Part 1

15 0 0
                                    

Kakatapos ko lamang basahin ang lovestory nina France at Greg sa wattpad na may pamagat na " Kaya mo bang mahalin ang isang tulad ko"

Hays..

Isa na namang bakla ang marupok at nagpa sakop sa mapait na mundo ng pagibig.

True story daw, pero parang nangangarap lang naman yung bidang bakla sa storya

Walang lalaki ang kayang magmahal ng tapat sa bakla, walang ganun!yan ang motto ko sa buhay

Masakit man isipin pero kelangan tanggapin na ang lalaki ay para sa babae, hindi lalaki ay sa lalaki din!

At dahil napakabitter ko na naman ay napag desisyonan kong maligo at pumunta ng plaza

Mahirap nang lagi sa bahay, mukha na akong bampira na may anemia, kelngan ko nang maarawan para maging masustansya. Di na nga nadidiligan, di pa naarawan

zombie ka bes?!

At dali-dali akong naligo at nagbihis ng paborito kong damit para magmukha naman akong tao.

Sunday pala ngayon,apakadaming tao naman sa plaza! Buti nalang plakado ang makeup ko ngayon, kaya feel ko ang paglakad sa mala concert na tao ngayon sa plaza.

Pagkatapos kong mag simba, umupo ako sa may damuhan habang kumakain ng paborito kong chichirya..

Habang sarap na sarap na ako sa pagkain, feeling ko may isang taong nakatingin sakin sa paligid.

siguro ang ganda ko today?at dahil nagmamaganda ako ay liningon ko yung lalaking kanina pa ako tinitingnan

Yes sir, do i know you? nagmamagandang tanong ko sa lalaki

Pero parang walang narining ang lalaki,

nagulat na lamang ako ng bigla itong tumayo ng dahan dahan na may sukbit na mahabang stick sa kamay

Taenya! Bulag pala ang lalaking panay pang titig sakin!

Kaya pala,

Kala ko pa naman may nabudol nang lalaki sa kagandahan ko. At dahil sa inis, ay agad akong tumayo at umuwi na lang sa bahay.

Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, unti-unting pumapatak ang mga luha sa mata ko.

Ang pangit pangit mo talaga Rose-

Roosevelt Cariño pala ang real name ng betla " Rose " nalang for short para mabango naman pakinggan.23 na ako ngayon at NBSB, No boyfriend since birth and til death na ata.

Habang naghihintay ako tawagan ng mga inaapplyan kong trabaho ay tumutulong muna ako sa business ng nga magulang ko

Mahirap ng walang trabho, wala na ngang lovelife, wala pang pera! Hahaha..

At dahil 23 years old na si france,tigang at di pa nagkaka lovelife ay papasukin agad natin sa storya ang lalaking magpapabago sa pananaw nya sa pagibig. Makikilala nyo na si John Kaizer Lopez ang magdidilig at magpapa buhay sa lantang bulaklak ni Rose.

Abangan.

ROSE among the thornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon