3:33 (revised)

10 1 0
                                    

Isinulat nina sheisfromyesterday at TheForbiddenLover

        Isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong lalaki sa ngayon… ngunit magbabago ang lahat ng ito sa isang iglap. Na parang isang kisap mata, mababago nito ang buhay ko…kung papaano ko haharapin ang babaeng twing 3:33 am lamang dumarating …

        Ako ay si Sei Furukawa at ikukuwento ko sa inyo ang aking mga naging malalagim at tila wala bang mabuting eksplanasyon para sa mga naging karanasan ko.

        Nagsimula ang lahat sa isang Facebook Chat. Pagbukas na pagbukas ko agad ng aking account sa Facebook ay agad na takaw pansin ang friend request na ito….

Blake B sent You a friend request Accept…Not Now….

            Hindi ko lamang ito pinansin saspagkat hindi ko naman siya kilala. Hindi ba sabi never talk to strangers? Subalit ang babaeng ito ay sobrang kulit! Ipakikita ko sa inyo ang mga naging mga pag-uusap namin simula sa unang araw na hindi ko siya inaacept.

*Unang Araw*                                                                                                                                                    3:33 am

Blake: Kamusta?

 Seen 3:34 am

*Ikalawang Araw*

3:33 am                                                                                                                                                            Blake:Hello po! xD

Seen 3:33 am

        Lumipas ang ilang araw ay muli niya nanaman akong kinulit…haaayst, nakakainis kaya. Hinidi ko siya kilala kaya naman hindi ko siya nerereplyan! Hindi niya ba gets yun!? I don’t talk to strangers….

*Ikalimang Araw*

3:33 am

Blake:            Awwww… wag naman pong snob. Limang araw na po kitang minememssage koya

Seen 3:35 am

 

*Ikapitong Araw*

3:33 am

Blake:seenzoned <//3

Seen 3:36 am

*Ikasampung araw*

3:33 am

Blake: Masakit pala maseenzoned! Owtsu! T^T

        Hindi ko na kinakaya ang pangungulit niya sakin sa lob ng 10 araw! Haaayst! Kaya naman habang ako’y nasa trabaho (nakikiwifi lang ako sa trabaho ko kasi) ay nireplyan ko na siya habang umaasa na sana ay tigilan niya na ako kung sakali mang mareplayan ko na siya.         

Me: What do you want from me!? Why do you keep on bothering me every 3:33 am in the morning? Sino ka ba?!

        Hindi niyo ba napansin? Na lagi nalang 3:33 am siya kung mag-online at magmessage sakin rito sa chat? Inantay ko siya kung anong isasagot niya. At isang kisap mata lamang ay agad itong nagreply. Hindi na nakapagtataka. Habulin kasi ako ng mga babae :P siyempre biro lang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3:33Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon