Chapter 2. "If I have to leave"

1.5K 59 2
                                    

Chapter 2. "If I have to leave"

Rose' POV

            Nagising ako sa kulbit ni Roem sa mukha ko. Pero pagdilat ko, agad akong napabalikwas nang hindi pala si Roem ang kumakalabit sa akin. Binalot ko sa comforter ang katawan ko at nanginginig habang nanlalaki ang mata siyang tinitingnan. Hindi ko magawang sumigaw sa di ko malamang dahilan. Siya 'yon! Siya 'yong multong beks kagabi!

            "Sis ah, award ka na sa pagka-OA!" natatawang sabi nito na parang casual lang kung makipag-usap sa akin. "Nagbunyi lang ang multong katawan ko nang ma-knows ko na nakikita mo akez." Paliwanag niya. Maigi ko pa siyang pinagmasdan.

            "Totoo ka ba?" tanong ko. Humalakhak naman siya.

            "Oy gaga ka, orig to no! Di ako made in China na multo!" Sagot niya. Ngayong nakakausap ko siya na parang normal. Konti-konti nang nawawala ang takot ko.

            "Pero bakit kita nakikita?" Naguguluhang tanong ko habang tinatanggal ang comforted sa katawan ko. Umakto pa itong nag-iisip ng malalim.

            "Di ba na-aksidente ka, baka dahil don kaya nabuksan ang third eye mo." Paliwanag ng multong kausap ko ngayon. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at muli kong binalik ang tingin sa kanya. I was just wondering.

            "But you are not a bad spirit right?" seryosong tanong ko sa kanya. Bigla namang nagbago ang hitsura ng kanyang mukha at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin. Nakaramdaman naman ako ng kakaiba at takot sa pinapakita ng multong nasa harap ko. Mariin kong hinawakan ang comforter at pumikit.

            "Sis, dry na ang buhok mo. Salon salon din pag may time." Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi niya. I thought this gay ghost in front was about to eat me!

            "So, you are not a bad ghost?" Pag-uulit ko. I heard him deep sigh and gave me a smile.

            "Nah. May gusto lang akong gawin pa bago pumaylaloo sa heavenchi!" sagot niya saka tumawa nang malakas nang bigla siyang mawala sa harapan ko nang bumukas ang pinto. Maging ako ay nagulat sa pagpasok ni Mama.

            Kita ko ang nakakunot at nagtatakang mukha ni Mama habang nililibot ng tingin ang buong kwarto nila. Tiningnan naman ako nito nang labis na naguguluhan.

            "May kausap ka 'nak?" She asked. I just play dumb and answer none. "Okay, tara na at magbreakfast and," she paused as she sat down in bed and stare at me peacefully. "I need to tell you something."

            Pagbaba sa dining, I heard Roem's voice while singing the theme song spongebob squarepants on his iPad. Naupo ako sa tabi ni Roem at tiningnan ang spongebob episodes na pinapanuod niya. And he started telling the story about the episode. Mayamaya pa, bumaba na rin si Mama at hinanda na ang breakfast namin. Habang kumakain, nahuli kong nakatingin si Mama sa akin like she is thinking something strange about me. Well, there is something really strange in me, me seeing and talking to a ghost?

            "I heard you earlier in our room Rose, I heard that you are talking to someone." Ani Mama. What am I gonna do? Should I tell her? Uminom ako ng orange juice at saka nagsalita.

            "Wala ma, maybe I was just sleep talk. Kakagising ko lang kaya pagpasok mo kanina." Pagdadahilan ko. Nakita ko pa ang paghinga niya ng malalim bago ibalik ang sarili niya sa pagkain ng breakfast.

            "Anyway, ang sasabihin ko pala e, mag-impake ka na anak." Nagulat ako sa sinabi niya.

            "What? Papalayasin mo ba ako Ma?" I shouted in shock.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon