Kabanata 2

12 1 0
                                    

First day of school

Medyo marami na rin ang pumapasok sa school .

Andito ako ngayon sa labas ng gate at hinihintay ang bestfriend kong si Maxxine syempre sabay kming papasok.

Ang tagal naman njya malalate kami niyan sa first subject namin.

Sa bandang canopy may nagkakagulo hindi ko alam kung ano.

At dahil sa may pagkachismosa ako sinilip ko para malaman ko kung ano yung pinagtitilian nila.

Isang pamilyar na nakatalikod na lalaki ang nakita ko. Malapad ang likod at matangkad.

At nung humarap siya ay literal na napanganga ako.

Siya yung lalaki na nagtapon ng milktea sa damit koooo.  That jerk!

Hinding hindi ko siya makakalimutan.

"O andiyan ka lang pala. Sino bang tinitingnan mo diyan? " Maxx.

"Hindi mo ba siya naaalala? Siya yung bwiset na mayabang na feeling pogi na lalaking nagtapon ng milktea sa damit ko nung isang araw." Nanggagalaiti kong sabi sabay nguso.

"Ano ka ba ang gwapo kaya! Kaso walang manners." natatawa niyang sabi.

"Hindi ko alam na dito pala siya nagaaral."

"oo nga hindi rin kasi pamilyar yung mukha niya. Baka transferee lang siya dito."

"K. Sana lang e hindi magtagpo ang landas namin nakakakulo siya ng dugo. Grrr" at hinatak ko na siya papunta sa room namin.

Pagkapok namin sa room. Ang ingay!  Bulungan dito chismisan doon. Maya maya ay may biglang sumigaw.

"Guys may bago daw tayong kaklase! Transferee bali balita na sa buong classroom" nagsigawan naman ang lahat.

Syempre new face sikat nanaman pwera nalang kung maganda o gwapo.

"Sana pogi nakakasawa na kasi yung mga mukha ng kaklase natin." sabi ng isa sa gilid. At mukhang butete na binudburan ng asin. Nagtawanan naman ang lahat.

Hmm sino kaya ang bagong kaklase namin. Sana lang hindi siya.


~

Five votes to continue

One Last CryWhere stories live. Discover now