Chapter 2

27 1 0
                                    

Eto first day ko ngayon dito sa new school ko. Medyo kabado na excited nararamdaman ko ngayon? Hayy. At kasalukuyang hinahanap ko pa to si Coleen..

Si Coleen close friend ko sya Simula nung elem hanggang Highschool. Lagi kami magkasama, nagkahiwalay lang talaga kami ngayong college. Siguro dahil busy din? Medyo nawala na communication namin nun. Para kasi kaming magbestfriend dati sabi ng iba. Anyare kaya ngayon don? Hmm.

Siya nalang talaga inaasahan ko dito na tutulong, siya lang kasi kakilala ko dito sa Academy na to. Tapos di pa nya sinasagot mga tawag ko sakanya. Hayyyst!

Phone rings.

Coleen: Ohh hi Trish! Nasan ka na ba?

Trish: Dito ko sa may library kunwari nagbabasa. Sunduin mo ko dito please please? Baka Malate nako..

Coleen: Nakakatawa ka naman! Hahaha di kapadin nagbabago osya, punta ko dyan after 5minutes okay?

Trish: Okay asahan ko yan ah? Bye!

Ano ba yan. After 5 minutes pa daw oh? Tagal naman nun. So, 5 minutes pa ko dito sa Library magkukunwarian magbasa?! :( Nako naman Trish! Makapagbasa na nga ng matino ahh..

After 5 minutes

" Hi Trish! Tara na ba? " Coleen said.

" Haaaaaa.. eh di pa nga ko ready kinakabahan pa ko. Mukang antataray ng mga estudyante dito! "

Sabay hinatak nako ni Coleen at hinanap ko na yung room ko. At sa wakas na hanap ko din! Namin pala.

Coleen: Uyyy sorry talaga kelangan ko ng mauna ha? Iwan na kita sa room mo. Text mo nalang ako Pag may kailangan ka. Byee! (Sabay takbo na nagmamadali)

Grabe. Antataray ata at ang susuplado ng mga tao dito, ni wala manlang atang friendly na bigla kang kukuwitin at sabay magpapakilala sayo. Ganun sa school ko dati e, kaya madali ko sila agad nakaclose. Ehh dito mukang mahirap. Hayyy!

Biglang may pumasok sa pinto at umupo sa tabi ko. Bang!

"Araaaaay ang sakit!"

"Okay kalang kuya? Hahaha! Tulungan na kaya kita? Sa susunod kasi mag iingat ng Hindi nahuhulog sa upuan."

" I'm fine! Thanks"

Taray naman nito ni Kuya oh! Sya na nga tutulungan tinanggihan pa. Pabulong kong sinabi..

Okaaaay. Enough! Andyan na prof namin! Waaaaaahhh. Kabado woooh kaya yan Trish!

Okay class. Since this is the first day of school, alam nyo na gagawin natin. Magpapakilala kayo isa isa, but BTW I'm professor Edward Felipe. Simulan na natin class sa dulo, para maiba naman.

Nako po Trish! Sa dulo kapamandin kabado nanaman!

" Hi I'm Naomi Leonelle Aquino. You can call me Nami. I hope that all of us will be close!"

Sunod nako huhu tatayo ba talaga pwde bang nakaupo nalang, nako nako!

" Hello po.. I'm Patricia Johanna Cortez. You can call me Pat, Trish, PJ, Ana. Kahit ano po basta related sa pangalan ko! But I prefer to call me Trish :) Yun lang po! Hehe."

Haysssst salamat natapos din ang aking speech lol!

" Hi. I'm Tristan Ace Ortega.."

Yun pala pangalan ni Koyang nahulog sa upuan kanina. Hahaa. Gusto ko magsorry kasi pinagtawanan ko sya kanina e. Hmmmm. Bulong ko sa sarili ko.

" we all know you Mr. Ortega! You are the son of the school principal right?"

" ahhh. opo prof. "

Trish POV

So ayun, buong araw lang naman kami nagpakilala. Wala masyadong ginawa. Haaaaayy. Miss ko na mga kaklase ko sa luma kong school!

*phone rings*

Me: Ohhh bat ka napatawag?

Coleen: Kain tayo sa labas! Maaga uwian namin eh.

Me: Anong oras? Ngayon na?

Coleen: Yeeeep! Dali na sunduin kita dyan.

Me: Sige na nga tamang tama wala na kaming klase.

Coleen: okay byeeeee! See yah later.

Hayssst. Masaya ba dito sa school na to? Nabobored nako e. Tagal naman ako sunduin ni Coleen ohhhh?

" Trisssssshhhh!!! Taraaaa na!! "

Dali dali kaming tumakbo ni Coleen palabas ng Academy. Gutom nadaw sya e. Walking distance lang dito ang mall kaya maglalakad nalang daw kami.

" San ba tayo kakain Coleen?"

"Kahit saan! Vikings kaya?"

Pumunta kami sa Vikings. Ayun yung ngiti ni Coleen pagpasok eh abot langit, gutom na daw sya e.

Umorder nadin kami, tas naghanap ng mauupuan.. At habang naghihintay, nagkwentuhan muna kami ni Coleen.

" So, trish kwento kanaman ng nangyari ngayong first day mo?"

" Masaya naman. Hahahaha pagkapasok ko pa nga lang sa room napatawa na agad ako eh pano ba naman kasi!"

" Ohhhh bakit? Hahaha kwento!"

" Nahulog kasi sa upuan yung katabi ko akala nya late na sya eh. Tristan ata name nun? Hahahaha idk! "

" omyyyyy!! Tristan Ortega? "

" Oo! Yun nga. Bakit?"

" Sikat yun dito sa Academy! Anak sya ng Principal, halos mga kablockmates ko may gusto dun sa lalaking yun."

" Ahhh. Oo nga sabi ng Prof naming anak daw yun ng principal. "

" Nako! Mainggit pala mga kablockmates ko. "

" HAHAHAHA Nahulog nga yun sa upuan, edi bawas pogi points yun? haha. "

" Hahaha! Naman. Atleast gwapo padin diba?"

" Nye! Bahala ka nga Coleen. Hahaha. Ikaw naman tanungin ko, kamusta first day mo? "

"So far so good!"

" Miss eto na po order nyo. " sabi nung waiter.

"Thanks"

At ayun. Kumain na muna kami ni Coleen. At umuwi nadin kami agad kasi nung chineck ko phone ko it's almost 8pm na pala. Di namin namalayan oras..

I hope you enjoy reading chapter 2! :)) please leave comments and vote :) thank you!

Being Worth the WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon