Prologue

6 2 6
                                    

Malalim na ang gabi sa St. Luciana Villa.

Nagpapalinga sa paligid ang binata na si Alex na parang may hinahanap.

Nang makumpirma niya na walang katao-tao ay mabilis siyang tumakbo sa pinakadulo ng kanilang lugar.

Malapit sa mataas na pader na nakapalibot sa St. Luciana Villa.

Masaya siya dahil makakatagpo na niya ang kanyang kasintahan.

Lumusot siya sa mga barbwire at pumasok sa masukal na  mga halaman.

Tiningnan niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe.

'Nandito na ako babe.'

'Wait for me there okay? Malapit na ako.' reply naman nito kaagad.

Pagkatapos ay matiyaga siyang naghintay. Nasasabik na siyang makita ang dalaga. Dahil ito ang una nilang pagkikita mula noong naging sila.

Magdadalawang buwan pa lang sila pero nakita naman niya nito sa mga pictures na isinisend ng dalaga. Kaya sobrang saya niya nang nag-text ang dalaga na si Jane sa kanya na magkikita sila dito ngayong gabi.

Habang naglalakad siya palapit sa matayog na pader, ay bigla siyang nadapa.

Bumagsak siya sa lupa at parang may malapot na bagay siyang nahawakan. At dahil hawak niya parin ang kanyang cellphone ay nakita niya ang preskong dugo na umaagos sa kamay niya.

Tumayo siya at inilawan ang puwesto niya kanina.

Doon na siya nagimbal habang umaatras...

Si Jane ay nakahandusay na sa lupa at wala nang buhay!

Ipinikit niya ang kanyang mga mata umaasa na kathang-isip o guni-guni niya lang iyon...

Magmumulat na sana siya nang may tumakip sa mata niya at bumulong.

"Hulaan mo..." mahinhin na sabi ng isang babae. Sa tono palang nito ay kilalang-kilala niya na.

"Bakit mo naman tinatakpan ang mata ko? Hindi ko tuloy makita ang ganda mo..." reklamo ng binata sa nobya.

Lilingon na sana siya pero pinigilan siya ni Jane.

"Don't move." madiing sabi niya.

"Why? Anong problema? Kung tungkol ito sa hitsura mo, sinabi ko ba naman sayo di ba? Wala akong pakialam kung hindi ka naman kagandahan dahil tanggap kita. You know that Jane. I love you, so don't be afraid okay?" pakiusap niya sa dalaga kaya unti-unti siyang pinakawalan sa pagkakatakip sa mga mata niya.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at akmang lilingon na sa dalaga nang...

"Rrrrrrrrr..."

"Gutom ka na ba Jane? Parang nakalimutan mo yatang kumain nang dahil excited kang makita ako." biro niya sa nobya.

"Oo. Gutom na nga ako. Puwedeng ikaw na lang ang kainin ko?" parang nanunukso ang tinig ng dalaga kaya hindi mapigilan ni Alex ang tumawa ng mahina.

"Ay. Bad yan babe ha... Wag mo akong subukan baka ikaw ang unang kainin ko... pero kung iyan ang gusto mo..." liningon niya ang dalaga at...

"Aaaargh! Shit!" daing ni Alex Nang bigla siyang sinunggaban ng isang halimaw.

May matulis na kuko na parang oso. May matatalim na ngipin kung saan naghahalo ang laway ng halimaw at ang kanyang sariling dugo.

Dinambahan muli siya ng halimaw sa leeg.

Nang naramdaman na niyang malapit na siyang mamatay ay may narinig siyang mga tinig.

"The experiment is successful Doc."

"Good then. We need to prepare our lab rats for the next test. We must not fail at all cause."

"Noted. Doc."

***

Subjects X, Y, Z Where stories live. Discover now