chapter 4

26 0 0
                                    

Tingnan mo nga ung ate mo kung buhay pa! Patay na ata eh! Tanghali na hindi pa gumigising! Kaya hindi tayo umaasenso dahil sa kamalasan niyan!


Nagising ako sa malakas na pagsigaw ng stepfather ko .. Iminulat ko ang aking mata.

Aish! eto nnman siya. sabi ko sa sarili ko ..

Bumangon na ako at sumandal sa headboard ng aking kama ..

Hanggang kelan kaya ako mkakatiis tumira dito sa bahay na to. Psh! si mama naman kc eh! maghahanap na nga lang ng ipapalit kay dadi un pang mapagmura na un ang napili! Maganda naman si mama pero ewan ko ba kung anong nkita nya sa taong un ..

Tok! Tok! Tok! .. ate gising ka na daw sabi ni papa .. sabi ng kapatid ko ..

Tinitigan ko lang ang pinto ng kwarto ko .. Ayoko sanang lumabas hanggat anjan pa ang tatay ng mga kapatid ko .. Panigurado mumurahin nnman ako nun sa harap ng hapag kainan ..


Oo .. tama kayo ng pagkabasa .. tatay siya ng mga kapatid ko .. Anak kasi ako sa pagkadalaga ni mama .. Pinaghiwalay si mama at dadi nun kasi mga bata pa daw sila .. Lumaki ako na stepfather ko ang nakagisnan kong tatay .. May ibang pamilya rin ang stepfather ko ..


Pangalawa lang si mama .. Oh! hindi siya kabit ha?? second wife siya .. muslim kasi ang stepfather ko ..

Nung lumaki nalang ako tsaka ko nlang nalaman mismo kay mama na .. hindi niya pla alam na may asawang una ang stepfather ko .. sabi daw kasi sknya binata ung stepfather ko .. Nalaman nalang niyang may una palang asawa ung stepfather ko nung nabuntis na siya .. at ung kapatid ko ngang lalaki ang naging bunga ..


Inalala ni mama ung kapatid ko .. magiging bastardo daw ang labas nito pag hindi sila kasal ng stepfather ko ..  Dahil nga hindi pwdeng ikasal pa ulit ang isang lalaki .. Nagpaconvert ang stepfather ko .. from catholic to islam ..


In short naging legal kahit papano ang pagsasama nila ..

Pero sabi nga nila .. hindi pwedeng puro saya nalang ..

Nalaman ng first family nung stepfather ko ang tungkol sa amin .. and as expected .... inaway kami ng buong family nila ..

Nasubukan ko pa na ... kapag ngbabakasyon kami sa lupain ng stepfather ko .. at dumarating ang mga kapatid niya o di kaya ung mga anak niya sa una eh tinatago niya kami sa loob ng cabinet .. kaming dalawa ng kapatid kong lalaki .. o di kaya sa loob ng bodega na maraming nkakatakot na daga at ipis ..

Walang makapagtanggol sa amin kasi laging naiiwan si mama sa bahay ... kabilin bilinan kasi na wag na wag siyang pupunta sa lupain ng stepfather ko .. baka makita siya ng asawa ng stepfather ko at hindi na raw siya makauwi ng buhay ..

Lumalaki kami na puro pagtitiis nalang ang ginagawa .. hindi namin siya makasama ng pasko at bagong taon ... pati narin birthdays at ibat iba pang mga special na okasyon ..

Hindi nman kmi pwedeng magreklamo kasi nga wala rin naman kaming mgagawa ..

Inggit na inggit ako sa mga nkikita ko sa park na isang buong pamilya kung mamasyal ... pati sa pagkain sa labas .. buong buo sila at ang sasaya nila .. oo may nkikita akong tatay ko .. pero alam mo ung pakiramdam ng isang taong may hinahanap pa sa pagkatao niya??


Bata palang ako pkiramdam ko ng may kulang sakin .. hindi physically kundi emotionally ..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Love Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon