Chapter 1

17 2 0
                                    

[Koda]

Pikit ang isang mata, pigil ang hininga habang sinisipat kong maigi ang target gamit ang palaso. Plano kong mag nilaga ng kuneho mamaya dahil unti unti ng lumalamig ang panahon ngayon.

Sa hindi kalayuan ay naruon ang maingay na biik. Inginungudngod nito ang nguso sa lupa. Nag hahanap ng makakain.

Diniinan ko ang trigger ng hawak na baril na pana. Sapul!

"Haha! Ayus!" Tuwang umayos ako ng upo mula sa pagkaka dapa sa makapal na sanga ng punong tinataguan. Binagsak ko ang hawak na bagay. Palambiting bumaba ng puno. Masayang tinakbo ang napatay na kuneho.

"Ayos. Mataba ang isang ito." Sinipat ko ang puting kunehong napatay. Umaagos ang dugo niyon mula sa panang lampansang tumagos sa katawan nito.

"Forky uuwi na tayo." Naka ngiting nilingon ko ang alagang biik.

Nag ingay ang biik. Patuloy ito sa ginagawa sa lupa. Mula sa tagiliran ay kinuha ko ang panali nito at ikinabit iyon sa suot nitong collar na gawa sa abaka. Hila hila ang biik na tinungo namin ni Forky ang lab ko. Isa iyung yungib. May bunton ng dayami roon, sinapinan ko ng kumot para maging tulugan. Dalawang estante na kinalalagyan ng aking mga imbensyon. Sa mesa ay naroon ang isang proyektong hindi pa tapos.

Isinama ko ang hawak na kuneho sa apat pang naroon. Itinaling maigi saka ikinawit sa aking baston. Isinampay sa balikat.

Maghapon na akong wala sa bahay. Tyak na nag aalala na si Lola lalo pa't papalubog na ang araw.

"Kailangan nating mag madali Forky." Binuhat ko ang alaga para mapadali. Mabilis na tumakbo. Nasa gawing timog ng kagubatan ang bahay na tinitirhan. Malayo sa kuta ng mga kasamahang lobo.

Malayo palang ay naamoy ko na ang nililito ni Lola sa dampa nito. Umaalingasaw ang amoy ng luyang dilaw.

Ibinaba ko ang biik sa tabi ng dampa saka umakyat sa iilang baitang ng hagdan.

"Lola. Naka balik na ako." Imporma ko sa matandang naka harap sa niluluto nito.

"Ang bango." Inilagay ko sa lababo ang mga kuneho. Lumaki ang mga mata ko ng makita ang naka salang sa kugon. Karne na may gulay at dilaw na sarsa.

"Niluto ko ang paborito mo." Sigi sa pag halo si Lola Raffa. Sumandok ito ng sarsa, nilagay sa isang saucer saka tumikim.

"Ayos na ito."

Sa narinig ay lalong nanubig ang bibig ko.

"Mapapa rami ang kain ko nito mamaya." Tumikim rin ako. Ang sarap! Naiiwan sa bibig ko ang umami ng karne, luyang dilaw at iba pang pampalasa.

"Hindi ka makaka kain hanggat hindi ka nag lilinis. Amoy dugo ka." Hininaan nito ang apoy sa pamamagitan ng pag babawas ng gatong.

Inamoy ko ang sarili at napa ngiwi. Ang baho ko na nga.

"Lilinisin ko po muna ang mga kuneho." Tinungo ko ang lababo. Inumpisahan ang pag lilinis.

Si Lola Raffa naman ay tinungo ang upuang tumba tumba nito. Ipinag patuloy ang panggagansilyo.

Nang malinis ang mga kuneho ay inilagay ko ang mga ito sa isang banga. Tinakpan ng maigi matapos lagyan ng asin saka lumabas at ibinaon iyon sa lupa kasama ng iba pang uri ng hayop na ibinuburo.

May balon sa gilid. Sumalok ako roon at dinala sa aking tree house. Pag akyat roon ay unang bubungad sa iyo ang lumang paliguan. Isang upuan at bilog na mesa na nasa gilid ng hamba. Ilang hakbang lang ay naruon na ang aking pinto papasok sa aking silid.

Pinuno ko ang paliguan. Sinindihan ang mga lampara. Isa isang hinubad ang mga saplot sa katawan bago lumusong sa malamig na tubig.

Grrr. Tiis tiis ang lamig inumpisahan ko na ang pag sasabon at pag hihilod. Ayoko talagang maliligo minsan dito sa paliguan. Mas gusto ko roon sa may talon. Inirerelaks ng bugso ng tubig ang mga kalamnan ko.

Inilubog ko ang buong katawan sa tubig upang pawiin ang mga bula. Sinalat ang sarili para masigurong wala nang sabon sa bawat sulok ng katawan. Habol ko ang hininga ng tumayo inabot ang isang timbang tubig at ibinuhos sa sarili.

Shit. Nangangaligkig sa lamig na itinagilid ko ang paliguan. Dumausdos pababa ang tubig. Dali dali akong pumasok ng silid para mag bihis. Humarap ako sa salamin saka muling nilagyan ng pulang guhit ang magka bilang pisngi mula sa ibaba ng mata hanggang panga. Gayundin sa nuo. Ginagawa ko ito upang hindi lapitan ng masasamang espirito. Kumuha rin ako ng panibagong kapa upang panlaban sa lamig.

"Lola." Nag hahain na ang matanda pag pasok ko.

"Tamang tama ang dating mo. At padating na rin sila." Tukoy nito sa Ama at kakambal.

Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto.
Dumating na ang aming hinihintay.

"Ama. Koga." Bati ko sa dalawang dating.

Si Ama ay isang Mu (piece keeper) at si Koga naman, Delta (messenger).

Dumulog kaming lahat sa lapag. Nag umpisang kumain.

"Siya nga pala, Lola." May ibinigay na balumbon na papel si Koga kay Lola Raffa.
"Imbitasyon mula kay Alpha."

Patuloy ako sa pagkain ngunit nakikinig.

"Imbitasyon?" Binuklat ni Lola ang hawak.
"Paanyaya para sa isang salu-salo. Ah, kaarawan ng Elder na si Sethi. At kasama ang Lotus pack."

Tumango si Koga.
"Oo. Inimbitahan ni Elder Sethi ang kaibigan nya na taga roon. Kailangan daw na kumpleto ang miyembro--"

"Oh. Kumpleto naman kayo ah." Itinabi ni Lola ang papel. Kumain.

Ngumiti ng may pag mamalaki si Koga.
"Hindi kumpleto ang Elders kung wala kayo."

Nagka tinginan kami ni Ama. Parehong pigil namin ang pagtawa.

Si Lola, hindi lang sya isa sa mga Elders, isa rin siyang Shaman. Mabibilang sa daliri ang pack na may Shaman. At swerte ang River Ash Pack dahil mayroon silang tulad ni Lola. Ngunit naputol iyon pag dating sa amin ni Koga. Walang isa man sa amin ang nag tataglay ng talento ni Lola Raffa.

Kapag tinitingan ko silang tatlo hindi ko maiwasang bumaba ang tingin sa sarili ko. Hindi sa wala akong kakayahan. Sina Ama at Koga, tinuruan nila ako kung paano lumaban at protektahan ang sarili. Si Lola naman, ipinasa sa akin ang kaalaman sa mga sinaunang panggagamot. Saka aanhin ang herbalist ngayon kung may mahusay at beterano nang doktor sa pack, hindi ba?

Pero sabi nga ni Lola, espesyal ako.

"Oh, Koda. Magpaganda ka bukas ah? Bente kwatro kana. Panahon na para mag asawa." Si Koga sa akin.

Kagat ang kutsara na sinamaan ko ito ng tingin.
"Ama, si Koga oh!" Sa tuwing mag gaganaping salu-salo na lang.

"Tama si Koga. Itong kapatid mo, lalaki. Ayus lang kung mahuli itong mahanap ang kapareha. Eh ikaw?"

Napa labi na lang ako sa sinabi ni Ama.

Ah! Kung sana ay buhay pa si Ina.

The Alpha's Incomparable MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon