"Eh, Ano ba talaga tayo?"
Minsan, natanong mo na rin ba to sa sarili mo?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Alam mo ba yung feeling na, mahal mo sya at mahal ka rin nya pero.. hindi ko alam, hindi ko talaga alam." - Hunter
"Mahal ko sya kaya ayaw ko syang masaktan." - Tiffany
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tiffany! sabay tayo umuwi ah. Hahatid kita!"
Araw - araw, hinahatid ni Hunter si Tiffany pauwi simula nung nanligaw si Hunter sakanya.
Effort ba?
"OO, Mahal ko e."
sa sakayan..
"Ang ganda talaga nya, lalo na pag nakangiti sya. Tiffany, kailan ko ba maipagsisigawan sa mundo na akin ka na talaga?" - Hunter
"Hunter.. okay lang naman na di mo ko ihatid e, nakakahiya naman sayo."
"Hahahaha, okay lang yun ano ka ba." nginitian ko si Tiffany.
ngumiti din sya, hayyy.. ang ganda niya talaga.
"Tagal ng taxi.. Tiffany! peram nga ako ng kamay mo :) huhulaan kita, dali!"
"Kailan ka pa naging manghuhula?"
"Sige na kasi, dali na!"
*Ang lambot ng kamay nya*
"Alam mo Tiffany.." (sabay tingin sa palad ni Tiff)
"May future ka.. may future ka na..
.... mag-kaholding hands tayo." (hinolding hands ni Hunter ang kamay ni Tiffany at nginitian nya si Tiffany)
"UOOOOOY!! KAYO HA!" kanchaw ng mga kaklase namin saaming dalawa ni Tiffany.
"Tiffany! Kelan mo pa sinagot si Hunter? kayo ah! di kayo nagsasabi."
Dali, daling tinanggal ni Tiffany ang kamay nya.
"Hindi kami no! ASA naman!" sabi ni Tiffany.
Ang sakit, sobrang sakit.. ASA? siguro OO, asa na lang ako na totoo yung mga sinasabi mo sakin. - Hunter
"OHHHH!!! WALA KA PALA HUNTER E, DI GUMAGANA YUNG PAGKACHICKBOY MO KAY TIFFANY!"
Nginitian na lang sila ni Hunter.
*para ng Taxi*
"sa Project 8, QC po."
"Tara na Tiffany"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
sa cafe, naguusap ang mga kaklase nina Tiffany at Hunter..
"Ano kaya yung nagustuhan ni Hunter dun no?"
"Oo nga e, si Hunter? Nako, sa daming nagkakagusto sakanya.. si Tiffany pa talaga yung pinili nya ha."
BINABASA MO ANG
Short story: Eh, Ano nga ba talaga tayo?
Teen Fiction"ANO NGA BA TALAGA TAYO?" Minsan ba natanong mo na yan sa sarili mo? O kaya gusto mo na itanong sa taong gusto mo pero hindi mo magawa dahil baka masaktan ka lang sa isasagot niya?