa naman ngayon. To be honest my dream is to be a fashion designer kaso lang natabunan ang pangarap kong yun dahil nagkaron ng financial problem simula ng kuhanin ni Lord and Papa ko.
Ayokong magmayabang pero sa dati kong school some treat me like a queen bee (weh?) aminado rin akong sikat na sikat ako, and take note not once but twice! Meron ding mga nagkakagusto sakin, pero wala akong nagustuhan ni isa. Exept one, siya ang first love ko, pero may gusto rin sa kanya ang pinakamatalino, pinakamabait at Anak ni Rizal kong kaibigan,kaya bilang isang dakilang kaibigan na walang ginawa kundi mangopya at magpalibre sa kanya ay nagpaubaya na sa kanya nalang ang 1st love ko.
Ang dami kong kwento (nasa jeep na pala ako) actually tatatlo na nga lang kaming mga pasahero eh.
"Lord, please give me a sign! baka tuluyan na kong mag hirap niyan!"
Yan lang yung paulit-ulit kong dinadasal yan din yung paulit-ulit na china-chant ng isip ko tuwing naghahanap ako ng trabaho and then-
"Achoo!"
Pesteng sipon yan! sabi ko sign hindi si-
"Sign!"
Nung pinupunasan ko yung nevermind, may nakita akong papel na lumanding sa lap ko at ang nakasulat-
H'nah
hshegcdbvvh vg hgcheufecucyeuch
sswhggggggggggggggsvhgxhgsxhh
EMPLOYEE
Lukot-lukot na yung papel, at ang tanging napansin ko lang ay yung company name at yung address , nung nakita ko yung word na employee ready to apply na agad ako. Yahoo!! Lord thank you! I love you! tinignan ko yung address at parang familiar naman sakin yun. Pumara na ko at bumaba, at grabeng "coincidence yan!" pag baba ko ng jeep andun na yung company, as in nasa harap ko talaga, di kaya destiny to?
Pumasok nalang ako sa loob, at nagulat ako sa sobrang laki! (hoy wag GM, jk) I mean ang ganda ng company! nagtatakbo ako dun sa sobrang saya hanggang-
"Aray"
Nadapa lang naman ako nakakahiya, at mas lalong nakakahiya nung nakita kong may dalawang empleyado na nagtawanan. Buti nalang at may lumapit saking anghel, napakaganda niya at ang bait niya kasi tinulungan niya ko sa pagtayo.
"Hi! ako nga pala si Haley! ano nga palang sadya mo dito? mag-aaply ka ba?"
"Ah oo eh"
Ginuide niya ako papunta sa office ng V.P, naghintay muna ako sa tapat ng office, habang nilalaro ko yung sapatos ko, at eto nanaman ang isa pang coincidence, nakita kong h'nah rin pala yung tatak ng sapatos ko.
"Bakit? bakit di ako nakuha?"
Nakita kong may babaeng lumabas galing sa office, at hanggang sa palabas na siya,patuloy parin niyang sinisisi ang sarili niya, siguro nag apply din to at di siya natanggap. Kinabahan tuloy ako!
"Kaya mo yan Hannah, para sa pamilya mo, nguso!"
Napatigil naman ako sa pagsasalita, when I found out na nagtitinginan na pala sakin yung ibang empleyado pati yung mga janitor, buti nga di sila tumawa eh. Nag sign of the cross muna ako bago ako pumasok sa loob, and then I entered.
To be continued.....