Prologue

18 1 0
                                    

I don't know . I really don't know what to do. Seeing you happy with someone else it's tearing me apart. Alam ko naman na darating yung araw na magmamahal ka ng iba pero hindi ko alam na magiging ganto to kasakit.  Umasa kase ako na ako parin na sana tayo parin pero sino bang niloko ko?  Na pagkatapos kitang saktan, pagkatapos kitang pag hintayin ay ako parin. Mukha ka namang masaya sa kanya proud na proud ka sa kanya e' siguro mahal mo talaga sya.

  2years ago nung nakipag hiwalay ako sayo sinabi ko na makakahanap karin ng tao na magmamahal sayo ng buong buo, yung kaya kang ipaglaban, yung kaya kang ipagmalaki, yung taong hindi ka sasaktan.  Kase hindi ko nakita yung sarili ko na magiging perfect girlfriend ako para sayo. Na baka masaktan lang kita na hindi ako yung taong worth it para sayo.

  Pero antanga ko no? Kase ngayon hinihiling ko na sana ako nalang yung babaeng mamahalin ka ng buo, yung babaeng worth it para sayo. Pero hindi na e' hindi na pwede.  Napaka imposible na non ' masaya kana sa kanya anong karapatan ko para guluhin ka pa Anong karapatan ko na agawin ang kasiyahan mo? When in the first place walang dapat sisihin dito kung hindi ako.  Ako yung umalis, ako yung nang iwan ako yung nanakit. Ako yung sumuko at hindi ka nagawang ipaglaban.

Kung sumugal kaya ako non? Kung naging matapang ako para ipaglaban ka. May tayo parin kaya?  Masaya kaya tayo ngayon? Makikita ko kaya yung mga ngiti mo kagaya ng nakikita ko ngayon?

Kung sinabi ko ba ang salitang mahal kita. Ako parin ba ang pipiliin mo?

I remember how many times na tinanong mo sakin yan noon pero puro kasinungalingan lang ang sinasagot ko na.

Hindi kita mahal

Natakot kase ako. Natatakot ako na baka

Baka niloloko mo lang ako.

Natakot akong sumugal

Kaya siguro eto parin ako sa isang madilim na sulok.  Umaasa na baka ako parin

Ang hirap lumimot, ang hirap mong kalimutan siguro karma ko na ito

Sa nagawa kong pananakit sayo

Pero gusto kong sabihin sayo na masaya ako kase nakilala mo sya.  Masaya ako na masaya ka kahit hindi na sakin sana hindi ka nya saktan, sana mahalin ka nya at wag sukuan

Mahal na mahal kita sobra.

Nagmamahal,
Eina

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sir, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon