"Nak, gising na," agad kong minulat ang mga mata ko, kahit antok na antok pa "ayan kasi puyat pa more!" Agad akong tumawa kay mommy dahil na-a-adapt niya na ang mga salita sa mga kapitbahay namin. "Mag-ayos ka na dahil ihahatid kita sa school niyo." Agad akong umiling sa sinabi ni mommy,
"'Wag na my, mapapagod lang kayo at hindi na ako bata para ihatid hatid my." Talaga 'tong si mommy, hanggang ngayon bine-baby niya pa rin ako. I'm turning 18 next next month kaya ang awkward pag bine-baby niya pa ako haha.
"Hindi naman sa ganoon nak, I'm just worried." Nabasa ko ang pag-alala sa mata ni mom nang sabihin niya iyon. Agad akong ngumiti at tumayo sa higaan at niyakap siya "Don't worry lage my, si Kuya na lang maghatid sa akin. Pupunta rin naman siya sa work niya kaya sasabay na ako." kumalas na ako sa yakap at kinuha ang gamit at damit na susuotin ko. 1st year college na ako at Arkitektura ang kinuha kong kurso, ngayon ang pasukan namin at naintindihan ko kung bakit gusto ni mom na ihatid ako dahil isa na talaga akong ganap na kolehiyo. Espesyal para kay mommy ang pagtungtung ko ng college dahil ako ang bunso at isa na rin ang dahilan ay eto ang gusto ni daddy bago siya mawala, agad naman akong napahinto sa pagkuha sa uniporme nang maalala ko si dad, I miss him so much. So... much. Gumapang nanaman ang lungkot sa sistema ko kaya pilit ko etong inaalis, napansin naman ni mommy ang paghinto ko kaya lumapit eto sa'kin at tinahan ako. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.
"Shhh, tahan na anak. Sabi ko sa'yo na ayaw ng daddy mo na umiiyak ka. Unang pasok mo 'to sa kolehiyo kaya dapat happy ka. I know your Dad is so happy right now, so dapat ikaw din." Lagi na lang ganto, lagi na lang akong tinatahan ni mom. Napakasakit pa rin ang nangyari, 3 years na ang nakalipas simula nang mawala si dad pero yung sakit parang ang sariwa pa rin. Imbes mabawasan sa nagdaang taon ay tila parang hindi nawala.
Isang kilalang abogado ang tatay ko, at napakahirap ng trabahong abogado dahil katulad ni dad ay minsan nadedepensa niya ang mga dapat ay mali. Kaya nung oras na pinili siya para dumepensa, ay nanalo sila. Nasa tama siya dahil biktima ang denedepensahan niya, ang kaso ay sa sobrang galit ng may sala ay pinapatay niya si Dad, madaming tama ng baril si Dad at hindi na siya binuhay neto. Ilang buwan pa namin ipinaglaban ang kaso dahil walang nakakalam kung sino ang pumatay nun, abogado din kasi si Kuya Renz ang panganay saming apat na magkakapatid at siya ang humawak sa kaso. Nakamit din namin ang hustisya, at napakulong ang may sala.Nagbadya nanaman ang luha ko kaya agad ko etong pinigilan, "Sorry talaga My, hindi ko lang mapigilan. I love you my!" Niyakap ko siya ng mahigpit ng mahigpit. "I love you too, Shine. Sige na, kumilos ka na."
Minadali ko ang galaw ko at bumaba na para kumain, kompleto na sila sa hapag ng bumaba ako "Good morning guys!" Bati ko sakanila at binati rin nila ako pero tanging si Ate Brin lang hindi kaya hinayaan ko na lang.
"My, iiwan ko muna si Brent sa'yo." Sabat ni Ate Brin, agad namang nangunot ang noo ni Kuya Renz, "Iiwan mo nanaman ang anak mo tapos saan saan ka lalakwatsa! Ikaw talaga Brin, wala ka nang ginawang matino sa buhay mo!" Inis na sabi ni Kuya at napangiwi naman si Ate brin.
"Hindi ako naglalakwatsa Kuya, I'm just having fun! Kidding! You know, naghahanap ako ng trabaho." Hindi nagustuhan ni kuya ang tono ni Ate brin kaya sinamaan niya eto nang tingin.
"Ingay niyo, nasa hapag kayo kaya rumespeto kayo." Kalmadong sabi ni Kuya Blaze ang pangalawa sa magkakapatid. Agad naman silang tumahimik at nagsimula nang kumain. Napagdesisyunan ni Ate na dito na lang sa bahay at bantayan ang anak, hindi na nag-aaral si ate dahil maagang nabuntis si Ate sa edad 19 at 2 taon na si Brent, ayaw siyang panagutan ng nakabuntis sakanya at pinili netong magpakalayo. Hinayaan na namin eto dahil yun din ang gusto ni Ate Brin.
Sumabay na ako kay Kuya Renz dahil madadaanan lang naman ang school, habang hinihintay si Kuya ay tiningnan ko ang munting bahay namin. Namiss ko ang dating bahay namin, namiss ko ang dating kami. Simula nang nawala si Dad ay nagkanda letche-letse ang buhay namin. Nawala sa amin ang bahay, ang mga sasakyan, pera at nag rebelde si ate kaya nabuntis.
"Sa ating mag-kakapatid mas ikaw ang naapektuhan at hirap mag move-on." Gulat akong napatingin kay Kuya Renz, "Masyado kang tulala kaya hindi mo ako napansin na pumasok haha!" Inirapan ko siya dahil tatawa tawa etong nakatingin sa akin.
"Bwesit ka Kuya, alam mo na nang tulala ako tapos mang-gulat ka pa!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakangisi parin eto."Woi, kahit sabihin kong 'shine dito ako 'wag kang magulat ha' alam kong magugulat ka pa rin." Hahaha, natawa na lang ako sa kabuang ni Kuya. Pinaandar niya na ang sasakyan na tanging natira lang nung nawala si Daddy. Na coma kasi si Dad kaya dumami ang gastos nun at mahigpit at marahas sa amin ang pamilya ni Dad. Kaya ang bahay at mga sasakyan ay kanilang kinuha, hindi ko maintindihan kung bakit hindi magawang ipaglaban ni Kuya Renz yun dahil yun ang binilin ni daddy sa amin. Minsan pag tinanong ko ay saka na daw yun. Kaya ang hirap intindihin dahil naging parte sa buhay ko ang bahay na iyon, doon kami lumaki.
"Kuya, anong balita sa bahay at mga sasakyan? Bakit hindi niyo magawang bawiin kila Lola yun?!" Nakaka frustate! Agad naman siyang umiling na senyas na ayaw niyang sagutin kaya nawalan na ako ng pag-asa para magtanong pa.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school, ang kabang tinatago ko ay biglang lumabas at the same time ay nakaka excite!!!
Bumaba na ako ng sasakyan ng makarating kami, humalik muna ako sa pisngi ni kuya bago umalis, "Goodluck, Shiny!" Kumaway na ako bago pumasok.This is it pancit!!!