Chapter 4

188 18 4
                                    

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Gising na si Pattie pero si Patrick, tulog pa rin.

Inalis ko yung kumot at walang hilamos na lumabas ng kwarto. Paglabas ko pa lang, bunganga na kaagad ni Tita ang naririnig.

"Lintek talaga yung batang 'yon, nakakahiya yung ginawa niya kahapon!" Padabog niyang nilapag ang kaldrero sa lababo habang naririnig ko yung padarag niyang lakad para maglapag ng pagkain.

"Hindi mo naman masisisi yun, kaibigan niya ang nanakawan. Isa pa, hindi rin naman niya kasalanan na parehas ng damit yung magnanakaw at apo ng Señor." Paliwanag ni Papa.

Tumambay ako sa hagdanan at sumandal sa railings. Sumang-ayon ako kay Papa dahil may punto yung paliwanag niya.

"Kahit na! Apo ng Señor yun! Binalak pa siyang kasuhan, anong ipangpi-piyansa natin kung makulong 'yon? Mawawalan tayo ng perang mapapadala kay Alyana at nag-aaral pa naman 'yon."

"Hindi lang si Alyana ang anak mo, Amelia." Tila pagod na si Papa kaka-paliwanag kay Tita.

"Bakit? Anak ko ba 'yon? Palibaha--"

"Good morning!" Hindi ko na hinayaan na magsalita pa ulit si Tita at bumaba na ako para kumain. Tumalim ang tingin ni Tita sa akin, tinitigan ko lang siya at nagkibit-balikat.

Tumabi na rin si Pattie sa akin habang dala ang cellphone... Cellphone ko na naman!

"Hoy Patchoy, anong kalokohan yung nabalitaan ko ha? Pinahiya mo yung Señorito?" Dinuro ako ni Tita ng sandok, tumingin ako kay Papa na tumango na lang na parang sinasabihan akong sakyan na lang si Tita.

Ngumiti ako kay Tita at hinawi ang sandok. "Masyado pong mahaba kung iku-kwento ko." Mukhang nagpantig ang tainga niya sa sinabi ko.

"Aray! Tita, ang sakit! Dahan-dahan naman yung hampas!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa paghampas niya ng sandok. Hindi pa siya nakuntento at kinurot pa ako sa braso.

"Nakakahiya ka, Si Señorito yun! Nagi-isang apo ni Señor Del Valle!" Lumayo na ako sa kaniya at hinimas ang kinurot niyang part. Badtrip naman 'to si Tita, ang sakit kaya niya mangurot.

"Tita naman, kahit anak pa siya ng Presidente kung magnanakaw siya, kailangan niya pa rin managot!" Napatakbo na ako nang hinabol na niya ako.

"At talagang sasagot ka pa ha!"

"Amelia, tigilan mo na si Patricia at kumain na tayo." Isang matalim na tingin ang ginawad niya bago pairap na nagtungo pabalik sa hapag kainan. Nag-make face muna ako bago naglakad pabalik sa upuan ko.

Umupo ulit ako sa tapat ni Pattie, pinagi-gitnaan nila ako ni Kuya Nico na ngingisi-ngisi habang sinisiko ako. Katapat ko si Tita na masama na ang timpla habang sumasandok ng kanin.

"Nahuli na ba daw ang magnanakaw? Paano napunta sa bulsa ng Señor yung cellphone ni Reina?" Si Papa ang maayos na nagtanong, sumulyap ako kay Tita na kunwari walang pakialam habang kumakain pero pasimpleng nakikinig.

Pinigilan ko ang matawa at ganoon din sila Pattie.

"Tinawagan ako ni Robs kagabi, natsambahan nila kinahapunan. Umamin na nilagay niya sa bulsa ng bak-- este ng Señorito yung cellphone."

Unang namalita si Robs sa akin kagabi pagkahuli nila sa magnanakaw kagabi. Hindi na ako pumunta sa kulungan kasi gabi na at napagod ako kakatakbo at sa pagtambay kala Sergio.

"Nataranta siguro."

"Kasi naman dapat inaalam mo muna bago mo sinasakal at sinapak." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Tita.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon