Payong

43 2 0
                                    

<Her side>

Hi? My name's Irish... Irish Mendoza :)

Guys, I want you to meet my ultimate crush....

Si SKY DREY CORTEZ, ang langit ng buhay ko ^_^

Kung tatanungin nyo ako kung kailan ako titigil sa kabaliwan ko sa kanya? Ang sagot dyan ay NEVER!!!!!!! 'coz I believe in the saying that:

"SKY is the limit.... coz SKY is my langit" <3

Oo, Mahal ko sya................. dati pa, matagal-tagal na rin... siguro since birth pa. XD

lol adik lang pero di lang halata, or I should say hindi ko pinapahalata. Yeah I'm that kind of stalker na alam na yata lahat ang tungkol sa kanya.

Is that creepy?

I think so, kaya nga patago ko syang minamahal eh. OK na ako sa patingin-tingin lang, nakaw pics tapos tsaka ko pagnanasahan sa gabi bago matulog hahaha

Call me whatever you want: malandi, ilusyonada, OA.... I don't care basta wag nyo lang mamaliitin ang love ko para sa kanya. I'll do everything for him, aalagaan ko sya at babantayan kahit sa malayo ako, kahit di nya napapansin, kahit di nya alam na may Irish pala na nag-eexist sa mundong ginagalawan nya....... basta nandito lang ako para sa kanya.

<His side>

Pagbukas ko ng locker ko may payong na nakalagay dun at may kasamang sticky note.

"Sabi ni kuya Kim kagabi uulan daw ngayong araw so naisip ko baka wala kang payong? Kaya ayan gamitin mo na, ayokong magkasakit ka eh.... yun lang, ingat sa pag-uwi ha?
~admirer ni Sky"

Hahaha ok natawa naman daw ako dun, dinamay pa si kuya Kim eh, sino kaya to? Kahapon naman pagka-open ko ng locker may lunch box sa loob... nung isang araw ang nakalagay eh jacket kasi daw malamig. Haay gustong-gusto ko na sya makilala, nag-iwan ako ng note din dun para mabasa nya kung sino man sya :)

Kinabukasan....

<Her side>

OK kenekeleg ang lola nyo haha nabasa ko yung note nya:

"Hi ulit, ikaw na naman ah... nga pala thank u sa effort mo, I appreciate it... pwede ka na ba magpakilala sakin ngayon? :)"

Bigla ako kinabahan, hindi pa ako ready eh.... magpapakilala na ba ako? What if ma-reject ako? Kasi naman eh ...LANGIT sya, lupa ako.... di ako yung type nya for sure.

Nag-iwan na lang ulit ako ng payong sa locker nya at note saka ako umalis ng biglang makasalubong ko si Sky. Halos mapalundag ako sa gulat, bumilis ang tibok ng puso ko, napalunok, pinagpapawisan na ako sa kinatatayuan ko. Shems? Nakita nya kaya akong naglagay ng payong? Teka ano gagawin ko???

"Uhmm...." OMG walang lumalabas sa bibig ko, hindi ako makapag-isip ng maayos, idagdag mo pa ang kagwapuhan nya kaya eto speechless... nilagpasan ko na lang sya at mabilis na naglakad palayo nang biglang hawakan nya kamay ko, napatigil ako, napalunok, ayokong tumingin sa kanya dahil nakaka-inlove mga mata nya.

"Teka... Irish" wait.... alam nya pangalan ko? Kilala nya ako? Waaah help!!! Palakas ng palakas kabog ng dibdib ko habang unti-unting lumilingon sa kanya...

"Ikaw ba.... yung......."

*krrrrriiing kkrrrriing*

...tumunog yung phone nya, nag-excuse syang umalis kaya naman hindi nya na tinuloy yung sasabihin nya sana. Alam na kaya nya? Yun kaya yung itatanong nya? Kung ganun I'm saved.

<His side>

Nagulat ako nung makita ko si Irish palabas ng boy's locker room. Ano kaya ginagawa nya dun? Nagulat din sya nung nagkasalubong kami eh. Hindi naman kaya sya yung admirer ko? Gusto ko sya tanungin pero nahihiya ako.... di kasi kami close eh, baka sungitan nya lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Payong (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon